Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 71

Layunin:

• Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat;


• Naiisa-isa ang mga layunin at
kahalagahan ng pagsulat;
PAGBASA

PAGSASALITA PAKIKINIG

MAKRONG
KASANAYAN

PANONOOD PAGSUSULAT
• Ayon kay Cecilia Austera, et al., may-akda ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009),
ang pagsusulat ay isang kasanayang
naglulundo ng kaisipan at
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe, ang wika.
• Ayon naman kay Edwin Mabilin, et al., sa
aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ito ay isang
pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng
tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa
papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan.
•BAKIT KAYO
NAGSUSULAT?
• Sa iba, ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi nila sa iba ang kanilang
mga ideya at mga kaisipan sa
paraang kawili-wili o kasiya-siya para
sa kanila
• Sa mga mag-aaral, ang kalimitang
dahilan ng pagsusulat ay ang
matugunan ang
pangangailangan sa pag-aaral
bilang bahagi ng pagtatamo ng
kasanayan
• Sa mga propesyonal namang
manunulat tulad ng mga awtor,
peryodista, sekretarya, guro at iba
pa, ito ay kanilang ginagawa bilang
bahagi ng pagtugon sa bokasyon o
trabaho na kanilang ginagampanan
sa lipunan.
• Malaking tulong ang pagsusulat

NAGSUSULAT LIPUNAN
MGA
MAMBABASA
Ayon nga kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.
madalas ang isang
• PAKIKINIG
indibidwal na gumagawa
• PAGBABASA
nito ay kumukuha o
• PANONOOD
nagdaragdag ng mga
kaalaman sa kanyang
isipan.
• PAGSASALITA ang taong nagsasagawa
• PAGSUSULAT nito ay nagbabahagi ng
kanyang mga kaisipan at
nalalaman tungkol sa isang
tiyak na paksa sa
pamamagitan ng kanyang
sinabi at isinulat.
Layunin at
Kahalagahan
ng Pagsulat
Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr.
Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat
at Pananaliksik (2001), malaki ang
naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa
damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipahahayag niya ang
kanyang damdamin, mithiin, pangarap,
agam-agam, bungang-isip, at mga
pagdaramdam.
Dahil din sa pagsulat, nakikilala
ng tao ang kanyang sarili,ang
kanyang mga kahinaan at
kalakasan, ang lawak at tayog ng
kanyang kaisipan, at ang mga
naaabot ng kanyang kamalayan.
Ang pangunahing layunin ng
pagsulat ay ang mapabatid sa mga
tao o lipunan ang paniniwala,
kaalaman, at mga karanasan ng
taong sumusulat.
Kaya naman, napakahalaga na bukod sa
mensaheng taglay ng akdang susulatin,
kailangan ang katangiang mapanghikayat
upang mapaniwala at makuha ang
atensiyon ng mga mambabasa.
Mahalagang isaalang-alang ang layuning
ito sapagkat masasayang ang mga isinulat
kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at
pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at
damdamin ng makababasa nito.
Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat
na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin
sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring
mahati sa dalawang bahagi.

personal o panlipunan o
ekspresibo sosyal
personal o ekspresibo

• ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa


pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng
pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng
kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis
depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang
karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng
mga manunulat na sanaysay, maikling kuwento,
tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan.
panlipunan o sosyal

• ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa


ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang
tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay
transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang
pagsulat ng liham, balita, korespondensiya,
pananaliksik, sulating panteknikal, tesis,
disertasyon, at iba pa. Ginagawa ang mga sulating
ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang
iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o
sa lipunan.
Sa kabilang dako, maaari din namang
magkasabay na maisagawa ang layuning
personal at panlipunan partikular sa mga
akdang pampanitikang naisulat bunga ng
sariling pananaw ng may-akda na maaaring
magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa
lipunan tulad halimbawa ng talumpati na
karaniwang binibigkas sa harap ng madla
upang maghatid ng mensahe at
manghikayat sa mga nakikinig.
Kahalagahan o ang mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat:
1. Masasanay ang kakayahang mag-
organisa ng mga kaisipan at maisulat
ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan.
Kahalagahan o ang mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat:
2. Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
Kahalagahan o ang mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat:
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-
aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhetibo sa
paglalatag ng mga kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na
impormasyon.
Kahalagahan o ang mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat:
4. Mahihikayat at mapauunlad ang
kakayahan sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng mga
materyales at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat
Kahalagahan o ang mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat:
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa
pagtuklas ng mga bagong kaalaman at
pagkakaroon ng pagkakataong
makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan
Kahalagahan o ang mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat:
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa
paggalang at pagkilala sa mga gawa at
akda ng kanilang pag-aaral at
akademikong pagsisikap
Kahalagahan o ang mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat:
7. Malilinang ang kasanayan sa
pangangalap ng mga impormasyon
mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman
para sa akademikong pagsusulat
Mga Gamit
o Pangangailangan sa
Pagsulat
1. WIKA - Ang wika ang magsisilbing
behikulo upang maisatitik ang mga
kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon at iba pang nais ilahad ng
isang taong nais sumulat.
2.PAKSA - Mahalagang magkaroon ng isang tiyak
na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing
pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda.
3. LAYUNIN - Mahalagang matiyak ang
layunin sa pagsulat. Ang layunin ang
magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga
datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4.PAMARAAN NG PAGSULAT - May limang
pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang
kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o
pakay ng pagsusulat:

a.) Paraang impormatibo kung saan ang pangunahing layunin


nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.

b.) Paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay naglalayong


magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon
at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang
sariling karanasan o pag-aaral.

c.) Pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing layunin


nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
4.PAMARAAN NG PAGSULAT
d.) Pamamaraang deskriptibo kung saan ang
pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga
katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay
sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan at
nasaksihan.

e.) Pamamaraang argumentatibo kung saan ang


pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa
mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng
proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat
pagtalunan o pag-usapan.
5.) KASANAYANG PAMPAG-IISIP –

Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang


kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos
na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o
maging ng mga impormasyong dapat isama sa
akdang isusulat.
5.) KASANAYANG PAMPAG-IISIP –

Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-


iisip upang makabuo siya ng malinaw at
mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran.
Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo siya
sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga
impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.
6. KAALAMAN SA WASTONG
PAMAMARAAN NG PAGSULAT –

Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang


pagkakaroon ng sapat na kaalamanan sa wika at
retorika partikular sa wastong paggamit ng
malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay,
paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at
obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang
makabuo ng isang mahusay na sulatin.
7. KASANAYAN SA PAGHABI
NG BUONG SULATIN –

Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga


kaisipan at impormasyon sa isang maayos,
organisado, obhetibo, at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o
komposisyon hanggang sa wakas nito.
MGA URI
NG PAGSULAT
1.MALIKHAING PAGSULAT
(Creative Writing)

• Pangunahing layunin nitong maghatid ng


aliw, makapukaw ng damdamin at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng
mga mambabasa. Karaniwan itong bunga
ng malikot na isipan ng sumusulat na
maaaring batay sa tunay na pangyayari o
kaya naman ay bunga ng imahinasyon o
kathang-isip lamang.
2.TEKNIKAL NA PAGSULAT
(Technical Writing)

• Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang


isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang
pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang
problema o suliranin. Bagama’t maituturing na
malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng
sulatin, ang inaasahang higit na makauunawa lamang
nito ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa
tinatalakay na proyekto o suliranin na may
kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan.
2.TEKNIKAL NA PAGSULAT
(Technical Writing)

• Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang


Feasibility Study on the Construction of
Platinum Towers in Makati, Project on the
Renovation of Royal Theatre in Caloocan City,
Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.
3.PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional
Writing)

• Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa


mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga
sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling
propesyon o bokasyon ng isang tao.
3.PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional
Writing)
• Gaya halimbawa ng mga guro, mahalagang
matutuhan nila ang wastong pagsulat ng lesson plan,
paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga
pagsusulit o assessment. Ang mga tao namang
kabilang sa larangan ng medisina kagaya ng doctor at
nars ay kinakailangang magkaroon ng sapat na
kaalaman sa paggawa ng medical report, narrative
report, narrative report tungkol sa physical
examination ng isang pasyente.
4.DYORNALISTIK NA PAGSULAT (Journalistic
Writing)
• Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan
sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng
balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa.
Mahalagang ang mga taong sumusulat nito tulad ng
mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay
maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo,
obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung
nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang
isusulat sa mga pahayagan, magasin o kaya naman ay
iuulat sa radyo at telebisyon.
5.REPERENSIYAL NA PAGSULAT (Referential
Writing)
• Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala
ang mga pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng konseptong
papel, tesis at disertasyon. Layunin din ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga
sangguniang maaaring mapagkunan ng
mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na
paksa.
5.REPERENSIYAL NA PAGSULAT (Referential
Writing)
• Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling
bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya
naman ay sa kabanatang naglalaman ng
Review of Related Literature (RRL). Ang RRL o
kaugnay ng mga literatura ay mga pag-aaral na
pinaghahanguan ng mga prinsipyo at batayan
upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa
pagbuo ng isinasagawang pananaliksik.
6.AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic
Writing)

• Ang akademikong pagsulat ay isang


intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay
nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng
isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
6.AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic
Writing)

• Ayon kay Carmelita Alejo, et al., sa aklat na


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
(2005), ang akademikong pagsulat ay may
sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad
ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang
pinangangatwiranan. Layunin nitong maipakita
ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang
pananaliksik.
6.AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic
Writing)

• Ayon naman kay Edwin Mabilin, et. Al. (2012),


ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o
bunga lamang ng akademikong pagsulat.
Lubos ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito
ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang
larangan bunga ng masusing pag-aaral sa
pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.
ANG
AKADEMIKONG
PAGSULAT
• Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat
sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at
may kabuluhan ang isang tao, maituturing na
nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng
edukasyon at pagtatrabaho. Sa pag-aaral,
mahalagang masagot nang maayos ng mga mag-aaral
ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing
pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat,
makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at
eksperimentasyon, at higit sa lahat ay makalikha ng
mga papel na pananaliksik.
• Sa mundo naman ng empleyo, ang isang tao ay kailangang
marunong sumulat ng liham ng aplikasyon, may kakayahang
gumawa ng project propsal, at tanong ng mga kliyente,
makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinagagawa ng
manager at marami pang iba. Kaya naman, sa mga paaralan at
unibersidad ay sinasanay ang bawat mag-aaral na matutuhan
at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong
pagsulat.
Ang Paggamit
ng Akademikong Filipino
sa Pagsasagawa
ng Akademikong
Pagsulat
• Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa
salitang akademya. Ang akademya ay tumutukoy sa
institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi
sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan.
Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-
aaral, guro, administrador, gusali, kurikulum, at iba pa.
Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain
ng isang akademya kung wala ang instrumento upang
mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon
nito, walang iba kundi ang wika.
• Sa pag-aaral ng kursong ito, ang akademikong
Filipino ang gagamitin sa akademya. Ang
akademikong Filipino ay iba sa wikang
karaniwan o sa wikang nakasanayan nang
gamitin ng marami sa araw-araw na pakikipag-
usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi
gaanong pinahahalagahan ang mga
alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino.
• Sa paggamit ng akademikong Filipino, malinaw sa isip
ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita o
pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga
alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito
ay maging istandard at magamit bilang wika ng
intelektuwalisasyon. Kaya naman sa kasalukuyan,
hindi lamang sa mababang paaralan at high school
pinagbubuti ang pagtuturo at paggamit ng wika
kundi pati na rin sa mga kolehiyo at unibersidad,
nangunguna na rito ang Unibersidad ng Pilipinas.
• Bukod sa ang Filipino ay napatunayang
mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-
aaral, nakasaad din sa Konstitusyon na ito ay
isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan.
• Ayon kay Vivencio Jose, isang mahusay na
manunulat at historyador, sa kanyang
sanaysay mula sa aklat ng Mga Diskurso sa
Wika at Lipunan (1996), epektibong
magagamit ang Filipino sa loob ng akademya,
hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat
ng uri ng komunikasyon kundi maging sa
pamamagitan ng kurikulum at buhay sa
akademya.
• Naniniwala siyang kailangan ang masidhing
hangarin ng bawat isa sa atin na maging
tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga
kaisipang dumadaloy sa wikang Filipino. Higit
na magiging epektibo ang pagkatuto ng mga
mag-aaral kung sa wikang alam niya ito
matatamo.
• Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa
kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School
ang Akademikong Pagsulat kung saan sa
asignaturang ito ay lilinangin, sasanayin, at
huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga
mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong
Filipino.
• Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na
naranasan ng mga mag-aaral mula sa
elementarya, sekundarya, kolehiyo at maging
graduate school ay maituturing na bahagi ng
akademikong pagsulat. Sa inyong pag-aaral ay
ikinintal sa inyong isipan ang kahalagahan ng
paggamit ng wikang Filipino at higit sa lahat
ang mga tuntunin sa paggamit nito.
• Kabilang sa mga pagsasanay na ito ang
paggawa ng sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng
mga akdang pampanitikan, pagsulat ng mga
artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case
studies, pagsulat ng pamanahong papel, at
pananaliksik.
MGA KATANGIANG
DAPAT TAGLAYIN
NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
• 1.Obhetibo - Una sa lahat ang akademikong
pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang
pagkakasulat. Kailangang ang mga datos na
isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang
pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging
subhetibo o ang pagbibigay ng personal na
opinyon o paniniwala hinggil sa isang paksang
tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga
pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa
aming haka-haka o opinyon.
• 2.Pormal - Dahil nga karaniwang ginagamit sa
akademikong pagsulat ay ang akademikong
Filipino, nangangahulugan lamang ito ng
pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng
mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip,
gumamit ng mga salitang pormal na madaling
mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o
himig ng paglalahad ng mga kaisipan o
impormasyon ay dapat na maging pormal din.
• 3. Maliwanag at Organisado - Ang paglalahad
ng mga kaisipan at datos ay nararapat na
maging malinaw at organisado. Ang mga talata
ay kinakailangang kakitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang
mga talata ay mahalagang magtaglay ng
kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga
kaisipang hindi makatutulong sa
pagpapaunlad ng paksa.
• 3. Maliwanag at Organisado -
• Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o
pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa
ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang
sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa.
Bukod sa katangiang kaisahan at maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang
punong kaisipan o main topic ay dapat
mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.
• 4.May paninindigan - Mahalagang
mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais
niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig
sabihin hindi maganda ang magpabago-bago
ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa
ito ay mahalagang mapanindigan niya
hanggang sa matapos niya ang kanyang
isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng
pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para
matapos ang pagsulat sa napiling paksa.
• 5.May pananagutan - Ang mga ginamit na
mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat
na pagkilala. Mahalagang maging
mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng
mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ay
isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng
etika ng akademikong pagsulat upang mabuo
ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong
upang higit na mapagtibay ang kahusayan at
katumpakan ng iyong ginawa.
Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin
• 1.Abstrak
• 2.Sintesis/buod
• 3.Bionote
• 4.Panukalang proyekto
• 5.Talumpati
• 6.Agenda
• 7.Katitikan ng pulong
• 8.Posisyong papel
• 9.Replektibong sanaysay
• 10.Pictorial-essay
• 11.Lakbay-sanaysay

You might also like