Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Eko-Diary

Grazielle Yvy B. Gallano


G9-Good voyage
Konsepto ng Ekonomiks
Buod ng konspeto
• Ang EKONOMIKS ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa mga kilos at asal ng
isang indibidwal, kung paano nito sinolusyunan na matugunan ng limitadong
resources ang walang katapusang pangangailangan ng tao.  Ito ay nagmula sa
salitang Griyego na oikonomos, na hango naman sa salitang oikos (pamamahala)
at nomos (tahanan). Oikonomos- pamahalaan ng sambahayan tumutukoy sa
simpleng pamamahala ng bahay o pansariling pamumuhay. Pinag-aaralan din nito
kung paano pinipili ng mga indibidwal, pangkat, at pamahalaan ang sistemang
lulutas sa mga suliraning pang-ekonomiya ng Bansa.  Ang ekonomiks ay
gumagamit ng tiyak na hakbang upang matugunan ang mga suliraning pang-
ekonomiya. Mailahad nang maayos ang mga prinsipyo, batas, modelo, at teorya
gamit ang mga matematika at siyentipikong pamamaraan upang makabuo ng mga
kaisipan at patakarang pang- ekonomiya.  Samakatuwid ito ay isang agham dahil
sinusukat nito ang eksaktong epekto ng isang pangyayari sa lipunan.
Malikhaing Paglalarawan tungkol sa Paksa
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay:
• Mahalaga ang ekonomiks dahil ito ang nagbibigay kasagutan
sa mga katanungang ating iniisip. Sa pag aayos at pagpaplano
ng gawain sa ating tahanan ay gumaganap ng malaking parte
ang ekonomiks tulad na lamang sa aspeto ng pagtipid o pag-
budget ng pera para matustusan ang mga pangangailangan
ng pamilya at makapagtabi nang sapat para sa mga hindi
inaasahang pangyayari. Kaya bilang isang mag-aaral ng
ekonomiks, ibabahagi ko ang aking natutunan sa aking mga
kaibigan at sabay naming pahalagahan ang pag aaral ng
ekonomiks.
Kakapusan at Kakulangan
Buod ng konsepto
• Ang kakapusan o scarcity ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel,
chromite, natural gas, at iba pang non-renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng
mga ito. Samantalang ang kakulangan naman o shortage ay nagaganap kung may
pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng
bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba pang kalamidad. Kahit saang panig
ng mundo ay mayroong mga isyu patungkol sa kakapusan at kakulangan. Ito ay isang
malawak na suliranin na walang pinipili at lahat ay nararanasan. Patungkol sa usaping pang-
ekonomiya, lahat ng bansa ay nahaharap sa problemang may kinalaman sa kalagayan ng mga
pinagkukunang-yaman. Gayundin naman ang kakayahan upang matugunan ang hindi
mabilang na mga pangangailangan ng mga tao. Ang pangunahing isyu ng kakapusan ay ang
katotohanang walang kakayahan ang kahit na anong bansa na matustusan ang mga
pangangailangan ng ekonomiya bilang kabuuan.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay:
• Sa araling ito, natutunan ko ang pinagkaiba ng
kakapusan at kakulangan. Kaya ang gagawin ko ay ang
pagsusumikap na makapagtipid sa maliit man o
malaking bagay. Lalo na ngayong may pandemya,
natutunan ko na dapat matuto tayong magreserba at
hindi dapat tayo nagsasayang ng mga bagay. At
paggamit ng mga bagay na mas importante kaysa sa
mga bagay na maari namang isantabi
Pangangailangan at Kagustuhan
Buod ng Konsepto
• Ang Pangangailangan ay mahalaga upang mabuhay ang tao ng maayos sakanyang
pang-araw araw na gawain. Hindi ito dapat na ipagkait sapagkat isa itong karapatan ng
bawat nilalang na makuha o makamit sa kanyang buhay. Ang mga pangangailangang
ito ay nagbibigay ng saya at ng saysay sa buhay ng isang tao. Sinumang magnanais na
tanggalin ito sa kanya ay maaaring maparusahan o makapagdulot ng kabawasan sa
moral na pamumuhay ng isang tao. Ang Kagustuhan naman ay tumutukoy sa mga
bagay na nagbibigay kaginhawaan at kasiyahan sa buhay ng isang tao. Ito ay ginawa ng
isang tao upang mas mapabuti ang kanyang buhay, mas maging masaya, mas maging
komportable at mas lumago ang kanyang sarili. Ito ay maaaring hindi mag katulad sa
bawat nilalang sapagkat iba't iba ang kanilang mga ninanais na kagustuhan. Maaaring
ito ay magdulot ng maganda sa isang nilalang o maging dahilan ng lungkot, lumbay o
pagkalungkot sa indibidwal kapag ito ay hindi niya nakamit.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• Pangangailangan

• Ito ay mahalaga upang mabuhay ang tao ng maayos sa kanyang mga pang-araw araw na gawain. Hindi ito dapat
na ipagkait sapagkat isa itong karapatan ng bawat nilalang na makuha o makamit sa kanyang buhay. Ang mga
pangangailangang ito ay nagbibigay ng saya at ng saysay sa buhay ng isang tao. Sinumang magnanais na
tanggalin ito sa kanya ay maaring maparusahan o makapagdulot ng kabawasan sa moral na pamumuhay ng
isang tao.

• Ang mga halimbawa ng pangangailangan natin ay:


• • pagkain
• • tirahan
• • edukasyon
• • mga mahahalagang birtud tulad ng pagkakaroon ng pamilya, pagmamahal, pag-aalaga
• at kaibigan.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• Kagustuhan

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nagbibigay kaginhawaan at kasiyahan sa buhay ng isang tao. Ito ay
ginawa ng isang tao upang mas mapabuti ang kanyang buhay, mas maging masaya, mas maging
komportable at mas lumago ang kanyang sarili. Ito ay maaring hindi magkakatulad sa bawat nilalang
sapagkat iba't iba ang kanilang mga ninanais na kagustuhan. Maaaring ito ay magdulot ng maganda sa isang
nilalang o maging dahilan ng lungkot, lumbay o pagkalungkot sa indibidwal kapag ito ay hindi niya nakamit.

• Ang mga halimbawa ng kagustuhan ay:

• Cellphone tv laruan
• Laptop mamahaling alahas
• magarang sapatos android tablet
• mamahaling damit mamahaling bag
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay
• Sa araling ito, natutunan ko na dapat maging
kontento tayo sa kung anong meron tayo. Lalo
na ngayong pandemya, dapat magtipid tayo at
huwag bumili ng mga bagay na hindi naman
kailangan. Mga bagay na saglit lang naman
gagamitin tapos ay itatambak nalang. Mas bilin
natin yung mga bagay na importante at
kailangan talaga.
Konsepto at salik ng produksyon
Buod ng Konsepto
• Ang produksyon ay pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya.
Dito nililikha ang mga bagay o produktong kailangan ng mga
mamamayan. Kailangan din sa pag-ikot ng ekonomiya ang pagpapalitan
o distribusyon at ang pagkonsumo. Batay rito, masasabing isang sistema
ng patuloy na produksyon, palitan, at pagkonsumo ng mga kalakal at
serbisyo ang ekonomiya. tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo
upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Nangangailangan ng
mga materyal at kagamitan ang anumang paggawa ng isang bagay o
kalakal upang magkaroon ng produksyon.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
MGA SALIK NG PRODUKSYON KATANGIAN
LUPA BILANG SALIK NG PRODUKSYON Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nanggagaling sa
kapaligiran na ginagamit sa
paggawa ng produkto at pagtatayuan ng mga planta,
gusali, pabrika at iba pang
imprastraktura na pinanggagalingan ng hilaw na
sangkap. Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at
hindi mapapalitang yaman ng kalikasan. Halimbawa
nito ang matatabang lupang pinagtataminan, ang mga
lupang pastulan, lupa sa lungsod at iba pa.
Nadadagdagan ang
kapakinabangan ng lupa habang nalilinang ito.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
MGA SALIK NG PRODUKSYON KATANGIAN

Ang lakas-paggawa ay ang pinakamahalagang salik ng


Lakas-Paggawa Bilang Salik ng Produksyon produksyon. Maituturing na
lakas-paggawa ng lakas-tao na ginagamit sa paglikha o
paggawa ng kapaki-pakinabang na
bagay. Ang kalikasan ang nagbibigay ng mga hilaw na
sangkap o likas na yaman ngunit
nakasalalay sa kamay ng tao ang paglinang nito upang
maging kapaki-pakinabang ito.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
SALIK NG PRODUKSYON KATANGIAN
May malaking bahagi sa produksyon ang puhunan.
Ang Kapital o Puhunan Bilang Salik ng Produksyon Magiging kapaki-pakinabang lamang ang
lupa kung gagamitan ng puhunan. Mahalaga rin sa
paggawa ang puhunan upang matugunan
ang pangangailangan. Nagiging maunlad ang
industriyang pinaglalaanan ng malaking puhunan.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
SALIK NG PRODUKSYON KATANGIAN
Isang entreprenyur ang nagtatatag ng negosyong
Ang Kakayahang Entreprenyur Bilang Salik ng makapagbibigay ng malaking
Produksyon kapakinabangan sa mga mamamayan. Siya ang nasa
likod na produksyon. Sa kanyang
matalinong pagpapatakbo nakasalalay ang paglago ng
isang negosyo. Siya ay tinaguriang
tagapamahala, superbisor, innovator, at risk bearer sa
produksyon.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• MGA URI NG SAMAHANG PANG-NEGOSYO
•SOLE PROPRIETORSHIP O ISAHANG PAGMAMAY-ARI
•Isang tao lamang ang nagmamay-ari at nagpapatakbo. Sa nagmamay-ari lahat napupunta ang tubo na kinikita nito.
Malaya silang magpatupad ng anumang pagbabago na kanyan nais.

•PARTNERSHIP O SOSYOHAN
•Binubuo ito ng dalawa o higit pang tao na pumayag na pagsama-samahin ang kanilang kakayahan sa layuning
mapaghatian ang anumang tutubuin ng negosyong kanilang itatayo.

•KOOPERATIBA
•Tinatag at binuo ng isang pangkat ng mga tao na ang layunin ay pagsama-samahin ang kanilang maliliit na puhunan
upang makapagpatayo ng negosyong tutugon sa kanilang pangangailangan bilang isang pangkat.
•Layunin:
•• Mapaglingkuran ang mga kasapi nito
•• Lumikom ng malaking tubo
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• KORPORASYON

• Asosasyon ng mga indibidwal na binuo sa pamamagitan ng mga batas.


• Stockholder ang tawag sa kanila.
• May katauhang legal ang korporasyon kung saan hiwalay ito sa mga nagmamay-ari nito.
• Ang mga mga stockholders ay bumuboto ng mga kasapi ng board of directors na
nagpapalakad sa korporasyon.
• Malaki ang nalilikhang puhunan ng isang korporasyon kaya malaki rin ang negosyong
maitatayo na maaaring kumita ng malaking tubo.
• Sa dami ng mga may-ari ng isang korporasyon, nagkikita lamang sila sa isang pagpupulong
kung saan pinag-uusapan nila ang mga patakaran at pamamahala ng korporasyon.
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay
• Sa araling ito, natutunan ko ang tamang
pamamahala sa negosyo. Natutunan ko rin kung
paano ipinupruseso ang mga produkto na aking
binibili. At mahalaga ang salik ng produksiyon
dahil nagkakaroon ng kabuluhan ang paggamit
ng ibang salik ng produksyon upang makabuo ng
produkto na tutugon sa pangangailangan ng tao
at bansa
Konsepto ng pagkonsumo
Buod ng konspeto
• Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili o paggamit ng mga produkto
at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao at
matamo nito ang kasiyahan. Mahalaga ito sa ekonomiya ng bansa
sapagkat dito nakasalalay ang pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing pang-
ekonomiya. Magkakaiba ang uri at pamamaraan ng pagkonsumo ng
bawat tao dahil magkakaiba ang kanilang alokasyon, pangangailangan, at
mga kagustuhan batay sa kanilang pinagkukunang-yaman, kakayahan at
kasanayan, at maging ang kanilang kapaligiran. Ang pagkonsumo ay may
apat na uri: tuwiran, produkto, maaksaya at mapanganib batay sa kung
ano at paano kino konsumo ng produkto.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
MGA URI NG PAGKONSUMO KATANGIAN
Tuwiran Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag sa ating
pagbili at paggamit ng produkto at serbisiyo ay
agarang natatamo natin ang kasiyahan at
kapakinangaban.
Produkto Ang produkto o serbisyo ay ginagamit upang
makalikha pa ng isa pang produkto o serbisyo.
Maaksaya Ang uri ng pagkonsumo na sayang na paggamit ng
produkto.
Mapanganib Paggamit ng produkto na delikado sa tao
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay
• Sa aralin na ito, natutunan ko na may mga bagay
na pwede mong irecycle para makatipid.
Ibabahagi ko ang aking natutunan sa aking mga
kaibigan para sabay kaming mag tipid at gamitin
ang mga bagay na pwede pang gamitin.
Sasabihan ko rin ang aking mga magulang na
wag agad itapon ang mga bagay na pwede pang
magamit.
Konsepto ng Alokasyon
Buod ng konsepto
• Ang alokasyon ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman upang lutasin ang suliranin ng lipunan ukol sa
kakapusan. Ito ay tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng
pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman mahalagang gamitin ito ng
lipunan sa episyenteng pamamaraan. Kinakailangang malinaw ang layunin
ng paggamit sa mga pinagkukunang-yaman upang maiwasan ang pagka-
aksaya nito. Sa alokasyon, ang pagbuo ng mga impormasyon hinggil sa
tutugunang pangangailangan ay maaaring sentralisado o desentralisado.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• Sentralisado ang alokasyon kapag ang mga kinakailangang impormasyon ay binubuo
• ng itinatakda ng iilang tao, grupo ng tao, o institusyon.

• Desentralisado naman ang alokasyon kapag pinahihintulutan ang iba’t ibang kasapi ng ekonomiya na makabuo ng mga
impormasyon at magtakda kung anu-anong pangangailangan at kagustuhan ang nais nilang unahing matugunan.

• Sa alokasyon, tinutukoy rin kung paano at sino ang magbibigay-halaga sa mga pinagkukunang-yaman. Dalawa ang maaari
nitong maging kaayusan:

• Pinag-uutos (command) – ang mga patakaran ng pamahalaan ang magtatakda sa pagbibigay –halaga sa mga
pinagkukunang-yaman

• Pakikipagpalitan (exchange)– ang halaga ng pinagkukunang-yaman ay itinakda ng plano ng bawat kasapi bilang pagtugon
sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay
• Sa araling ito, natutunan ko na importante ang
pagkakaroon ng alokasyon. Ito ay isang mekanismo ng
pamamahagi ng pinagkukunang yaman sa ibat ibang
gamit ng upang sagutin ang mga pangunahing
pangangailangan at katanungan ng isang lipunan sa
suliranin sa kakapusan. Kung wala ito, hindi magiging
malinaw ang layunin ng paggamit sa mga
pinagkukunang-yaman na makakaiwas sa pagka-
aksaya nito.
Sistemang pang-ekonomiya
Buod ng konsepto
• Ito ay sumasaklaw sa mga estruktura, institusyon, at mekanismo na
batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksiyon upang
sagutin ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Walang
perpektong sistema na angkop sa isang bansa, kaya ito ay maaaring
baguhin ayon sa pangangailangan ng ekonomiya. May iba’t ibang uri
ng ekonomiya ayon sa sistema na ginagamit. Una, tradisyonal na
ekonomiya; ikalawa, ang market na ekonomiya; ikatlo ang command
na ekonomiya; at pang apat, ang pinaghalong ekonomiya. May iba’t
ibang pamamaraan ng pagsagot sa mga pangunahing suliranin sa
ekonomiks ang apat na sistemang pang-ekonomiya.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• Uri ng sistemang pang ekonomiya

•Ekonomiyang May Ganap na Bilihang Kapitalismo

•ito ay isang huwarang ekonomiya at hindi gaanong makatotohanan dahil mahirap masunod ang mahigpit na katangian nito.
•ginagamit ito bilang pamantayan sa pagsusuri kung mabisa o episyenteng ekonomikal ang mga patakaran at gawaing pang-ekonomiya. 

•Pangunahing katangian, institusyon at mekanismo

•ang pribadong pagmamay-ari ng ginarantiyahan ng mga institusyong legal 


•malawak ang malayang pamamalakad at kompetisyon. 
•ang layunin ng mga gawaing pamproduksiyon ay para sa pamilihan at pagbenta at hindi lamang para sa sariling pagkonsumo.

•Maunlad na Ekonomiyang May Bilihang Kapitalismo

•ang maipatupad ang mga batas na nagtataguyod ng pribadong propyedad, mabigyan ng kaayusan at katahimikan ang bansa, at
maipagtanggol ang mga mamamayan nito sa mga mananakop
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• Ekonomiyang May Bilihang Sosyalismo

• Itoý isang sistema ng ekonomiyang nag sasama ng mga kanais-nais na katangian at elemento ng sosyalismo at kapitalismo.

• Ekonomiyang May Sosyalismong Pagmamando

• Ang ekonomiyang sosyalismo ay batay sa pampublikong pag-aari ng mga pinagkukunang- yaman, maliban sa yamang tao at
ang kahalagahan ng papel ng lupon ng sentralisadong pagplano sa pagtatakda ng lahat ng gawaing pang-ekonomiya.

• Ekonomiyang May Halong Bilihan at Pagpaplano

• Ang halo ng bilihan at pagpaplano sa mga papaunlad na bansa ay hindi gaanong nagbubunga ng magagandang resulta
dahil ang mga hindi kanais-nais na katangian ng dalawang sistema ang nagiging bunga nito
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay
• Sa araling ito, nalaman ka na ang sistemang pang
ekonomiya ay isang mekanismo ng pamamahagi ng
pinagkukunang yaman sa ibat ibang gamit ng upang
sagutin ang mga pangunahing pangangailangan at
katanungan ng isang lipunan sa suliranin sa
kakapusan. Ang pag aaral nito ay makatutulong sa
paglutas ng maraming mga problema at ang pag-aaral
ay may mga praktikal na pakinabang.
Katangian, Karapatan at Gampanin ng isang
Mamimili/Konsyumer
Buod ng konsepto
• Ang Konsyumer/Mamimili ay ang mga taong bumibili at
gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan
ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan. Ang mga
mamimili ay napakahalaga sa pagsulong ng ekonomiya ng
isang bansa. Dahil kung walang mamimili, walang
magaganap na pagkonsumo at kung walang pagkonsumo,
wala ring magaganap na produksyon. Sila ang tanging mga
tao na nagbibigay buhay sa pamilihan.Dapat maging
matalino ka sa pamimili para hindi ka nalulugi.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa

KATANGIAN NG MATALINONG MAMIMILI/KONSYUMER
• Mapanuri
• Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa.
• Inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti

• Hindi nagpapadala sa anunsiyo


• Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong
konsyumer. 
• Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit.

• Hindi Nagpapadaya
• Matalino pagdating sa pamimili.
• Laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
• Makatwiran
• Masusing tinitignan ang kalidad at presyo dahil limitado ang budget

• May alternatibo
• Reserba sa produkto na wala o mahal

• Sumusunod sa Budget
• Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang badyet. 
• Tinitiyak niyang magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan.

• Hindi nagpapanic buying


• Hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
MGA KARAPATAN NG MGA MAMIMILI KATANGIAN
Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran Dapat ang kapaligiran ng pamilihan,
tindahan, kantina at iba pa ay malinis, maayos, at
kaaya-aya para sa kasiyahan ng mga
konsyumer at para sa kaligtasan mula sa mga sakit.

Karapatan na magtamo ng kaligtasan Ang mga binibiling mga pagkain ay dapat ligtas
sa mga epekto ng Foot and Mouth Disease (FMD),
cyanide, red tide, at iba pang sakit ng mga
hayop at pagkaing dagat. Dapat ipaalam sa publiko
ang ganitong sitwasyon upang maiwasan
ang pinsala ng konsyumer.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
MGA KARAPATAN SA PAMIMILI KATANGIAN
May kalayaan ang mga konsyumer na pumili ng gusto
Karapatan sa pagpili nyang
produkto. Sabi nga “ customer is always right.” Ang
patakaran na no return, no exchange ay
hindi na pinatutupad para sa kapakanan ng mga
konsyumer.

Karapatang magkaroon ng edukasyon Ang mga konsyumer ay dapat bigyan ng


pagkakataon na dumalo sa mga seminars,
pagpupulong, at pagsasanay para maging
matalinong konsyumer.
Malikhaing paglalarawan sa Paksa
MGA KARAPATAN SA PAMIMILI KATANGIAN
Karapatang magtatag ng organisasyon Ang pagtatatag ng mga samahan ng mga
konsyumer ay mahalaga upang may mangangalaga at
magbibigay ng proteksyon sa mga
konsyumer kung sila ay magiging biktima ng pang-
aabuso at pagsasamantala ng mga
negosyante.
Karapatan sa tamang impormasyon Ang pag-alam sa mga sangkap ng produkto,
presyo at expiration date ay karapatan ng mga
konsyumer.
Karapatan na magkaroon ng pangunahing Ang pagkakaroon ng
pangangailangan sapat na supply ng mga produkto, maayos na serbisyo,
at makatarungang presyo ay dapat
siguraduhin upang matamo ng mga konsyumer ang
kasiyahan at matugunan ang kanilang mga
pangangailangan.
Tala tungkol sa Aplikasyon ng Paksa sa
buhay
• Nakatulong ang aralin na ito na maging
matalino ako sa pamimili. Natututunan ko
rin kung gaano kaimportante and mga
mamimili sa ekonomiya. Dapat hindi tayo
nagpapaapekto sa mga anunsyo na wala
namang kasiguraduhan na totoo nga ang
mga ipinapalabas nila.

You might also like