Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

 Ang PANITIKAN ay nanggaling sa salitang-ugat na

titik o letra.
 Ang PANITIKAN ay pagsasalaysay ng buhay,
pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at
iba pa.

TANONG:
1. Bakit ang Panitikan ay salamin ng kasaysayan?
2. Ano ang kaugnayan ng panitikan at kasaysayan?
PANITIKAN BAGO
DUMATING ANG MGA
KASTILA
TANONG:
1. May panitikan na ba ang mga Pilipino bago dumating
ang mga Kastila?
Ang mga mananaliksik ay nangagkakaisa sa kanilang
pagpapahayag na mayroon na ngang ginagamit na sariling
abakada o alpabeto ang mga Pilipino nang sumapit ang mga
dayuhan.
Sa “Ancient Filipino Writing,” ni Ignacio Villamor, pahina 3-4,
kanyang sinabi ang ganito: “Si Pari Marcilla at G. Retana ay
kapwa naniniwalang mayroong iisa lamang na abakada sa
Pilipinas kahit na may kaunting pagkakaibang mapapansin sa
mga titik ng mga abakadang inilathala ng ibang mga may-akda.
Bago lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Kastila,
ang panitikan dito ay:
1. Awitin at mga tula
2. Mga Alamat o kuwentong bayan
3. Bugtong at Salawikain
MGA URI NG PANITIKAN
Sa mga wikang sinasalita sa buong kapuluan, tinatanggap ng
marami na ang Tagalog ang siyang pinakalinang at may
pinakamayamang panitikan.
Ang paring Hesuwitang si Padre Chirino ang nagsabing taglay
ng Tagalog ang apat na katangian ng kilalang mga wika ng
daigdig--- ang Hebreo, ang Griyego, ang Latin, at ang Kastila.
ANG MGA AWITING-BAYAN
TANONG:
1. Ang mga awiting-bayan ba ay maituturing na tula?
2. Ano ang kaugnayan ng kantahing-bayan sa
karunungang bayan?
3. Masasalamin ba sa mga awiting-bayan ang ating
kultura, tradisyon, paniniwala noong sinaunang panahon?
Ang mga awiting-bayan ay mga tula ring inaawit sa iba't ibang
pagkakataon at madalas na may kasamang sayaw.
Ang mga awiting-bayan na ito ay ang sumusunod:
1. OYAYI/HELE-----mga kantahin sa pagpapatulog sa bata.
Hal: Matulog ka na bunso Meme, meme na ang bata
Ang ina mo ay malayo Ang nanay mo'y buntis, ang tatay mo'y wala
Hindi naman masundo Kung ikaw'y matulog, para kang mantika
May putik at may balaho At kung magising ka'y para kang guya.
2. KUNDIMAN-----mga kantahin sa pag-ibig.
Hal:
DANDANSOY (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)

Dandansoy, maiwan na kita


Uuwi na ako sa payaw
Kung sakaling maulila ka sa akin,
Tanawin mo lamang ako sa payaw
Dandansoy, kung susunod ka sa akin
Huwag kang magdadala ng tubig,
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Humukay ka ng balon sa daan.
3. KUMINTANG/TIKAM-----mga kantahin sa pakikidigma.
Hal:
Ang nuno nating lahat
Sa kulog di nasisindak
Sa labanan di naaawat
Pinuhunan buhay, hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang panatag.
4. TALINDAW------awit sa pamamangka.

HAL.
AN BALUD(isinalin mula sa waray)

Tila nag-aapoy, mapupulang kangit


Maging itong dagat, tila nangaggagalit
Siguro’y nagkaingin kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.
Na nagmula pa sa karagatan
Ang gabing madilim, tubig na malinaw
Ang pag-asa ng mga mandaragat.
5. DIONA-------awit sa pangkasal.

HAL.
Umawit tayo at ipagdiwang
Ang dalawang puso nagyo’y ikakasal
Ang daraanan nilang landas
Sabuyan natin ng bigas.
6. SOLIRANIN------ awit sa paggaod habang namamangka o sa mga manggagawa.
HAL.
MAGTANIM AY ‘DI BIRO
Magtanim ay ‘di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.
Sa umaga, paggising
Ang lahat, iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
7. DALIT O HIMNO----awit sa diyos-diyosan ng mga Bisaya
8. DUNG-AW---- awit sa patay o pagdadalamhati ng mga ilokano
9. RAWITDAWIT----awit ng mga lasing
10. SAMBOTANI----pananagumpay
11. MALUWAY-----awit sa sama-samang paggawa
12. KUTANG-KUTANG-----awiting panlansangan
13. PANANAPATAN-----panghaharana sa Tagalog
14. BALITAW------panghaharana sa Bisaya
15. PANGANGALUWA------awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog
MGA KARUNUNGANG-BAYAN
1. SALAWIKAIN
2. BUGTONG
3. PALAISIPAN

You might also like