Presentation 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

SANAYSAY

LORENEL S. INTERINO
Paglalahad
• detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o
ideya
Jose Arrogante
• siya ang nagsabi na ang paglalahad ay expository writing na madalas
nakikita sa binabasa natin araw-araw.
• Ito ay hindi nagsasalaysay ng isang kuwento.
• Ito ay hindi rin naglalarawan ng isang bagay. Ito ay nagpapaliwanag
lamang
Sangkap o elemento sa mabisang paglalahad

• 1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay


2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag
4. Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang madali
ang pag-unawa sa ipaliliwanag
5. Walang kinikilingan
Sanaysay
• hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay "sumubok" o
"tangkilikin"
Michael de Montaigne
• nagsimulang yumabong ang sanaysay sa mga sulatin niya
Francis Bacon
• ayon sa kanya, ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang
maikling pagbulay-bulay at komentaryo sa buhay
Paquito Badayos
• ayon sa kanya, naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at
makatwirang paghahanay ng kaisipan. Naglalahad din ito ng mga personal
at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. Ito ay isang
paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang
bagay o paksa.
Alejandro Abadilla
ayon sa kanya, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito'y isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad.
Pagpapahayag ng may-akda sa
Pagpapahayag ng may-akda sa kanyang
sariling pananaw
• pangunahing katangian ng sanaysay
Katangian ng Sanaysay
• Ang pagiging malinaw, mabisa, at kawili-wiling paglalahad ay
makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin ng kaisahan,
kaugnayan, at diin. Kailangan din dito ang pagpili ng angkop na
pananalita, sariling estilo o pamamaraan ng may-akda.
Pormal at Impormal
• Dalawang uri ng Sanaysay
Pormal
• uri ng sanaysay na nagbibigay ng palatastas sa isang paraang maayos at
mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga
pangyayari at mga kaisipan. Tinatawag din itong impersonal at
siyentipiko, at binabasa upang makakuha ng impormasyon
Impormal
• uri ng sanaysay na tinatawag ding pamilyar o personal, at nagbibigay-diin
sa estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. May himig ito na
parang nakikipag-usap, naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa
isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbulay-bulay, at
naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.
Mga Natatanging Uri ng Sanaysay
• nagsasalaysay
naglalarawan
mapag-isip o di praktikal
kritikal o mapanuri
didaktiko o nangangaral
nagpapaalala
editoryal
makasiyentipiko
sosyo-politikal
sanaysay na pangkalikasan
sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
mapagdili-dili o replektibo
tatlong bahagi ng sanaysay
• Simula, Katawan, at Wakas
Michael Stratford
• ayon sa kanya, ang replektibong sanaysay ay uri ng sanaysay na may
kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay
Journal
• maihahalintulad ang paglikha ng replektibong sanaysay sa pagsulat nito
kung saan nangangailangan ito ng pagtala ng mga kaisipan at
nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari
Academic Portfolio
• maiuugnay ang paglikha ng replektibong sanaysay sa pagsulat nito kung
saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya
umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin
sa pagsulat
Replektibong Sanaysay
• kadalasang nakabatay ito sa karanasang kaya mula sa nilalaman nito ay
masasalamin ang pagkatao ng sumulat
Kori Morgan
• ayon sa kanya, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na
paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
Ibinabahagi nito sa mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat
batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha. Ibinibahagi nito ang
kanyang natutuhan o kung paano ito gagamitin sa buhay.
Mahahalagang bagay na dapat tandaan sa
pagsulat ng replektibong sanaysay
• 1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
2. Isulat gamit ang unang panauhan ng panghalip
3. Habang nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng
patunay o patotoo batay sa iyong naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa
paksa
4. Gumamit ng tekstong naglalahad. Gawing malinaw at madaling unawain ang
pagpapaliwanang ng ideya o kaisipan.
5. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat
6. Gawing lohikal at organizado ang pagkakasulat ng mga talata
Lakbay-sanaysay
• tinatawag ding travel essay o travelogue, ito ay isang uri ng lathalaing ang
pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay
Nonon Carandang
• tinawag niya ang lakbay-sanaysay na "sanaylakbay" kung saan ang
terminolohiyong ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng konseptong sanaysay,
sanay, at lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ay ang
pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa
paglalakbay
Dr. Lilia Antonio
• ayon sa kanya, may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-
sanaysay.
Una, upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat
Pangalawa, layunin nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakybay
Pangatlo, maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad
ng pagtuklas sa sarili
Pang apat ay upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya
ng lugar sa malikhaing pamamaraan

You might also like