F1 Week 3 Sintaksis

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Sintaksis

Palaugnayan
 Pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makaubuo ng
sugnay, parirala, at pangungusap.
 Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa
dulo. Ang patapos na himig na ito ang nagsasaad na naipahayag
na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang
ipaabot sa kausap.
 Ang pangungusap ay maaaring buuin ng isang salita lamang o
ng lipon ng mga salita. Pansinin ang mga kasunod na
halimbawa:
Halimbawa:
 Nanay! (panawag)
 Aray! (nagsasaad ng damdamin)
 Sulong! (utos)
 Magandang umaga po! (pormularyong panlipunan o pagbati)
 Opo! (panagot sa tanong)
 Umuulan! (pandiwang palikas o penomenal)
BAHAGI NG
PANGUNGUSAP
1.SIMUNO (subject)
o Ito ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. Natutukoy ang simuno sa
pangungusap kung ito ay sinusundan ng mga pananda.
.

Halimbawa:
 Si Martin ang bago kong kaibigan.
 Sina Anna at Louis ang kumain ng Tinapay
 Namumulaklak na ang mga halaman sa hardin.
 Binenta sa murang halaga ang antigong banga.
 Ang magkakaibigan ay sama-samang nanonood ng pelikula.
2. PANAGURI (predicate)
o Ito ang bahagi ng pangungusap na naglalahad ng impormasyon tungkol sa
simuno.
.

Halimbawa:
 Bumili si Princess ng bagong damit.
 Diniligan ng mga mag-aaral ang mga bagong tanim na halaman.
 Si Angelo ay isang matagumpay na Doktor.
 Kumain ng agahan sina Adrian at Elsa.
 Napagod ang mag-anak sa kanilang pamimili para sa kapaskuhan.
ANYO NG
PANGUNGUSAP
1. PAYAK
o Masasabing payak ang isang pangungusap kung ito ay nagpapahayag
ng isang kaisipan lamang.
.

Halimbawa:
 Umalis ng maaga si Manuel.
 Kinain ni Julian ang tinapay sa mesa.
 Bumili ng bagong aklat si Simon.
 Katakut-takot ang hirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng
mga dayuhan.
2. TAMBALAN
o Ang tambalan na pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang malayang
sugnay o sugnay na makapag-iisa. Kadalasan, ang dalawang pangungusap
ay dinudugtong ng mga pangatnig tulad ng at, ngunit, habang, at subalit.
.

Halimbawa:
 Pumunta ng paaralan si nanay habang nagtrabaho naman si tatay.
 Aalis sana papuntang Palawan sina Demetry at Flor ngunit hindi pumayag ang
kanilang mga magulang.
 Naghanda ng maiinom si Jessy at si Lolie naman ay nagluto ng makakain.
3. HUGNAYAN
o Ang hugnayan na anyo ng pangungusap ay binubuo ng isang
malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa at isang di-
malayang sugnay o sugnay na di makapag-iisa.
o Kadalasan, ang “kung” ay ginagamit pandugtong sa
dalawang sugnay. Ginagamit din ang nang, upang, kapag,
sapagkat at iba pa.
Halimbawa:
.

 Kung hindi man ngayon, baka bukas magbabayad na siya.


 Kung umalis siya ng maaga, malamang nakarating na siya sa
Quezon ngayon.
 Hindi mo rin maabutan si Lexi kung pumunta ka.
 Magiting na ipinagtanggol ng mga gerilya ang kanilang baryo
nang lumusob ang mga dayuhan
4. LANGKAPAN
o Ang pangungusap na langkapan ay binubuo ng dalawang sugnay na
makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
 Maglalaba ka sa umaga at maglilinis ng bahay sa hapon upang
maihanda ito para sa mga bisita.
 Pupunta ng parke si Jonathan at bibili ng mga bulaklak kung
hindi uulan mamaya.
 Biniyayaan sina Angel at Mike habang nanalo naman ng
patimpalak si Jason kahit kapos silang tatlo sa pera.
 Magiting na ipinagtanggol ng mga gerilya ang kanilang
baryo nang lumusob ang mga dayuhan kaya’t nagsimula
ang umaatikabong labanan.
POKUS NG
PANDIWA
o Ang pangungusap ay maaari ring masuri batay sa ugnayan
ng pandiwa at paksa. Tinatawag din itong pokus.
o Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa. Maaari rin naming ang ugnayan na panaguri at
pandiwa ang suriin. Kumplemento o kaganapan naman ang
tawag dito.
1.Pokus sa Tagaganap o Aktor
.

Kapag ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa


pangungusap.
.

Halimbawa:
.

Ang kapayapaan ay lumalaganap.


Paksa, gumaganap ng kilos Pandiwang nakapokus sa Paksa
2. Pokus sa Layon o Gol
.

Kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang diin sa


pangungusap.
.

Halimbawa:
.

Iniuwi namin
.
Pandiwang nakapukos sa layon

ang pagkaing natira.


Layon na siyang paksa ang binigyang- diin
3. Pokus sa Tagatanggap (Benepaktib)
.

Kung ang pinaglaanan ng kilos ang siyang pokus ng


pangungusap.
.

Halimbawa:
.

Ibinili ko
Pandiwang nakapokus sa tagatanggap
.

ang nanay ng pasalubong.


Tagatanggap na siyang binibigyang diin
4. Pokus sa Ganapan o Lugar (lokatib)
.

Kung ang paksa o pokus ng pangungusap ay ang lugar o


pinangyarihan ng kilos.
.

Halimbawa:
.

Ang ilog
Pinangyarihan ng kilos na siyang paksa
.

ay pinaglabanan ni Handiong at ng mga halimaw.


Pandiwang nakapokus sa ganapan
5. Pokus sa Direksyon
.

Kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng


pandiwa.
.

Halimbawa:
.

Pinasyalan namin ang parke.


Pandiwang nakapokus sa direksyon Paksa na nagsasaad ng direksyon
6. pokus ng Gamit (instrumental)
.

Kung ang pokus ay ang kagamitang ginamit sa kilos.


.

Halimbawa:
.

Ipinanungkit nila ng bayabas


Pandiwang nakapokus sa gamit

ang patpat.
Kagamitan na ginamit sa kilos
7. Pokus sa sanhi (kawsatib)
.

Kung ang pokus ay ang sanhi o dahilan ng kilos.


.

Halimbawa:
.
Ikinasakit ng tiyan niya
Pandiwang nakapokus sa sanhi

ang bayabas.
Sanhi o dahilan ng kilos
POKUS KAGANAPAN

TAGAGANAP Kumain ng suman at manggang Ipinagdiwang ni Jubaile


hinog ang bata ang kanyang ikalinsiyam
na kaarawan.

GANAPAN Pinagtamnan ng gulay ang Sa Umak idinaos ang


aming bakuran. pambansang seminar ng
PLSF

SANHI Ipinagkasakit niya ang Nagtagumpay si JD dahil


pagpapatuyo ng pawis sa likod. sa kanyang pagsisikap.
POKUS KAGANAPAN

TAGATANGGAP Ibinili ko ng bagong aklat Nagluluto si Amelia ng


si Morales pansit para kay Jubaile.

KAGAMITAN Ipinampunas ko sa lababo ang Binungkal ang lupa sa


puting basahan. pamamagitan ng asarol.
Naglakbay kami
DIREKSYON Pinagpsayalan naming ang papuntang Baguio.
lungsod ng Davao.

You might also like