Kabanata 33

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Kabanata 33

Ang Huling Matuwid

Ni: Clint Juluar L. Gapol


Mga Tauhan

• Simoun – ang mag-aalahas


• Basilio – ang mag-aaral ng medisina
Talasalitaan

• Gitla – pingas
• Nahuthut – nakuha sa pamamagitan ng
di magandang paraan
• Parang – walang kasiguraduhan
Buod

Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng


kanyang mga alahas at armas. Sasabay na
siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw
pahabain ang panunungkulan dahil natatakot
sa sasabihin ng mga tao.
Buod

Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun


dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa
kanyang tauhan na papasukin na lang ang
binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan
niyang dumating.
Buod

 Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang


mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at
palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili
niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas higit
pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi,
gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok.
Buod

Para daw itong bangkay na nabuhay sa


sindak. Nagsalita si Basilio na siya ay isang
masamang anak at kapatid, kailangan niyang
gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen
sa krimen, o dahas sa dahas. 
Buod

Utang niya diumano kay Simoun ang kanyang


paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa
pagsiklab ng himagsikan. Si Simoun pala nung
mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na
ipagpatuloy ang himagsikan, pero dahil sa paglapit
ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob.
Buod
Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang
kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang
mamahala sa itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba.
 Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang lampara at
nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod
na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang
bote
Buod

Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng


bote bigla itong napaurong at sinabing ang laman
ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun
ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang
Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya
pa. 
Buod
Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine.
Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na
ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang
pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya
kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang kanyang
plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon
na ibibigay kay Basilio.
Buod

Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni


Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga armas dun.
Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay
ng mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na isali at
isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay
papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag
na lahi. 
Buod
Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay
na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya
daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan
sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at
koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang
signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay
magtatagumpay.
SALAMAT

You might also like