salita ay magkasinghulugan. _____ 1. tuwid – diretso _____ 2. malamig – maginaw _____ 3. marunong – matalino _____ 4. malakas – mahina _____ 5. mabango - mabaho Lagyan ng tsek ang patlang kung ang mga salita ay magkasinghulugan. _____ 6. magulo - malikot _____ 7. magaling - mahusay _____ 8. mahirap - dukha _____ 9. matapang - duwag _____ 10. asul - bughaw Hanapin sa pangungusap ang mga salitang kasinghulugan ng salitang nasa unahan. matatayog Ang mga puno sa bundok ay matataas. nanlumo Nanghina ang loob ng ama sa pagkamatay ng kaisa-isang anak. maestra Napakagaling ng aming bagong guro. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap. Ilagay kung ito ay PL (panlarawan) o PM (pamilang) sa patlang. ______1. Ang gabi ay madilim. ______2. Masaya ang bata sa kanyang regalo. ______3. Ang mansanas ay pula. ______4. May isang magandang bahay. ______5. Ang dalawang bata ay naglilinis. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap. Ilagay kung ito ay PL (panlarawan) o PM (pamilang) sa patlang. ______6. Siya ay walong taong gulang na. ______7. Ang bata ay masunurin. ______8. Ako ay panglima sa pila. ______9. Mayroon ka bang dilaw na laso? ______10. Ako ang ikalawa sa magkakapatid. Gumawa ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-uri. 1.maliit 2.ikaapat 3.labing-dalawa 4.makulit 5.malinis