Professional Documents
Culture Documents
Yunit 1 Filipino Bilang Wika NG Bayan
Yunit 1 Filipino Bilang Wika NG Bayan
Yunit 1 Filipino Bilang Wika NG Bayan
Panalangin
Attendance
Talakayan
Open Forum
Para kina Steven Pinker, Noam Chomsky at Immanuel Kant may “language
instinct” ang tao sa kanilang pagsilang, isang network sa utak na
naglalaman ng unibersal grammar na nadebelop sa proseso ng
pakikipagtalastasan ng tao.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Ang linggwistang si Noam Chomsky ay nagdebelop ng teoryang “Unibersal
Gramar” na nagsaad na ang tao ay nakaprograma para sa abilidad na
magsalita ng wika at batid niya kung anong gramar ang katanggap-
tanggap.
Ayon kay Chomsky, ang pundamental na pagkakaiba ng lenggwahe ng tao
sa vocalisasyon ng mga hayop ay ang pagiging kreeytib, maluwag na
pagdaloy at ang hindi limitadong pagpapahayag ng ideya; samantalang,
ang komunikasyon ng mga hayop ay binubuo ng mga “fixed” na signal na
tugon para sa eksternal na istimulus.
Sa aklat ni Werner Girt na “The Wonder of Man” sinabi niya ang ganito,
“tanging ang tao ang may taglay na regalo – ang wika ang naghihiwalay sa
atin sa iba pang hayop. Bukod pa sa kinakailangang “software” para sa
wika, binigyan pa rin tayo ng “hardware” para rito.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Ganito rin halos ang paniwala ni Sternberg (1999) na nagwikang, “dahil sa
ispesipikong pag-aari ng wika, ito ang ikinaiba ng tao sa hayop at iba pang
“specie.” ang “pag-aaring” ito ay kinabibilangan ng : komunikasyon,
arbitraryong simbolo, regular na istruktura, istruktura sa mas maraming
lebel, pag-usbong ng salita at pagiging dinamiko.
Noong 1930, si Benjamin Lee Whorf ay nagdebelop ng isang haypotesis
kasama ng kanyang guro na si Edward Sapir, ang kanyang ideya: ang
lenggwahe/wika ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pag-iisip,
hinuhulma ang kanyang iniisip at nagdedetermina kung ano pa ang
maaaring maisip.
Si Charlemagne, isang kilalang tao sa kasaysayan ay nagwikang, “ang
pagkatuto ng ibang wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa.”
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Samantala, sinabi ni Ludwig Wittgenstein and ganito, “kung tayo ay nag-
uusap sa ibang lenggwahe, magkakaroon tayo ng iba’t ibang
persepsyon/pananaw sa mundo.” Idinugtong pa niya ang pagsasabing,
“ang limitasyon ko sa wika ay limitasyon ng aking mundo.”
Sabi naman nina Sampson et al., “ang wika ay isang obra maestra ni
Picasso, isang komposisyon ni Beethoven o di kaya’y ang kahanga-hangang
pagtatanghal ng mga gymnast sa Olympic. Ito ay isang sining. Lumilikha ito
ng kagandahan, pasalita o pasulat man.”
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Para sa Pilipinohistang si Zeus Salazar, “naipahahayag sa wika ang mga
kaugalian, isipan at damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa
larangan ng kaisipan, ang wika rin ang impukan – kuhanan ng isang
kultura.”
Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason (sa Tumangan, et al.,
2000) sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Mula sa dalawang kahulugang nabanggit, mahahango natin ang mga
pangunahin at unibersal na katangian ng wika na tatalakayin sa mga
sumusunod na talataan:
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat
hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang
tunog na nililikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa
halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na
sinasalita. Samakatwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato
sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang
pinanggagalingang lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na
lumilikha ng tunog o artikulador at mino-modify ng resonador.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
4. Ang wika ay arbitraryo. Ayon kay Archibald A. Hill (sa Tumangan, et al.,
2000), just that the sounds of speech and their connection with entities
of experience are passed on to all members of any community by older
members of that community.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
5. Ang wika ay ginagamit.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring
tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay
tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika
ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng
pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga
bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang
balbal o pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga
katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at siyensya.
Bunga nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na
hindi umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala na sapagkat
hindi na ginagamit. Samantala, may mga salita namang nagkakaroon ng
bagong kahulugan. Halimbawa, ano ang mga orihinal na kahulugan ng
salitang bata? Sa ngayon, ano-ano ang iba pa niyong bagong kahulugan?
Ang mga iyan ay mga patunay na ang wika ay nagbabago.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Paglalagom
Ang kalikasan, katuturan, at gamit ng wika ay maaaring lagumin sa mga
sumusunod:
Sistema ng komunikasyon ang wika. Batay sa pangangailangang mailagay sa
ayos ang ugnayan ng komunidad, may napaunlad na sistema ng pakikipag-
ugnayan na makatutugon sa pangangailangang ito. Sistemang tinatawag ang
wika dahil binubuo ito ng serye ng mga pananagisag at pagpapakahulugan na
nilikha ng mga gumagamit nito upang mapadaloy ang pag-unawa nila sa mga
ideya at karanasan. Isang masalimuot na proseso ng pag-uugnay ng karanasan
at konsepto ang kinakatawan ng wika na patuloy na pinagyayaman ng bagong
karanasan, bagong ideya sa loob ng isang panahon. Dahil sistema ng
pananagisag at pagpapakahulugan ang wika kaya’t ang pag-iral nito ay
makikita sa mga gawi at pamamahayag sa araw-araw na buhay. Ito rin ang
batayan ng paglikha ng wikang pakilos, pasalita, at pasulat.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Kultural ang wika. Dahil ang wika ay sistema ng pananagisag at
pagpapakahulugan, mahigpit na nakabatay ito sa sistema ng
pagpapakahulugang nililinang sa loob ng isang pamayanan o grupo ng
mamamayan. Halimbawa, may mga kilos na ikinatutuwa ng ilang
komunidad ngunit maaaring hindi inaayunan ng ilan. Halimbawa, sa
Pilipinas, ang pagkuha ng bayarin sa mga restaurant ay karaniwang
iminumuwestra gamit ang hintuturo at hinlalaki sa isang kilalang kilos ng
pagguhit sa hangin ng kuwadradong hugis ng papel. Kung minsan ay may
kasabay pa itong tunog ng sutsot sa waiter o di kaya’y ang tunog na likha
ng paghigop sa hangin sa pagitan ng labing hugis-halik. Tanggap ang
ganitong wikang pakilos sa Pilipinas ngunit sa ibang bansa ay itinuturing
itong labag sa batas ng wastong pag-uugali.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Sa wikang pasalita, may mga tunog na angkin ang ating alpabeto na hindi
ginagamit ng iba. Halimbawa nito ay ang ng na isang palasak na titik na
gamit sa simula, gitna, at huling bahagi ng wikang Filipino. Palasak ito sa
atin ngunit hindi ginagamit sa ibang wika. Mayroon ding mga salitang
karaniwan sa atin ngunit hindi bahagi ng bokabularyo ng ibang bayan.
Mayroon ding mga salitang bagaman pareho ang baybay ay nagbabago ang
pakahulugan sa ibang lugar. Halimbawa nito ay ang salitang bitaw na sa
Tagalog ay nangangahulugang pakawalan sa pagkakahawak, samantalang
sa wikang Cebuano ay nangangahulugan ng oo o isang malugod na
pagsang-ayon. Maiuugat ito sa mga pagpapahalaga at paraan ng
pagkilalang mayroon ang isang grupo ng tao at isang komunidad kaya’t
ang pag-unawa ay nangyayaring maging magkaiba.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Likha ang wika. Napauunlad ang sistema ng wika bunga ng
pangangailangang magkaunawaan. Nalilinang ito sa iba’t ibang antas ng
buhay sa kalikasan. May sistema ng pagkakaunawan ang kalikasan tulad ng
mga hayop, halaman, at kalupaan. Ang mga tao, bilang pinakamatas na
uri ng hayop sa mundo, ay nakalilikha rin ng kani-kanilang sariling wika
upang mapadaloy ang komunikasyon. Dahil sa likha ang wika, arbitraryo
ito at maaring magbago ayon sa daloy ng panahon., pangyayari, at mga
taong gumagamit ng wikang ito.
Kahulugan at Kalikasan ng Wika
Ang pag-aaral ng wika bilang isang sistema ng pagpapahayag na
pinakatiyak na nakikita sa mga salitang binibigkas at sinusulat ay
mahalagang masapol sapagkat ito ang batayang sangkap sa malinaw na
pakikipag-ugnayan ng tao sa pang-araw-araw na buhay. Mahalagang
maging bihasa at maalam ang bawat isa sa kabuuang Sistema ng paglikha
at pag-iral ng wika. Tulad ng dugong dumadaloy sa katawan ng tao, ang
pagsapol sa sa wika kasi ang daluyan ng malinaw naa ugnayan ng mga tao.
Filipino Bilang Wika ng Bayan
Makapangyarihan ang wika. Sa anumang lipunan, kultura, at lahi, kinikilala
ang hindi matatawarang kapangyarihan ng wika. Wika ang
pinakaprominenteng behikulo ng paghahatid ng mga imahe, positibo man o
negatibo. Kung baga sa digmaan, ang wika ay isang armas na panggapi sa
kalaban o kaya’y sandata upang lumaya.
Nang makipaglaban ang mga Indones upang lumaya sa mga Olandes, ganito
ang kanilang sigaw: Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tunair! (Isang Bansa!
Isang Wika! Isang Inangbayan!)(Bernales, et al., 2000). Maagang nakilala ng
mga Indones ang kahalagahan ay kapangyarihan ng kanilang sariling wika
kung kaya’t hindi naging mahirap sa kanila ang magbuklod para sa
pakikipaglaban sa kalayaan. Samakatwid, hindi maipagkakailang gumanap
ng napakahalagang tungkulin ang wika upang ang Indonesia ay magkaroon
ng kalayaan.
Filipino Bilang Wika ng Bayan
Samantala, halos ganito naman ang paglalarawan ni Rizal sa kapangyarihan
ng wika (sa pamamagitan ni Simoun sa kanyang pangaral kay Basilio at sa
iba pang kabataang nagnanasang matuto ng wikang Kastila):
…Nakapaloob kayo sa kanilang mga salita at hindi ninyo nililimi ang pailalim na
kahulugan at pinag-aaralan ang kahihinatnan…Ano ang gagawin ninyo sa wikang Kastila…?
Papatayin ninyo lamang ang inyong pansariling katauhan at ilalantad ang inisip sa ibang
kaisipan. Sa halip na gawing malaya ang inyong sarili ay gagawin n’yo lamang itong
alipin…Habang ipinagkakait ng Ruso sa mga Polo na gamitin ang kanilang wika para sila ay
maalipin, habang ang Aleman ay nagbabawal sa paggamit ng Pranses sa mga lalawigang
kanyang nasakop sa Alemanya, habang ipinakikipaglaban ng inyong pamahalaan ang
paggamit ng sariling wika, kayo naman sa kabilang dako ay ipinakikipaglaban na mawala
ang inyong pagkakakilanlan. Kapwa kayo nakalilimot na habang ang tao ay may sariling
wika ay mayroon kayong kalayaan. Tulad ng taona malaya habang nakapag-iisip sa
kanyang sarili. Ang wika ang paraan ng pag-iisip ng tao…(Bandril at Francia, 1988).
Filipino Bilang Wika ng Bayan
Samantala, sa ikalawang saknong ng tulang Ako’y si Wika ni Lope K.
Santos (1979) ay ganito ang ipinahahayag:
Ngunit, ang di-mapupuwing na nagawa kong himala,
Liping-tao’y natubos ko sa buhay na pamulala,
Hanggang siyang maging hari ng lahat ng nilikha;
Ang bundok ng karununga’y sa palad ko tumutula;
Sa yaman kong bumabatis, lumalangoy ang makata;
Sa tamis ko’t kabanguhan, paraluma’y nagsasawa;
Sa tuyot na pagsasama’y panariwang dugo’t dagta;
Kasangkapan sa paglupig, kasangkapan sa paglaya…
Malinaw kung gayon, na ang wika ay hindi lamang instrumento ng
komunikasyon at sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ito rin ay
kasangkapan sa paglaya, kung paanong ito’y maaari ring gamitin bilang
instrumento sa pang-aalipin o dominasyon.
Filipino Bilang Wika ng Bayan
Ganito naman ang paglalarawan ni Adeniyi (2000) sa wika:
[It is] the ogbono soup that draws its amala through the esophagus to the stomach.
When chanted, the word becomes encantation; when rhymed and undulated, it becomes a
song; when solemnized, it becomes a prayer; and when vulgarized, it becomes an offense.
Ang wika ay sumasalamin sa ating pagka-Pilipino, ito ang nakatali sa ting kultura at
nagsasabu kung sino tayo.
Maituturing na hindi makabayan ang isang tao kung ikinahihiya niya ang sariling wika.
Ang bagay na ito ay dapat mapagliming mabuti ng mga kababayan natin na walang
pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika.
Sa kahalagahan at importansya ng Wikang Filipino, ipakita natin ang ating pagmamahal
sa sariling wika bilang mamamayang Pilipino . Tungkulin natin ang pagtaguyod at
paglaganap nito sa pamamagitan ng mabisang pag gamit nito sa ating pakikisalamuha sa
ating kapwa tao. Isa alang-alang natin ang mabuting hatid nito sa pamumuhay ng tao sa
kaunlarang dulot nito sa pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at
panlipunan. Hinuhubog nito ang ating pagkatao sa larangan ng edukasyon kung kaya
naging matagumpay tayo at nagging kilala sa buong mundo.
Filipino Bilang Wika ng Bayan
Walang tigil ang paglinang sa Wikang Filipino. Lahat tayo ay may papel sa
kanyang pagyabong dahil sa wika tayo nagkakaunawaan at ito ang
identidad ng ating lahi, kaya marapat lamang na ang wikang ito ay ating
ibantayog at ipagmalaki.