Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

MAHATMA GANDHI

NI AMADO V. HERNANDEZ
 Si Mohandas Gandhi o Mahatma Gandhi ay ang
pinuno ng mga taga-India sa laban nila sa mga
mananakop na Ingles (Briton). Nakilala siya dahil
sa kanyang paglaban sa mga ito na hindi gumamit
ng dahas.
 Ang hunger strike o sapilitang pagpapagutom ay ang
pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa ilalim ng pamumuno
ni Mohandas Gandhi (Mahatma Gandhi) upang ipakita ang
kanilang pagtutol sa mga mananakop na Briton noon. Mas
kilala rin ito bilang passive resistance kung saan hindi
gumamit si Gandhi ng dahas upang ipakita ang pagtutol niya
sa mga kolonyalista.
Ang paglilider mo’y namumukod-tangi
pulos halimbawa’t walang talumpati;
iyong inaakay ang buo mong lahi
sa paghihimagsik na may ibang uri.

Wala kayong armas na gamit sa laban


kundi boykoteo ng dayong kalakal;
kung wala nang damo’y lilipad ang balang,
Kung wala nang ginto’y lalayas ang
dayuhan!
Ika’y pasimuno sa ulirang gawa,
unang tumutupad sa sinasalita;
naghubad ng telang sa Londres nilikha
naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha.

Walang automobile, walang sula’t hiyas


wala kang palasyo’t salaping inimbak;
walang katungkulang ang sahog ay limpak
pagkamakabaya’y sakripisyong lahat.
Namulat ang India …daling iwinaksi
ang diwang alipin … nais magsarili…
ang Britanya’y tila di makatanggi…
tiyak na lalaya ang bayang may Gandhi!

Mapalad ang India’t may Mahatma…


Ikaw, Pilipinas, saan ka pupunta?
Dito ang banyaga’y siyang sinasamba
At ang katutubo’y kuskusan ng paa!
SAGUTIN NATIN
1. Batay sa inyong pag-aaral ng kasaysayan ng Asya, paano
mo ilalarawan si Mahatma Gandhi?

2. Bakit sinabi ng may-akda na ang pamumuno ni Gandhi ay


namumukod-tangi?

3. Anong pamamaraan ang ginamit ni Gandhi sa


pakikipaglaban sa mga dayuhan? Naging epektibo ba ang
paraang ito? Patunayan.
4. Sumasang-ayon ka ba sa may akdang higit na
mapalad ang India kaysa sa Pilipinas dahil ito ay
nagkaroon ng pinunong gaya ni Gandhi? Bakit?

5. Sa iyong palagay, mayroon kayang pinunong


Pilipino ang maihahambing kay Mahatma
Gandhi? Patunayan.
6. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider,
paano ka mamumuno upang maging maayos din ang iyong
pamumunuan?
7. Sa ano-anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng
malaking pagbabago ang mga gintong aral na iyong
natutuhan sa araling ito?

* Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng taong


mamumuno sa Pilipinas upang ang ating bansa ay makaahon
sa kahirapan at korupsiyon?
Ang aking reaksiyon sa paksang diwa o tema ng tula:

Ang aking reaksiyon sa katimpian ng tula:

Ang aking reaksiyon sa pahiwatig at simbolong ginamit sa tula:

Ang aking damdamin kaugnay ng tula:


MAGAGAWA NATIN
Pagpapahayag ng Sariling Damdamin/ Damdamin ng
Iba Kapag ang Sarili ay Nakita sa Katauhan/Katayuan
ng May-akda/Persona
Si Mahatma Gandhi ay isa sa mga lider sa mundo na dapat
ikarangal at ipagmalaki sanhi ng kanyang kahusayan at katapatan
sa paglilingkod. Gamit ang double entry journal sa susunod na
slide ay ipahayag ang iyong damdamin at damdamin ng kamag-
aral kung ikaw/kayo ang magiging nasa katayuan ni Gandhi.
Banggitin din ang mga katangian at mga bagay na isinakripisyo
ni Mahatma Gandhi na dapat tularan ng mga taong nais na
maging pinuno o lider at saka ipahayag kung paano mo ito
maisasabuhay.
Ang aking Ang Damdamin ng
Damdamin Aking Kamag-aral
Kung ako ang kung Siya ang Nasa
Nasa Katauhan Katauhan ni Gandhi
ni Gandhi
Awit, elehiya at iba pang tulang
pandamdamin

You might also like