Mga Hakbang NG Pananaliksik para Sa Papel Pananaliksik2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

Mga Hakbang ng Pananaliksik

para sa Papel Pananaliksik


Mga natutunan mong pananaliksik:
 ulat o report

mga sanaysay

sulating pormal

iba’t ibang uri ng teksto


Ang Sulating Pananaliksik:
Ayon kay Spalding ( 2005 ) - ito ay malalimang pagtalakay sa isang
tiyak at naiibang paksa

- Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang element ng isang


tunay na sulating pananaliksik
Ayon kina Constantino at Zafra ( 2010 )

- isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto,


bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang – linaw, patunayan, at
pasubalian
Ayon naman kay Galero- Tejero may tatlong mahahalagang
layunin:

- Isinasagawa upang makahanap ng teorya

- Mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang


katotohanan sa teoryang ito

- Isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan


sa mga makaagham na problema o suliranin
Ang pananaliksik ay sistemang proseso ng pangangalap,
pag-aanalisa, at pagbibigay kahulugan sa mga datos
mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang
makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat
hindi basta katulad lang ng pagbuo ng isang ulat kung saan ang
manunulat ay mangangalap din ng impormasyon patungkol sa paksang
isusulat at saka ilalahad ang tungkol sa mga nakalap na impormasyon.
Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pang pangkaraniwang teksto

mas limitado
susuriin, hihimayin, palalalimin, at bibigyang interpretasyon
dumaan ang sulatin sa masusing pag-aaral
may maka-agham na basehan
dami o lawak ng gagamiting kagamitan o sanggunian
Sa sulating pananaliksik maaaring kailanganin mong
 lumabas
 magsagawa ng obserbasyon
 makipanayam o mag sarbey at pumunta sa palengke
 sa paradahan ng traysikel
 mga museo,
 makasaysayang pook
Katangian ng Pananaliksik
 Obhetibo
 Sistematiko
 Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
 Empirikal
 Kritikal
 Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan
 Dokumentado
Ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng
sumusunod na mga katangian Zafra (2010):

1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa


ibang mapagkukunan ng sandigan.

2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na


mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan; sa
pagsisiguro sa lahat ng panig ng pagsisiyasat; at sa
pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon,
komento, at rekomendasyon.

4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba


tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon,
konklusyon, at rekomendasyon sa paksa.

6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-


aaral ukol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng
mga datos nang walang itinatago, iniiwasan,
ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso
kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng
pananaliksik.
7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos,
sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at
pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman
at sa prosesong pagdadaanan.
 ang mananaliksik ay dapat maging
 mapagmasid o mapag-obserba, curious,
 Sensitibo sa mga isyung panlipunang maaaring
mahagip ng pagsasaliksik na ginagawa
 Maingat sa mga terminong ginagamit sa
pananaliksik
 Sinisigurong tama ang paggamit sa mga ito
 Ikalawang Gawain sa Pananaliksik S 15
 Ipaliwanag ang sagot sa mga sumusunod na
tanong:

1. Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay


mo para sa sulating pananaliksik?

2. Sa iyong sariling pananaw, paano ito naiiba sa


isang ulat o sa iba pang uri ng teksto?
3. Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik? Sa
paanong paraan nagiging mahalaga ang bawat layuning
ito?
4. Bakit nga kaya mas malawak ang sinasakop ng isang
ulat samantalang mas limitado ang sa isang sulating
pananaliksik?

5. Ano ang maaaring mangyari kung masyadong


malawak ang paksang tatalakayin sa isang sulating
pananaliksik? Paano kung masyado naman itong
limitado?
Mga Uri ng Pananaliksik

1. Basic
-agarang nagagamit ang resulta para sa layunin
nito
-makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon
sa isang kaalamang umuiiral sa kasalukuyan
Mga Uri ng Pananaliksik

1. Basic
-agarang nagagamit ang resulta para sa layunin
nito
-makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon
sa isang kaalamang umuiiral sa kasalukuyan
Mga Uri ng Pananaliksik
Halimbawa ng basic research:
 pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na
inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng
Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa
kanilang paligid
Mga Uri ng Pananaliksik
Halimbawa ng basic research:
 Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga
vandals sa Metro Manila
 Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy
band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang
barangay
Mga Uri ng Pananaliksik

2. Action research
- ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga
espesipikong problema o masagot ang mga
espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na
may kinalaman sa kanyang larangan
Mga Uri ng Pananaliksik

Mga halimbawa ng action research:


 pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga
miyembro tuwing may pangkatang gawain ang
inyong klase sa Filipino upang masigurong ang
lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa
mga gawain
Mga Uri ng Pananaliksik
 pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon
ng mga ekstra –kurikular na mga estudyante sa
inyong paaralan sa kanilang academic performance

 pananaliksik kung may epekto ba ang


pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto na mga
estudyante sa ikalabing-isang baiting sa inyong
paaralan
Mga Uri ng Pananaliksik
3. Applied research
- ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon

Mga halimbawa ng applied research:

 pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying


sa isang paaralan
Mga Uri ng Pananaliksik

 pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking


achievement gap ng mga mag-aaral sa isang
baiting sa isang paaralan

 pananaliksik kung bakit sumasali sa mga


kabataan sa isang komunidad
Mga resulta ng applied research:
- maaaring sa mas malaking populasyon tulad ng
iba pang paaralan o barangay na malapit o nasa
paligid ng inyong paaralan o barangay
- maaaring gamitin ng iba pang mga paaralan,
barangay, at komunidad ang mga resulta ng mga
pananaliksik na ito
Mga resulta ng applied research:

- Maaaring gayahin o i-modify nang kaunti ng iba


pang mga mananaliksik upang magamit nila sa
pagresolba ng mga kahawig na problema sa kanilang
mga lugar
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa

Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral n ideyang


tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa

Mahalagang gabay sa pagpili ng pinaka-angkop na


paksa:
 Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
 paksang marami ka nang nalalaman
 paksang gusto mo pang higit na makilala o
malaman
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
 Paksang napapanahon
 Mahalagang maging bago o naiiba(unique)
at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga
kaibigan mo.

 May mapagkukunan ng sapat at malawak na


impormasyon.
 Maaaring matapos sa takdang panahong
nakalaan.
Ipaliwanag ang mga sagot sa sumusunod na mga
tanong.

1. Paano makatutulong sa isang mananaliksik kung


marami na siyang nalalaman sa paksang susulatin
niya?

2. Bakit Mabuti ring pumili ng paksang wala ka pang


ideya subalit gusto mong higit na makilala o
malaman pa?
3. Ano-anong kabutihan ang maidudulot ng pagpili
ng paksang napapanahon?

4. Bakit mahalagang pumili ng paksang naiiba sa


paksang napili ng mga kaibigan o ng nakararami sa
mga kaklase mo?
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa

1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng


susulatin
 Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas mo ang
kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa
kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo,
at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng
pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
 paksang napapanahong magagamit ng mga guro
at administrador ng ating paaralan sa pagpaplano
at pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng
paaralan para sa mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa
sulating pananaliksik

3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya


 Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling
gawin o saliksikin?
 Bakit ka interesado dito?
 Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag
naihanap ito ng kasagutan?
 Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo
pang lalong makilala o mapalawak ang iyong
kaalaman?
 Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang
pagkukunan ng impormasyon?
 Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng
pananaliksik?
 Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang
sakop?
 Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong
tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Magdesisyon at itanong sa iyong sarili:
Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o
pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong
maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay
sa layunin at tiyak na matatapos ko sa limitadong oras
na ibinigay sa akin para tapusin ang gawain?
5. Paglilimita sa paksa
Halimbawa:
 Malawak o Pangkalahatang Paksa:
 Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-
aaral
 Nilimitahang Paksa
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat
ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang
Gawaing Pang-akademiko
4. Paglilimita sa paksa
Halimbawa:
 Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat
ng mga Mag-aaral at ang Epekto Nito sa Kanilang
Gawaing Pang-akademiko
4. Paglilimita sa paksa
Halimbawa:
 Malawak o Pangkalahatang Paksa:
 Persepsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan

 Nilimitahang Paks:
 Persepsiyonng kabataan sa mga taong may tattoo
sa katawan
4. Paglilimita sa paksa
Halimbawa:
 Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
 Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga
taong may tattoo sa katawan
Pagsusulit: Enero 21, 2021

Panuto: Limitahan mo ang mga paksa upang mas madaling matugunan sa


sulating pananaliksik.
1.
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Epekto ng social media sa mga mag-aaral

Nilimitahang Paksa:

Lalo pang Nilimitahang Paksa:


Pagsusulit: Enero 21, 2021

Panuto: Limitahan mo ang mga paksa upang mas madaling matugunan sa


sulating pananaliksik.
2.
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Ang paggamit ng LMS ng mga batang mag-aaral

Nilimitahang Paksa:

Lalo pang Nilimitahang Paksa:


Pagsusulit: Enero 21, 2021

Panuto: Limitahan mo ang mga paksa upang mas madaling matugunan sa


sulating pananaliksik.
3.
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Epekto ng Pandemic sa mga kabataan

Nilimitahang Paksa:

Lalo pang Nilimitahang Paksa:


Pagsusulit: Enero 21, 2021

Panuto: Limitahan mo ang mga paksa upang mas madaling matugunan sa


sulating pananaliksik.
4. Sumulat ng sariling paksa
Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Nilimitahang Paksa:

Lalo pang Nilimitahang Paksa:


Pagsusulit: Marso , 2021

Panuto: Limitahan mo ang mga paksa upang mas madaling matugunan sa


sulating pananaliksik.
5. Sumulat ng sariling paksa
Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Nilimitahang Paksa:

Lalo pang Nilimitahang Paksa:

You might also like