Tula

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 63

Tula

Alyssa P. Flores
BSED-Filipino 2A
*
Kahulu
gan ng
Tula *
*
Pagsusuri
* Anyo at ng
Element Tula
o ng Tul Uri ng Tula
a
*
Mga kilalang
makata
Ang Tula ay isang anyo ng T
U
sining o panitikan na
naglalayong maipahayag

L
ang damdamin sa malayang
pagsusulat. Binubuo ang

A
tula ng saknong at taludtod.
Elemento ng Tula
1
Tugma
-Tumutukoy sa pagkakapareho ng
huling tunog o titik ng salita sa
bawat taludtod.
Tugmang Tugmang
Ganap Di-Ganap

Kapag magkakapareho Kapag magkapareho


ang tunog at titik ng lamang ng tunog
huling salita ang huling salita.
sa bawat taludtod.
Hal.
Malungkot balikan ang
Hal. taong lumipas
Mahirap sumaya Nang siya sa sinta ay
Ang taong may sala kinapos-palad
2
Sukat
-Tumutukoy sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod.
Isda ko sa Mariveles

Ang laki sa layaw


WAWALUHIN
karaniwa’y hubad
LALABINDALAWAHI
N

Sari-saring bungangkahoy,
hinog na at matatamis
Naroon din sa loobang may
LALABING- bakod pang kahoy na malabay
ANIMIN
LALABING-
WALUHIN
Ang mga tulang may lalabingdalawa at lalabingwalo ay
may SESURA o hati na nangangahulugang saglit na
paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na
pantig.

Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y /
pag-ibig, pag-ibig!
3
Saknong
-Isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod).
2 Linya – COUPLET 6 Linya – SESTET

3 Linya – TERCET 7 Linya – SEPTET

4 Linya – QUATRAIN 8 Linya – OCTAVE

5 Linya - QUINTET

Ang COUPLET, TERCETS, at QUATRAINS


ang madalas na ginagamit sa mga tula.
Noong panahon ng Hapon, may tulang
dinala sa Pilipinas ang mga Hapones.

Dagdag
HAIKU
5-7-5 na sukat
Kaalaman!
TANAGA
7-7-7-7 na sukat
4
Kariktan
- Paggamit ng pili,angkop at
maririkit na salita. Nagbibigay ng
pangkalahatang impresyon sa
nagbabasa.
5 Talinhaga
- tumutukoy ito sa paggamit ng
matatalinhagang salita at
tayutay.
TAYUTAY
Paggamit ng pagwawangis,
pagtutulad, pagtatao ang ilang
paraan upang ilantad ang talinhaga
sa tula
Anyo ng Tula
1 Tradisyunal
- Ito ay isang anyo ng tula na may
sukat, tugma, at mga salitang
may malalim na kahulugan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

- Sa Aking Mga Kabata, Jose Rizal


2 Berso Blanko
- Ito ay isang anyo ng tula na may
sukat, bagamat walang tugma.
O pagsintang labis ang kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamakin lahat masunod ka lamang.

- Florante at Laura, Francisco Baltazar


3 Malayang
Taludturan
- Ito ay isang anyo ng tula na
walang sukat at walang tugma
Uri ng Tula
1 Liriko o
Pandamdamin
- Itinatampok sa tulang ito ang
sariling damdamin at maging ang
pagninilay-nilay ng makata.
URI NG TULANG LIRIKO
AWIT
(DALISUYO)
May paksa ng pagmamahal,
pagmamalasakit, at
pamimighati.
URI NG TULANG LIRIKO

PASTORAL
(DALITBUKID)
Ilarawan ang tunay na buhay
sa bukid.
URI NG TULANG LIRIKO

ODA (DALITPURI)
May kaisipan at estilong higit
na dakila at marangal.
URI NG TULANG LIRIKO
DALIT
(DALITSAMBA)
Maikling papuri sa Diyos na
may aliw subalit hindi
kinakanta.
URI NG TULANG LIRIKO
SONETO
(DALITWARI)
May labing-apat na taludtod.
Nagsasaad ng daloy ng emosyon sa
paglalahad dahil sa pagkakahati nito
sa iilang bahagi.
URI NG TULANG LIRIKO

ELIHIYA
(DALITLUMBAY)
Tula ng pagtangis o pag-alala
sa isang yumao.
2 Pasalaysay
- Ang tulang ito ay naglalahad
ng mga tagpo o pangyayari sa
pamamagitan ng mga
taludtod.
URI NG TULANG PASALAYSAY
EPIKO
(TULABUNYI)
Tula na nagtatalakay sa mg
kabayanihan ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway.
URI NG TULANG PASALAYSAY
METRICAL
ROMANCE
(TULASINTA)
Wala gaanong banghay at
tumutukoy sa pakikipagsapalarang
puno ng hiwaga at kababalaghan.
URI NG TULANG PASALAYSAY

METRICAL TALE
(TULA KANTA)
Tulang salaysay na naging payak
dahil sa pangunahing tauhan na may
simpleng kaganapan sa buhay.
URI NG TULANG PASALAYSAY
BALLAD
(TULAGUNAM)
Ito ay isang awit na isinasaliw noon sa
isang sayaw, ngunit ng kalauna’y
nakilala bilang tulang kasaysayan na
may wawaluhin o aaniming pantig sa
isang paraang payak at tapatan.
3
Dula
-Ang tulang ito ay isinasadula
sa mga entablado o iba pang
tanghalan.
URI NG TULANG DULA

DRAMATIC
MONOLOGUE
Isang tao lamang ang nagsasalita mula
sa simula hanggang sa wakas.
URI NG TULANG DULA

LIRIKO-DRAMATIKO
Taglay nito ang kawilihan sa mga
kalagayan, kilos, at damdaming
ipinahahayag sa pamamagitan ng mga
salita ng taong kinauukulan.
URI NG TULANG DULA

KATATAWANAN
Nasusulat sa pamamaraan at paksang-
diwang kapwa katawa-tawa.
URI NG TULANG DULA

DRAMATIC TRAGEDY
Tumatalakay sa pakikipagtunggali at
pagkasawi ng isang pangunahing tauhan
laban sa isang taong makapangyarihan.
URI NG TULANG DULA

MELODRAMA IN
POETRY
Naglalarawan ng galaw na lubhang
madamdamin at nagtataglay ng
nakasisindak na pangyayaring higit sa
pormal.
URI NG TULANG DULA

FARCE IN POETRY
Tulang dula na lubhang katawa-tawa,
higit sa makatwiran
4
Patnigan
- Tulang sagutan na itinatanghal
ng magkakatunggaling makata,
ngunit hindi sa paraang padula.
URI NG TULANG PATNIGAN

KARAGATAN
Isang paligsahan sa tula na kalimitang
nilalaro sa mga luksang lamayan o
pagtitipong parangal sa isang yumao.
URI NG TULANG PATNIGAN

DUPLO
Pagtatalo na ginagamitan ng tula, na
karaniwang hango sa mga salawikain,
kawikaan, at kasabihan.
URI NG TULANG PATNIGAN

BALAGTASAN
Isang pagtatalong patula tungkol sa
isang paksa. May lakandiwang
namamagitan sa pagtatalong ito.
URI NG TULANG PATNIGAN

BATUTIAN
Patulang pagtatalo na ang pangunahing
layunin ay makapagbigay-aliw sa mga
nakikinig o bumabasa.
URI NG TULANG PATNIGAN

BATUTIAN
Patulang pagtatalo na ang pangunahing
layunin ay makapagbigay-aliw sa mga
nakikinig o bumabasa.
MGA KILALANG
MAKATA

1. FRANCISCO BALTAZAR 

2. ANDRES BONIFACIO 

3. JOSE RIZAL 

4. MARCELO H. DEL PILAR  

5. AMADO VERA HERNANDEZ 


Isang Dipang
Langit
Ni: Amado V. Hernandez
Ako’y ipinilit ng linsil na puno
Hangad palibhasang diwa ko’y pilitin,
Katawang marupok, aniya’y pagsuko,
Damdami’y supil na’t mithiin ay supil

Ikinulong ako sa kutang malupit:


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubis na tiwalag sa buong daigdig
At inaring kahit buhay man ay patay

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


Ay sandipang langit na puno ng luha,
Maramot na birang ng pusong may sugat,
Watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod,
Sa pintong may susi’t walang makalapit;
Sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
Anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


Na kala-kaladkad ng paang madugo
Ang buong magdamag ay kulambong luksa
Ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


Kawil ng kadena ang kumakalanding;
Sa maputlang araw saglit ibibilad,
Sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
Sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
Kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
Sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


Bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
Sampu, dalawampu, at lahat ng taon
Ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Ngunit yaring diwa’y walang takot-hirap


At batis pa rin itong aking puso:
Piita’y bahagi ng pakikilamas,
Mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t bathala ay ‘di natutulog
At di habang araw ang api ay api,
Tanang paniniil ay may pagtutuos,
Habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


Sa sandipang langit na wala nang luha,
Sisikat ang ganitong araw ng tagumpay..
Layang sasalubong ako sa paglaya!
Pagsusuri
ng Tula
I. Pamagat : Isang Dipang Langit

II. May-akda : Amado V. Hernandez


(Maikling Talambuhay ng may akda/ patungkol sa
may akda)
Si Amado V. Hernandez ay
makata, nobelista, mandudula
at  peryodista. Itinanghal na orden ng
mga Pambamsang Alagad ng Sining
sa larangan ng panitikan. Nagsulat
din siya sa ilalim ng pangalang
Herinia dela Riva, Amanta Hermani
at Julio Abril.Isinilang siya noong 13
Styembre 1903 sa Tondo, Maynila.
Siya ay supling nina Juan Hernandez
at Cara Vera. Napangasawa niya si
Honorata”Atang” dela Rama at
tinaguriang “Reynang Kundiman” na
napabilang din sa Orden ng
Cagalangin, Tondo, Maynila,at sa American Correspondence
School at don niya nakamit ang titulong, batsilyer sa
sinig.Nagsimula niyang tangkilikin ang pagsusulatbilang
journalist at editor ng pre-WWII tagalong newspaper, gaya ng
watawat, Pagkakaisa, Mabubuhat, Sampaguita, at iba
pa.Naging kaibigan din niya sina Jose Corazon de Jesus,
Florentino Collantes at Deogracias Rosario.
Ang ilan sa kanyang tulang katha ay “ Sariling Hardin “ sa
pagkakaisa mula 1926-1932,” Kung Tuyo Na Ang Luha Mo
Aking Bayan”, at iba pa.Siya ay nanalo rin ng maraming
beses. Noong 1925 tinagurian siyang “Makata ng Ilaw at
Panitik”. “Wala ng Luha”, 1931 nanalong 2 Gold Medal;
Republic Cultural Heritage Award para sa “Isang Dipang
Langit”, 1962; ang NPC-ESSO Journalism Award para sa
nobelang “ Luha ng Buwaya”, 1963 at marami pa ang
natanggap niya ang National Arttist Prothumously noong1973
III. KAYARIAN
A. Uri : Tulang Pasalaysay
B. Estropa : Labing-isa
C. Ritmo/Indayog
1. Sukat : Lalabindalawahing pantig
2. Tugma : Tugmang Ganap at Di-Ganap
IV. ANYO
A. Tono : Paghihimagsik at Pagdurusa
B. Tayutay
Pagtutulad (Simile) – sintalim ng kidlat ang mga mata ng
tanod.
- anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Pagmamalabis (Hyperbole) – sanlibong aninong iniluwa ng
dilim.
- sa munting dungawan tanging
abot-malas
- isang dipang langit
Pandiwantao (Personipikasyon) – kung minsan’y gabi’y
biglang magulantang
C. Talasalitaan
Balasik – Kalupitan o Kabagsikan
Tiwalag – Nauukol sa pagiging malaya
Muog – matibay na taguang bato
Atungal – malakas na iyak ng malaking hayop
Tanang – Tayo na
V. Pagsusuri
A. Paksa
- buhay sa loob ng kulungan
B. Imahen/ Larawang Diwa
- karanasan ng mga kinukulong
- pinagdadaanan ng mga bilanggo
C. Simbolismo
- Puno = Pagkakasala
- Kuta = Kulungan
- Bintanang Rehas = Dungawan
- Kadena = Tanikala
- Birang = Itim na panakip sa ulo
D. Himig
- pagdurusa dahil sa pagtukoy ng kanyang pinagdaanan na
kanyang inilahad sa loob ng kulungan.
- paghahangad ng kalayaan.
VI. Teorya
Teoryang Sosyolohikal
Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng
tauhan sa kwento. Ang akda rin ay naging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.
Teoryang Realismo
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.
Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksa ng
sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

VII. Implikasyon
A. Mensahe
- pagiging matatag sa mga pagsubok sa buhay.
- ipagtanggol ang sariling karapatan.
- laging magtiwala sa sariling kakayahan.
- laging manalig sa Diyos.
Layunin ng Tula

Ito ay ang pagpukaw ng isang makata sa


damdamin ng bumabasa o nakikinig nito upang
makilala ang kahulugan ng buhay na
tinatanglawan ng kabutihan at kagandahang
ipinamalas sa pamamagitam ng tula.
Maraming salamat
sa pakikinig!

You might also like