Content-Based Insruction (PP2)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Patnubay ng Sesyon

Mga Batayang Teorya at Praktis sa Pagtuturo ng Wika


Gamit ang CBI
 
 
Panimula :

Sa ipinatutupad na kurikulum ng DEp Ed para sa pagtuturo ng


Filipino, may mga pananaw at simulain sa pagtuturo ng wika na
bibibigyang pansin. Una ay ang pagkakaroon ng interaksyon sa
pagitan ng mga mag-aaral, ng guro at ng teksto. Higit na mabisa ang
pagkatutuo kung bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-
isip, magpalitang-kuro at tumanggap ng ideya mula sa iba. Ikalawa,
ang pagkakaroon ng integrasyon sa mga kasanayan at gawain sa
pagtuturo ng wika. Ang apat na makrong kasanayan sa wika ay
naituturo sa isang kabuuan at hindi na hiwa-hiwalay tulad ng dati.
Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral ng wika at dito pumapasok
ang pagtuturong batay sa nilalaman. (content-based instruction).
 
Pinagmulan ng Pagtuturong Batay sa
Nilalaman

Ang pagtuturo batay sa nilalaman (PBN) ay hindi ang bagong kalakaran sa


pagtuturo ng wika at ito ay ibinatay sa disenyo ng programang immersion na
nagsimula sa Canada noong 1965 sa pagtuturo ng Pranses sa mga paaralan.
Napagtutuunan din ng pansin ang PBN mula sa kinalabasan ng mga
 
pananaliksik sa programang bilinggwal sa Estados Unidos, Canada at Inglatera
kung saan tinuruan ang mga mag-aaral ng ma- akademikong asignatura
bagamat hindi Ingles ang kanilang unang wika. Sa ganitong kalagayan,
ginamit ang katutubong wika ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng nilalaman ng
mga asignaturang tulad ng agham, Matematika at Kasaysayan. Dito nagsimula
ang pagpaplano ng pagtuturo ng wika batay sa nilalaman. Ngunit naging isyu
na piliin ang mga nilalaman ng mga asignaturang pang-akademiko tulad ng
mga naunang ginawa sa programang immersion noong 1946 (Pally 2000). 
 
Kahulugan ng Pagtuturong Batay sa Nilalaman

Ayon kay Met (1991), ang pagtuturong batay sa nilalaman ay isang


paraan ng pagtuturo na ginagamit ang mga layunin at gawain mula sa aralin
sa kurikulum bilang behikulo sa pagkatuto ng wika..
 
Ayon kay Brinton, et al (1989), ito ay isang integrasyon ng isang
partikular na nilalaman at ng mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito rin ay
tumatanaw sa wikang pinag-aaralan bilang behikulo upang ang
aralin/nilalaman ay matutuhan sa halip na pangunahing batayan ng pag-aaral.
 
 
Ayon kay Crandall at Tucker (1990), ito ay isang lapit sa pagtuturo ng
wika na pinagsanib ang paksa o gawain mula sa mga aralin sa konteksto ng
pagtuturo ng pangalawang wika.
 
Mga Katangian ng Nilalaman sa PBN

1. Sinasakop nito ang mga konsepto na itinuturo sa kurikulum na angkop sa level


ng mga mag-aaral (Curtain at Pesola, 1994).
 
2. Hindi ito kailangang maging akademiko o batay sa mga araling pinag-aaralan.
Maaari itong buuin ng mga paksa, tema o mga isyu na hindi pangwika na may
interes o kahulugan para sa mga mag-aaral (Genesee, 1994).
 
3. Iminungkahi ni Met (1991) na ang nilalaman para sa PBN ay dapat na
materyales na gaganyak sa mga mag-aaral para mag-isip at gumawa nang lampas
pa sa inaasahang pagkatuto ng wika.
 
4. Ang itinuturo ng PBN ay hindi nilalaman mismo kung hindi ang mga paraan ng
pagpapahayag o diskors sa nilalaman na magbibigay ng kasanayan sa mga mag-
aaral na mag-analisa, mag-usap o magpalitang-kuro at magsulat tungkol sa
nilalaman (Eskey, 1997).
* Ang mga kagamitang walang konteksto o nilalaman ay hindi gaanong
nagpapanatili ng interes ng mga mag-aaral (Curtain, 1995).

* Ang natural o likas na pagkatuto ng wika ay nagaganap sa isang konteksto at


ang PBN ay nagbibigay ng konteksto para maganap ang isang makahulugang
komunikasyon (Curtain, 1995, Met, 1991).

* Ang PBN ay nakapagbibigay ng iba’t ibang kasanayan sa malalim na pag-iisip


tulad ng pangangalap ng impormasyon, pag-oorganisa ng impormasyon, pag-
aanalisa, paghihinuha, at paglalahat (Curtain, 1995)

* Natututo ang mga mag-aaral ng wika kung ang diin ay sa kaugnay at makahulu-
gang nilalaman sa halip na sa wika mismo (Curtain, 1995, Met 1991).

* Binibigyang diin ng PBN ang koneksyon sa tunay na buhay at mga tunay na


kasanayang pandaigdig (Curtain, 1995).

* Sa klase ng PBN, ang mga gawain ay nangangailangan ng pag-iisip kaya pina-


yayaman nito ang pag-unlad ng kognitibo ng mga mag-aaral (Cummins, 1991)

* Sa PBN, ang pagkatuto ng wika ay nagiging konkreto sa halip na abstrakto di


tulad ng tradisyunal na pagtuturo kung saan ang focus ay sa wika mismo
(Genesee, 1991).

* Ang integrasyon ng wika at nilalaman ay nagbibigay-daan sa pagbabagu-bago


ng gamit ng wika ayon sa konteksto (Genesee, 1994).
Mga Prinsipyo at Batayang Pananaliksik ng
Pagtuturong Batay sa Nilalaman

* Napatunayan sa pananaliksik na ang PBN ay nagreresulta sa pagkatuto ng


wika, pagkatuto ng nilalaman, at mataas na level ng motibasyon at interes ng mga
mag- aaral (Grabe at Stoller, 1997).
  * Ang mga impormasyon at kasanayan na itinuturo nang magkakahiwalay ay kailangan pa ng
ibayong praktis at pagsasagawa bago lubusang matutuhan samantalang kapag ang mga
impormasyon ay magkakaugnay na itinuturo, madali itong matandaan at higit na mabisa ang
pagkatuto (Grabe at Stroller, 1997).
* Sa mga klase sa PBN, higit na may oportunidad ang mga mag-aaral na gamitin ang
kaalaman na dala-dala sa klase (activate their prior knowledge) na tutulong
sa lalong pagkatuto ng wika at nilalaman (Grabe at Stoller, 1997).
  * Nagbibigay daan ang PBN sa pagkatuto ng higit na kumplikado o malalim na

pagpapahayag sa wika dahil sa paggamit ng mga awtentikong nilalaman na


makikita sa labas ng silid-aralan (Grabe at Stoller, 1997).
 
 
Mga Katangian ng Guro ng PBN
 
1. Naniniwala na ang mga mag-aaral ay aktibong tagapagbuo ng kahulugan at nakapagpaplano tungkol dito.
 2. Nagbibigay ng makahulugan, komunikatibo at mahalagang konteksto para sa pagkatuto ng wika.
3. Lumilikha ng konkretong mga karanasan na ginagawa ng mga mag-aaral sa aktwal na buhay.
 4. Nagbibigay-diin sa pag-unawa sa mga panimulang gawain pa lamang.
5. Ginagamit ang pagbasa at pagsulat bilang kasangkapan sa pagsisimula lamang ng pag-aaral ng wika
 6. Sumusunod sa silabus na komunikatibo ngunit nagbibigay-daan din sa porma ng wika sa konteksto ng pagtuturo
ng nilalaman.
7. Iniaayos ang mga gawain ayon sa interes, level, karanasan, iba’t ibang istilo ng pagkatuto at pangangailangan ng
mga mag-aaral.
8. Nalalaman na ang epektibong pagtuturo ng bokabularyo ang susi sa pag-unawa sa mga konsepto at nilalaman.
 9. Gumagamit ng maraming biswal at tunay na mga kagamitan sa pagtuturo.
 10. Ginagamit ang mga nakaraang karanasan at kaalaman ng mga mag-aaral.
11. Bumubuo ng mga gawain na nakapag-iisip ang mga mag-aaral tulad ng pag-iisip ng solusyon sa mga problema,
pagmumungkahi ng mga dapat gawin sa mga sitwasyon, atbp.
12. Nag-iisip na mapalawak at maparami ang awtput o gawain ng mga mag-aaral at mapalalim ang mga
pagpapahayag o diskors (Genesee, 1994).
13. Inaalis ang kaisipang “gurong eksperto” at sa halip ay nagnanais na matuto mula sa mga mag-aaral.
 
Mga Istratehiya sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman
 

Ang mga sumusunod na istratehiya ay ginagamit sa


PBN upang makatulong sa pagkatuto ng wikang pang-
akademiko, pagkatuto ng nilalaman at malinang ang
mga kasanayan sa pag-iisip at pag-aaral ng mga mag-
aaral.
 
1. Kooperatibong Pagkatuto (Cooperative Learning) - Sa gawaing
ito, ang mga mag-aaral na may iba’t ibang wika, kasanayan at
kapaligiran ay nagsasama-sama sa isang gawain sa silid-aralan. Sa
pagpapangkat na ito nasasanay ang mga mag-aaral na
makipagtalastasan, magbigay ng ideya, magsuri at bumuo ng mga
ideya o solusyon. Ayon sa kanilang katatasan sa wika, maaaring ang
mga mag-aaral ay itakda nilang tagapag-ugnay, tagatala, taga-ulat,
tagaguhit o tagabasa.
 
2. Pangkaranasang Pagkatuto (Experiencial Learning o Task
Based) - Sa ganitong gawain, ang mga mag-aaral ay nakikiiisa sa
mga gawaing komunikatibo sa klase. Ang mga task ay mga gawain
na nangangailangan ng pag-unawa, pagbuo, pagsasagawa o
interaksyon sa awtentikong wika na ang atensyon ay nasa
kahulugan sa halip na sa porma ng wika (Nunan, 1989).

 Halimbawa nito ay – pagsulat ng pampaaralang dyaryo, pagbuo ng


komersyal sa TV, pagsasadula, o iba pang pangkatang gawain tulad ng
pagkuha ng opinion ng mga kaklase o tao sa komunidad.
 
3. Kabuuang Lapit sa Wika (Whole Language Approach)
 
Ang pilosopiya ng WLA ay batay sa konsepto na ang mga mag-aaral ay
kailangan sa isang konteksto na makahulugan sa mga mag-aaral (Goodman,
1986). Ang mga istratehiya sa kabuuang lapit sa wika para sa batay sa
nilalamang pagtuturo ay: dayalogo, journals, reading response journals, learning
logs, process-based writing, at mga kwento batay sa karanasan (Crandall, 1992)
 
4. Paggamit ng Graphic Organizer
 
Ang istratehiyang ito ay nagbibgay ng paraan para maorganisa at maipakita
ang mga impormasyon upang madaling maunawaan, matandaan at magamit. ang
mga grap, realia, tables, mapa, flow chart, timeliness at venn diagram ay
ginagamit upang matulungan ang mga mag-aaral na mailagay ang mga
impormasyon sa isang nauunawaang konteksto. SA paggamit ng mga graphic
organizer matutulungan ang mga mag-aaral na organisahin ang mga
impormasyon na nakasulato narinig, mapataas ang pagkatanda sa impormasyon,
magamit ang mga iskema bago bumasa o bago makinig at maorganisa ang mga
ideya bago sumulat. (Crandell, 1992).
 
 
Inihanda ni:

MARLON M. GERANE
Elementary School Head Teacher I
Gadgaron Elementary School
Matnog District

You might also like