Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG PAGTUTURO AT

PAGKATUTO NG WIKA
ANG MGA BATANG MAG-AARAL AT ANG
PAGTUTURO NG WIKA
1. Intelektwal na pag-unlad
- iWasan ang pagggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng ilang kaalamang
pambalarila (e.g. ponolohiya, morpema, atbp0
2. Tagal ng pagkawili (Attention Span)
-Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata
-Maglahad ng mga makabago at ibat-ibang Gawain
-Gawing buhay ang pagklase at huwag mabahala na mag-oober-acting dahil
kailangan ito ng mga bata para sila’y maging gising at listo.
- Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng
knailang kawilihan
- Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata upang
mapanatili ang knailang kawilihan.
3. Pakilusin ang ibat-ibang Pandamdam (Sensory Input)
- Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga
laro
-Gumamit ng ibatibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay
ng mga kaisipang natamo.
-Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language.
4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)
- Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagawa ng
pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng isang
wika.
- Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang magkaroon
ng tiwala sa sarili ang mga bata.
- Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita.
5. Awtentiko, Mabuluhang Wika
- Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at d makahulugan.
- Ang mga pangangailangan pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang
nakapaloob sa isang konteksto.
- Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliit nitong mga sangkap dahil
mahihirapan ang mga batang makita ang kabuuan nito.
MGA TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA

1. Teoryang Behaviorist
- ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos
at gawi ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng knailang kapaligiran.
- binigyang-diin ni Skiiner na kailangang alagaan ang pag-unlad na intelektwal sa
pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumamng
mabuting kilos o gawi
2. TEORYANG INNATIVE

 Ang bata ay may likas na salik sa pagkatuto ng wika.


 Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang
likhang-isip na “aparato”na taglay ng mga bata at tinawag niya itong Language
Acquisition Device (LAD)
3. TEORYANG KOGNITIB

 Ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng
wika ay palaging nangangailangan mag-isip at gawing may saysay ang bagong
tanggap na impormasyon, almain ang pumapailalim na tuntunin at mailapat ang
mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.
 Dulog pabuod-tiyak na halimabawa at pagsusuri
 Dulog Pasaklaw- paglalahad ng tuntunin at halimbawa
 Magkatulad halos ang innative at kogntib. Ang pagkakaiba ay sa Innativist, hindi
kailangan suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong
mattuhan. Sa kognitibist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto
na magpapabilis sa pagkatuto ng wika
TEORYANG MAKATAO

 Ang pagkatuto ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin


at emosyunal. Itoy nanalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari
lamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may
positibong saloobin sa mga bagong kaalaman at impormasyon.
PAGKATUTO VS. AKWISISYON NG WIKA

 Ayon kay Krashen, ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung saan pinag-
aaralan ang wika sa isang organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak
na programa o silabus.
 Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi namamalayan at
katulad ito halos kung paano natutuhan ang ating unang wika.

You might also like