Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Magandang Araw

mga
Binibini !
LAYUNIN:
Naiisa-isa ang elemento ng kwento
(banghay, tauhan, tagpuan,
tunggalian, tema) (PN)
Naiisa- isa ang elemento ng pelikula
(pagganap, kagamitang pampelikula,
sinematograpiya, teknikalidad atbp)
(PN)
Mga Gabay na Tanong:
1.Ano ang tawag sa napanuod na clip?
2.Ano ang naitutulong nito upang
maintindihan ang kabuuan ng kwento?
3.Bakit ito pinapalabas?
Mga Gabay na Tanong:
1.Ano ang tawag sa napanuod na clip?
2.Ano ang naitutulong nito upang
maintindihan ang kabuuan ng kwento?
3.Bakit ito pinapalabas?
Elemento ng Pelikula
Ang pelikula ay isang
kwento na may simula,
gitna, at wakas.
I. Kwento/Banghay (Story/Plot)
Ano- ano ang mga kulturang Pilipino ang
makikita sa napanood na pelikula?
II. Karakter (Bida/Kontrabida)
Sino- sino ang tauhan? Ilarawan.
III.Lunan at Panahon
Saan at kailan naganap ang mga
pangyayari sa pelikula?
IV.Sinematograpiya
- sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena
gamit ang kamera na isinasaalang-alang ang
mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit
ng ilaw. Ang magagandang lokasyon o ang
mga angkop na lugar para sa mga eksena
ang siya ring nagpapatingkad sa imortalidad
ng pelikula.
Tanong: Naging masining ba sa
pagrekord ang mga eksena ang
napanood na pelikula? Patunayan.
V.Iskoring ng Musika
- Ang iskoring ang nilalapat na musika,
instrumental man o may liriko sa pelikula.
Instrumental - walang liriko
o titik ng awitin, ginagamit
ang gitara, piano o isang
buong orkestra.
VI. Editing
-Nangyayari ito kapag tapos na ang
syuting o aktwal na rekording ng
pelikula. Ang editor ang nagtatahi ng
pagkakasunod-sunod ng
eksena, kwento at
Kabuuan ng pelikula.
Kapag ginagawa kasi ang pelikula,
hindi batay sa pagkakasunod-sunod
sa iskrip kundi sa maraming aspekto-
badyet ng pelikula, oras ng
nagsisiganap, mahihirap-madadaling
eksena, at marami pang iba.
VII. Kabuuang Direksyon/ Kahusayan ng
Direktor
- Hinuhusgahan ang kabuuan ng pelikula
dahil sa husay ng direktor. Siya ang
nagsisilbing kapitan ng pelikula, ang utos
at kumpas niya ang nasusunod sa syuting
at maski sa usapin ng teknikal, iskoring,
sinematograpiya at editing. Ngunit hindi
niya pag-aari ang buong pelikula.
Ang scriptwriter pa rin ang maestro ng
naratibo at ang prodyuser ang nagmamay-ari
ng buong produksyon at komersyal na
aspekto ng pelikula. Ang direktor ang
dakilang interpreter ng script at
artistikong tagapamahala ng prodyuser.
Sa kabuuan, naging mahusay ba ang
direksiyon sa napanood na Pelikula?
Patunayan.
VIII.Tema
- pangkalahatang konsepto ng
palabas at ang inaasahang epekto
nito sa manonood. Halimbawa kung
ang tema ng pelikula ay tungkol sa
karanasan sa kababaihan, layunin
nito na pukawin ang atensyon ng
madla tungkol sa isyung ito at
magsilbing tulay upang makapagnilay
o kumilos ang manonood.
IX. Rekomendasyon
Ano naman ang mairerekomenda mo
upang mas mapaunlad lalo ang pelikula?

X. Repleksyon
Paano makakatulong sa iyo ang pelikula?
Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo
habang pinapanood ang pelikula
XI. Sequence Iskrip
Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang kwento sa
pelikula. Ipinamalas nito ang
tunay na layunin ng kwento.
ELEMENTO NG
MAIKLING KWENTO
1. Tagpuan – espasyong ginaganapan ng
aksyon o pangyayari, kasama ang panahon,
atmospera, at kondisyon.
 Dalawang Paraan ng Paglalarawan ng Tagpuan

A. Patiyak – tukuyan/tuwirang binabanggit ang pangalan ng


lugar.
Halimbawa: Sa kaharian ng Albanya, nakatira ang isang
prinsesang nagngangalang Maria…

B. Pahiwatig – mga detalye lamang ang isinasaad


Halimbawa: Sa isang malayo at malamig na lugar na napapalibutan
ng malalaking punong-kahoy, nakatira ang isang
matandang babaeng si Iska…
Dalawang Tungkulin ng Tagpuan

A.Tagpuan at Tauhan - nagpapakilala ng tauhan dahil


sa mga gawaing kaiba, kakatwa o tangi sa pook na
nakapagbibigay ng tiyak na katibayang pangkarakter,
sumasakop sa mga bagay na nadarama at sa nabubuong
damdamin sa isang katha.

B.Tagpuan at Kapaligiran – pinalulutang nito ang


emosyong pangkapaligiran na pumupukaw sa awdyens,
sumasanib ang kahulugan nito sa kahulugan ng kuwento .
2. Tauhan – ang kumikilos at nag-iisip kaya
nagkakaroon ng pangyayari
• Dalawang Uri:
A.Tauhang Lapad o Flat –hindi nagbabago mula sa
simula hanggang wakas ng kuwento.

B. Bilugan / Round – kakikitaan ng pagbabago,


maraming saklaw ang personalidad o multi-
dimensyonal.
3. Banghay (Plot) – balangkas o istruktura ng
mga pangyayari
- Pinakakalansay na nagsisilbing balangkas para
matunton ang galaw ng kuwento kung saan
nagsisimula, gumigitna at nagwawakas

Ano ang unang nangyari? gitna? wakas ng


kwento?
4. Kasukdulan – pinakarurok ng
pagbabanggaan ng magkalabang puwersa. Dito
humahantong at nagtatapos ang tunggalian;
makapigil-hiningang bahagi.

5. Kakalasan – kung saan nagtatapos ang


pagkakabuhol-buhol ng mga pangyayari.

6. Resolusyon / Katapusan / Wakas –


naliliwanagan dito ang mga nasasangkot
sa mga nangyari kaya nagkakaroon ng
realisasyon. 
• Dalawang Paraan ng Pagpapaunlad ng
Banghay

1. Linear / Tradisyonal / Kumbensyonal –


nagsisimula sa simula > gitna > wakas.

2. Circular / Paikot-ikot – nagsisimula sa tinatawag na


in media res: gitna > simula > wakas (flashbacking)
7. Paksa – ang pinag-uusapan

8. Tema / Paksang-diwa –
kaisipang nakapaloob sa akda
•Patnubay Tungkol sa Paksang-diwa
isang pangungusap
1.
2.
iwasan ang pagbanggit ng tauhan, lugar o
pangyayari sa kuwento
 
9. Paningin / Pananaw – anggulo ng
pagsasalaysay
 
• Paraan ng Pagsasalaysay Ayon sa Paningin ng
Nagpapahayag

1.Unang Panauhan
oSasanib ang may-akda sa isa sa mga tauhan na
siyang nagsasalaysay ng kuwento sa unang
panauhan na kadalasan ay ang pangunahing
tauhan. Ginagamit ang panghalip na ako.
2. Pangatlong Panauhan – gumagamit ang
nagkukuwento ng pangatlong panauhan na siyang
malayang:

oNagsasalaysay ng mga pangyayari


oMaaari niyang pasukin ang isipan at
damdamin ng mga tauhan at sabihin sa
bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o
nadarama.
oGinagamitan ng panghalip na siya, sila at iba pa.
3. Obhetibong Paningin
oTagapagsalaysay ay nagsisilbing isang kamera na
malayang nakalilibot subalit naitatala lamang nito ang
tuwirang nakikita o naririnig.
oHindi ito nakapapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin
nakapagbibigay ng puna o paliwanag.

4. Maka-Diyos na Pananaw
oNagsasalaysay na mistulang Diyos na maaaring lumabas-
pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan kaya’t
nalalaman ng mambabasa at nahihimaymay ang kanilang
mga lihim at kalooban.
10. Tunggalian – ang kontradiksyon sa
kuwento, ang pinakapuso ng isang
kuwento

• Uri ng Tunggalian
A.Tao sa Tao
B.Tao sa Sarili
C.Tao sa Lipunan
D.Tao sa Kalikasan –
GAWAIN:

Sa inyong kwaderno, gumawa ng isang


graphic organizer na siyang nagbubuod o
bumabalangkas sa mga elemento ng pelikula,
maging ang mga gabay sa kung paano ang
gawin ang suring-pelikula.

You might also like