Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MGA PAMANTAYAN SA FILIPINO K TO 12

Pamantayan sa Programa ( Core Learning Area Strand)

Baitang 1-6 Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa sariling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng
sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay
at tumatanggap ng mensahe.

Baitang 7-10 Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pag-unawa
at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at mga
akdang pampanitikang rehiyunal, pambansa, sariling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa
pagtatamo ng kultural na literasi.
Pangunahing pamantayan ng Bawat yugto ( Key Stage Strands)
Baitang 7-10 Sa dulo ng Baitang 10 naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/
mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng mga akdang rehiyunal,
pambansa at salintekstong Asyano at pandaigdig upang matamo ang kultural na literasi.

Baitang 11-12 Sa dulo ng Baitang 12, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/
mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng iba’t ibang disiplina at
teknolohiya upang magkaroon ng akademikong pag-unawa.

You might also like