Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PANG-URI

Inihanda ni: Bb. Camille Joy C. Valimento


Ilarawan ang nasa larawan:
Anong bahagi ng pananalita ang
mga salitang ginamit mo sa
paglalarawan?
PANG-URI
PANG-URI
 Isang mahalagang bahagi ng
pananalita na naglalarawan ng
pangngalan o ng panghalip.
KAANTASAN NG PANG-URI
LANTAY- naglalarawan sa isa o isang pangkat
ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito
KAANTASAN NG PANG-URI
 PAHAMBING- nagtutulad ng dalawang tao,
bagay, o pangyayari.
 PAHAMBING NA MAGKATULAD-

nagtataglay ng pagkakatulad na katangian.


Ginagamitan ito ng mga panandang sing,
kasing, at magsing, magkasin
Halimbawa: Magsintalino sina Felix at Andrela.
KAANTASAN NG PANG-URI
 PAHAMBING NA DI MAGKATULAD
(PASAHOL) Kung hindi magkapantay ang
katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba.
Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng
salitang di-gaano, di-gasino, higit, o lalo bago
ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o
kaysa.
Halimbawa:
Di-gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin
sa ibang kabataan.
KAANTASAN NG PANG-URI
PASUKDOL- katangiang namumukod o
nangingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga
panandang napaka, pinaka, lubha o pag-uulit
ng mga pang-uri na iniuugnay ng, na at nang.
Halimbawa:
Si Jason ang pinakamatangkad na anak ni
Ginang Rosario.
Pagsasanay: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap
at tukuyin ang kaantasan na kinabibilangan nito

1. Napakaganda ng mga palamuti sa 8. Magsintanda ang lolo ni Jose at ni


mga bahay tuwing Pista ng Pahiyas. lolo ni Pedro.
2. Magandang asal ang paggamit ng 9. Ang pamayanan sa tabing-dagat
“po” at “opo” sa pakikipag-usap sa ay payapa.
mga nakatatanda sa iyo. 10. Si Mark ang pinakamahusay na mag-
3. Ang buhok ni Katrina ay mas aaral sa aming klase sa Filipino.
mahaba sa buhok ni Sarah. 11. Ibigay mo ang makapal na aklat ni
4. Di-gaanong mabigat ang dalang Ginoong Reyes.
bag ni Joshua. 12. Ang dalawang sanggol ay
5. Ang galiing-galing ng mga magkatimbang.
mananayaw na napanood namin. 13. Kay bait-bait ng mga kasambahay ni
6. Huwang kayong pumunta sa lugar na Ginang Raymundo.
mapanganib. 14. Si Juan ay singkupad ng pagong.
7. Ubod ng hirap ang trabaho ng isang 15. Bukod-tangi ang talento ni Juan Luna.
manggagawa sa pabrikang ito.
Tukuyin kung anong kaantasan ang kinabibilangan ng
mga pang-uring may salungguhit.

_________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz.


_________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-asa.
_________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo.
_________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic Teen Company ni
Peñaflorida.
_________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz sa ibang kabataan
ngayon.
_________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez.
_________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz kanilang gawain.
_________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong ngunit hindi niya ipinagkait
ang lakas niya upang matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas.
_________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang mga batang lansangan at
nagkalkal ng mabahong basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na
maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya.  
_______ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro na si Efren
Peñaflorida.

You might also like