Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

WALANG SUGAT

NI: SEVERINO REYES (ISANG PAGSUSURI)

Alcaraz, Jojie L.
BSEd- Filipino 2-1
PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Severino Reyes ay mas kilala bilang Lola


Basyang.
Itinuturing na Ama ng Sarsuwela.
Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng
dula.
Nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang
kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng
mga manunulat.
PAGKILALA SA MAY AKDA
• Sinimulan niya ang kanyang pag-aaral sa Catalino Sanchez, tinapos ang
kanyang hayskul at batsilyer sa sining sa Colegio de San Juan de Letran,at
kumuha rin ng kurso sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang itinatag ang
Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Sa edad na
41, si Reyes ay nagsimulang magsulat ng mga dula. Ang R.I.P., noong 1902
ang una niyang dula. Saparehong taon, isinulat niya ang Walang Sugat (Not
Wounded), na masasabing isa sa mga pinakakilala niyang akda. Ang Walang
Sugat din ay naging simula ng ginintuang panahon ng sarsuwela sa bansa.
URI NG PANITIKAN
Ang Walang Sugat ni Severino Reyes ay
isang dula o sarsuwela. Na pumupukaw sa
damdamin ng mga tao o tungkol sa suliraning
panlipunan o pampulitiko. Ito ay isang
melodrama at tragikomedya na anyo ng dula.
Ito rin ay ginamitan ng diagulo na patula,
pasalita at paawit.
LAYUNIN NG AKDA

Magbigay ng inspirasyon tungkol


sa pagmamahalan na nahahadlangan
ng mga di inaasahang pangyayari sa
kapaligiran, gayundin ang paglaban
para sa hustisya.
TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang mensahe ng Walang Sugat ni Severino


Reyes ay ang mga kaganapang nangyari noong
panahon ng pananakop ng mga dayuhan.
Ipinakita sa dito ang mga pang-aaping
naranasan ng Pilipino sa kamay ng mga
dayuhan. At naipakita din dito ang matibay na
pag-iibigan nila Tenyong at Julia kahit ito ay
maraming balakid.
MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

Tenyong: isang mapagmahal na lalaki na lumaban sa mga prayle


Julia: ang iniibig ni tenyong
Lucas : kanang kamay ni tenyong o matalik na kaibigan
Kura/Prayle: mga sakim at mapagmalabis
Putin : ina ni tenyong
MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

Kapitan Inggo : ama ni tenyong


Juana : ina ni julia
Tadeo : Ama ni Miguel
Miguel : Itinakdang ikasal kay Julia matapos lumisan ni
Tenyong
TAGPUAN O PANAHON

 Bahay
 Simbahan
 Bukid
 Kalsada
 Lalawigan
NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Epektibo ang paghahatid ng mensahe ng akda tunkol


sa pagmamahalan, at malayang naihatid ang kaibahan
ng istilo ng kwento, maging ang mga tunay na
pangyayari sa lagay ng mga Pilipino sa pananakop ay
naipakita at nagpaging makabuluhan sa akda.
MGA KAISIPAN/ IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay ng pagbibigay


kaisipan sa pangyayaring umiiral ng mga panahon ng kastila,
gayundin ay makatotohanang nangyayaring paninindigan
pagdating sa pagmamahalan. Totoo sa pangyayaring panloob
o paiibigan maging sa labas o pangyayari sa lipunan ng mga
panahong iyon.
ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Mabisa ang istilo sa pagsasadaloy ng


kwento, maging sa mga salita at sa
pangyayaring makatotohanan batay sa
pangyayari sa buhay at sa lipunan sa akmang
panahon, masinig din ang pagkagawa ng akda,
nakabatay din sa panlasa ng mga mambabasa
dahil sa pabatid nitong ibat ibang pangyayari sa
pamilya,lipunan maging sa pagmamahalan.
BUOD
Habang si Julia ay nagbuburda ng isang panyo, ay kasama niya ang kanyang kasintahang si Tenyong nang
biglang dumating ang matalik nitong kaibigan at kanyang kanang kamay na si Lucas. Ayon kay Lucas, nadakip
ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo dahil sa napagkamalan itong isang tulisan kaya’t kanilang napatay.
Kaya’t ninais ni Tenyong na ipaghiganti ito kahit tutol dito ang kanyang kasintahan na si Julia at ang kanyang ina
na si Kapitana Putin. Ngunit wala silang nagawa at itinuloy ni Tenyong ang kanyang planong paghihiganti. Ito
ang naging dahilan ng pagkakalayo nina Julia at Tenyong. Nang sila ay magkahiwalay, may dumating na isang
mayamang manliligaw kay Julia na nagngangalang Miguel. Bagaman labag sa loob ni Julia ay pumayag siya
sapagkat ninais din ito ng kanyang magulang maging ang magulang ni Miguel kaya’t kanilang pinagkasunduan
ang kasalan. Upang ipaalam kay Tenyong ang mangyayaring kasal, nagpadala si Julia ng sulat kay Lucas, ngunit
hindi ito nasagot ni Tenyong dahil may nangyayaring labanan at ibinilin na lamang na dadalo na lamang siya sa
araw ng kasal ni Julia upang pagtagumpayang kunin muli si Julia at ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.
BUOD
Sa pag-aakalang ni Julia na patay na sa Tenyong, kahit labag sa kanyang kalooban ay pumayag
na siyang magpakasal kay Miguel. Sa mismong araw ng kanilang kasal, dumating si Tenyong
sa simbahan na duguan, puro sugat at halos malapit ng mamatay kaya pinatawag ang kura
upang makapangumpisal ito. Bilang huling kahilingan, sinabi ni Tenyong na gusto niyang
makasal kay Julia, pumayag naman dito si Tadeo ang ama ni Miguel at ang si Juana ang ina
naman ni Julia dahil sa pag-aakalang mamamatay na nga ito. Ngunit nagulat ang lahat ng
biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang mga tao na "Walang sugat!".
Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat ng tao sa loob ng simbahan upang siya ang makasal sa
dating kasintahan na si Julia.

You might also like