I. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Official Hymn” at iba pang sining na nagpapakilala sa sariling lalawigan II. Paksa: “Offical Hymn ng Rizal” Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga sagisag at simbolo ng Pilipinas at ng mga lalawigan sa iyong kinabibilangang rehiyon. Naipakilala muli sa inyo ang katangian ng iyong lalawigan at iba pang nasa CALABARZON sa pamamagitan ng mga sagisag at simbolo nito. Mula sa sagisag at simbolo, maipapakilala s aiyo ang kahulugan ng “official hymn” at iba pang sining na nagpapakilalas ng sariling lalawigan at rehiyon. Ano ba ang HIMNO?
- Ang himno ay isang awitin
tungkol sa katangian o pagkakakilanlan ng isang bayan o lalawigan. Ano ba ang HIMNO? - Ang himno o dalit ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba Ano ba ang HIMNO? - Karaniwang maririnig ang himno ng isang bayan o lalawigan sa tuwing may mga opisyal na okasyon, pagdiriwang na pambayan o natatanging pagtitipon.
Pakinggan o basahin natin ang”Himno ng Rizal at alamin natin ang mensahe nito. Youtube: (159) Province of Rizal, Philippines Hymn "Mabu hay Rizal" by Serving de Leon - YouTube Ang Himno ng Rizal ay awiting nabibilang sa iyong rehiyon. Inilalarawa ng himno ang pagmamahal ng Rizaleño sa kanilang lalawigan.ipinakita din sa kanta kung paano pinagpala ang rizal sa kultura at pangkabuhayan. Sa himno na ito inilahad ang pagmamahal ng mamamayan sa pamamagitan ng pagtatanggol nito sa anumang pagsubok na dumating. Maliban sa himno, naipapakilala rin ang iba pang katangian ng isang lalawigan sa pamamagitan ng mga sining. Tandaan! Ang mga katangian ng isang lalawigan, bayan o lungsod ay ipinakikilala sa maraming paraan. Ang pagkakaroon ng mga sagisag at simbolo ay isang malikhaing pamamaraan upang maipakita ang katangian ng isang lugar. Bilang isang mamamayan, marapat na ipakita ang itong pagsuporta sa mga likhang sining at pagmamahal sa sariling, bayan o lungsod.