Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Magandang Umaga klase!

Gng. Guadel Fernandez- Moralde


Guro sa Filipino 10
Aralin 3.2-
Mullah Nassredin

Aralin 3.2-Anekdota mula sa Persya


Mga Alituntunin na dapat Tandaan sa Klase
1. Ihanda ang sarili at ang lugar na iyong pag-aaralan sa tuwing
may klase.
2. Magsuot ng uniporme tuwing dadalo sa klase,
3. Ugaliing laging nakasara ang mikropono kung hindi nagsasalita,
hintayin ang sasabihin ng guro kung kailan ito maaaring buksan.
4. Panatalihing nakabukas ang camera.
5. Pindutin ang raise hand kung nais makilahoik sa talakayan.
Mga
Layunin:
Sa buhay ng tao, maraming pagsubok ang dumarating. Subalit,
dapat pangalagaan ang sarili higit lalo ang mental na kalusugan sa
pamamagitan ng pagsariwa sa masasayang karanasan. (F10PB-
IIIb-81)
Sa SLEM na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang nabago ang
kahulugan sa pamamagitan ng paglalapi
2. Naiuugnay ang damdamin ng awtor sa sariling karanasan
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Unawain ang bawat tanong at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa pantig na ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng panibagong


salita?
A. Salitang-ugat B. Panlapi C. Hulapi D. Unlapi

2. Alin sa sumusunod ang tawag sa salitang likas na hindi pa nakakabitan ng ano

mang panlapi?
A. Salitang-ugat B. Salitang uulitin C. Salitang tambalan D. Salitang maylapi
3. Ang __________ ay isang nakawiwili at nakatutuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. Dula B. Tula C. Anekdota D. Nobela

4. Ang sumusunod ay katangian ng anekdota maliban


sa________
A. Nagpapabatid ng magandang karanasan at kapupulutan ng aral

B. Panitikang nagsasalaysay ng pangyayaring likhang isip o piksyon

C. Nagsasalaysay ng nakawiwili at nakatutuwang pangyayari

D. Salaysay ng tunay na nangyayari sa buhay ng tao


5. Mapupuna sa anekdota ni Nassreddin na puno ito ng katatawanan.
Alin sa sumusunod ang
pinakaangkop na dahilan sa paggamit ng estilong pagpapatawa sa
pagsasalaysay ng anekdota?

A. Mapukaw ang interes ng tagapakinig o mambabasa.

B. Maging maganda ang salaysay.

C. Makapagbigay ng aliw.

D. Mag-iwan ng aral.
Balik-Tanaw

Panuto: Isulat sa timeline ang letra ng wastong pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari mula sa binasang mitolohiyang
Liongo.*senetence is included as letter E
A. Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Tinaguriang
siyang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.

B. Muli siyang natunton ng hari sa paligsahan sa paggamit ng busog at palaso. Ipinakasal


ng hari ang kaniyang anak na babae kay Liongo upang hindi na siya makatakas.
C. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
Ngunit, nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri.
D. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan.
E. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang
pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang pinuno ng Islam.

A E C D B
PAG GANYAK

Panuto: Hanapin sa palaisipan ang kasingkahulugan ng mga nakatalang salita.


Bilugan ito
T E S T I U P S A L
A P A A R A A D S D
L D O J H P A T P A
U U D A K L R U L L
M K A E S U A I U U
P L O D A M L O O B
A L U M I S A N W H
T S Y T U A N P E A
I T H Y P I H O R S
R O E S T I L O R A

1. LINANGAN NG KAALAMAN 1. paaralan


2. PAGSASALITA SA ENTABLADO 2. talumpati
3. BIHASA 3. dalubhasa
4. UMALIS 4. lumisan
5. PAMAMARAAN 5. estilo
Pokus na Tanong:

1.Anong katangian ng anekdota


ang nangingibabaw kumpara sa
ibang uri ng akdang
pampanitikan?

2.Paano nagging epektibo ang


diskursong pasalaysay sa
pagsulat at pagbasa ng mga
orihinal na akdang
pampanitikan?
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang akdang iyong matutunghayan ay isang anekdota mula sa bansang Persia


na sa kasalukuyan ay tinatawag na Iran. Anekdota ang tawag sa anyo ng
panitikang tungkol sa nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Layunin ng anekdota ang makapagpabatid ng isang magandang
karanasang kapupulutan ng aral. Narito ang halimbawa ng isang anekdota
tungkol kay Mullah Nassreddin, isang Persyano na tinaguriang dalubhasa sa
larangan ng pagpapatawa.
Aralin 3.2
Mullah Nasssredin
Isinalin sa Filipino ni Roderic Urgelles
Mullah Nassreddin Isinalin sa Filipino
ni Roderic P. Urgelles
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na
dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa
pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-
salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming
tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang
mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga
taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan
siyang muli upang magsalita kinabukasan.
Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot
sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking
sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis.
Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang
muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli
siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao
sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay
sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang
kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na
di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan
Panuto: Suriin ang anekdotang binasa batay
sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo at
damdamin ng awtor, at paraan ng
pagkakasulat. Pumili ng emoticon na
naglalarawan sa iyong resksyon. Tandaan:
(Maaaring gumawa ng sariling emoticon na
magpapakita ng iyong tunay na reaksyon).
Pagkatapos, ilahad ang komento batay sa
pagsusuring ginawa.
NAKAKABILIB NAKAKATUWA NAIBIGAN KO

Reaksyon/ Pagsusuri
Emoticon
  Komento sa Paksa

  Komento sa Tauhan at Tagpuan

  Komento sa motibo ng awtor

  Komento sa Damdamin ng Awtor

  Komento sa Paraan ng
Pagkakasulat
Salitang-ugat at Panlapi
Salitang-ugat
-ang tawag sa salitang hindi pa
nakakabitan ng ano mang pantig o
panlapi

- Ay payak na anyo ng salita na GRAMATIKA


nagsasaad ng buong diwa AT
Mga halimbawa: WIKA
laba tanaw

ganda tulong sipag


Panlapi naman ang pantig na ikinakabit sa
unahan, gitna, at/ o hulihan ng salitang-
ugat. Sa pamamagitan ng paglalapi ay
nakabubuo ng salitang may panibagong
kahulugan.
Makatutulong ito upang makumpleto ang
diwa ng isang pangungusap.

Mga Uri ng Panlapi:


1. Unlapi
2. Gitlapi
3. Hulapi
4. Kabilaan
5. Laguhan
Unlapi- Ito ay mga panlaping matatagpuan sa
unahan ng salitang- ugat.

Mga halimbawa:

um-, ma-, mag-, nag-, na-, pag-,


Ipang-, ka-, kasing-, magkasing-,
mang-
matulog
maglaro
Panlapi + Salitang-ugat Ano ang panlaping
mag laro ma
ginamit?
Ano ang salitang-ugat? tulog
uminom
Panlapi + Salitang-ugat
Um inom
Tandaan!
Ang mga unlaping nagtatapos sa ng tulad ng
ipang-, pang-, kasing-, magkasing-, mang-, ay
nagiging ipam-, pam-, kasim-,magkasim-, mam-,
kapag idinaragdag ito sa mga salitang-ugat na
nagsisimula sa titik na b at p

Ang ng sa unlaping ginamit ay


napapalitan ng m.
Halimbawa:
Kasingputi= kasimputi

Pangbayad= pambayad
Tandaan!
Kapag naman ang salitang-ugat ay nagsisimula sa
mga titik d, l, r, s, t ang ng sa unlaping ginamit ay
nagiging n.

Mga halimbawa:
ipangsulat= ipansulat

kasinglaki= kasinlaki
Gitlapi
-Ito ay mga panlaping idinaragdag sa gitna ng
salitang-ugat.
gitlaping -in-, at -um

Mga halimbawa:
Kumain bumigkas
gitlapi = um
salitang-ugat = kain Ano ang panlaping um
ginamit?
sinara
gitlapi= in Ano ang salitang- bigkas
salitang-ugat= sara ugat?
Hulapi
- Mga panlaping idinaragdag sa hulihan ng salitang-
ugat
-an, -han, -in, -hin

taniman
tanim + an
timbangin
puntahan
punta + han Ano ang panlaping in
ginamit?
Ano ang salitang-ugat? timbang
Tandaan!
Kapag ang salitang-ugat na may titik o sa huling
pantig ay hinuhulapian,
ang titik o ay pinapalitan ng titik u .

Halimbawa:
laro+ an = laruan

Ngunit kapag ang huling pantig ay may


sinundang pantig na may titk o rin, hindi
pinapalitan ang o ng u.

Halimbawa:
boto + han
botohan
Kabilaan
-ito ay dalawang panlaping idinaragdag sa salitang-
ugat
Unlapi + salitang-ugat + hulapi

Halimbawa:
katahimikan
unlapi + salitang-ugat + hulapi magpalitan
ka + tahimik + an
Ibigay ang: Unlapi+salitang-ugat + hulapi
maawain
unlapi + salitang-ugat+ hulapi
mag + palit + an
ma + awa + in
Laguhan
Ito ay mga panlaping idinaragdag sa unahan,
gitna at hulihan ng salitang -ugat

Halimbawa:
pagsumikapan
Unlapi + gitlapi + saltang-ugat + hulapi
pag + um + sikap + an ipagsumigawan
Ibigay ang:
magdinuguan
Unlapi + gitlapi + salitang-ugat + hulapi Unlapi+gitlapi+salitang-ugat+hulapi
mag + in + dugo + an
ipag + um + sigaw + an
Pagsasanay 1:
Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.
1.______alis ang aking Tito papuntang Singapore.
2.Ang mga bata ay _____aaral para sa pagsusulit
bukas.
3._____ laro ako sa park kanina.
4.T_______ulong ako sa aking guro magbuhat ng libro.
5.Maaari mo ba akong sama____ sa bookstore?
Pagsasanay 2:
Lagyan ng panlapi ang salitang-ugat upang makabuo ng
tatlong panibagong salita.

1. tuwa = __________ ____________ ____________


2. loko = __________ ____________ ____________
3. sayaw=__________ ____________ _____________
4. tulong= __________ ____________ _____________
5. takbo= __________ ____________ ______________
KASUNDUAN
Sumulat ka ng isang anekdota na nagsasalaysay ng iyong
sariling karanasang kapupulutan ng aral. Isulat ito sa isang
malinis na papel. Sundin ang mga pamantayan sa pagsulat.
1. Binubuo ng dalawang talata. Bawat talata ay may limang
pangungusap.
2. Nagsasalaysay ng sariling karanasang may kaugnayan sa
anekdota ni Mullah Nassreddin.
3. Kapapalooban ng mga salitang may panlapi. (Salungguhitan
ang mga ito)
Sagutan ang Worksheets 1 at 2
Isumite ito sainyong guro sa araw na itinakda.
Magkitakita tayong muli
sa susunod na birtwal na
klase..
Maraming Salamat!!!

You might also like