Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan 10 Week 1 2
Araling Panlipunan 10 Week 1 2
Kasarian sa Iba’t
Ibang Lipunan
Araling Panlipunan 10
Sex at Gender
Konsepto ng Sex at Gender
Sex -Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito
rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin
ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa World Health Organization (2014),
ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Konsepto ng Sex at Gender
Gender -Ang gender tumutukoy sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para
sa mga babae at lalaki.
Oryentasyong Sekswal
(Sexual Orientation)
ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal,
emosyonal, seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyon
sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa
kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.
Pagpapakilanlang Pangkasarian
(Gender Identity)
kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma
sa sex niya nang siya ay ipanganak.
Oryentasyong Sekswal ay maaring maiuri
bilang :
• Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon
sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang
gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto
naman ay lalaki.
• Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at
seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian.
Kahulugan ng LGBTQIA+: