Ap Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

PATAKARANG PISKAL

Patakarang Piskal o Fiscal Policy

• Ayon sa mga ekperto, ito ay polisiya ng pamahalaan ukol sa pamamalakad sa paggamit ng


kaban ng bayan para sa kapakinabangan ng bansa at ng mga mamamayan nito.
• Sakop nito ang pagbubuwis,paggastos at pamamahala sa mga utang ng gobyerno.
Tereso Tulao Para naman kay Tereso Tullao, ito ay isang
patakaran ng anumang pamahalaan ng
patungkol sa gugugulin at pagbubuwis
upang maimpluwensiyahan ang
kabuuang demand at pambansang kita.
•  Ayon naman kay David N. Weil, ito
David N. Weil isang pamamaraan na ng
pamahalaan na nauugnay sa usapin
ng buwis at paggugol upang
maimpluwensiyahan ang
ekonomiya.
Layunin ng Patakarang Piskal

• Ang pangunahing layunin ng patakaran piskal ay


mapangalagaan ang malusog na daloy ng ekonomiya ng isang
bansa. At upang maisakatuparan ito ay iba’t ibang pagsisikap
ang ginagawa ng isang pamahalaan para dito.
Uri ng Patakarang Piskal

• Ekspansiyonaryong patakarang piskal (Expansionary Fiscal


Policy)

• Kontraksiyonaryong patakarang piskal (Contractionary Fiscal


Policy)
Ekspansiyonaryong patakarang piskal

• Tinatawag na ekspansiyonaryo ang patakarang piskal kapag ang hakbang


ng pamahalaan ay pababain ang buwis ng na sinisingil nito mula sa mga
mamamayan at pataasin naman ang gastos ng pamahalaan.

• Sa ganitong uri, mas mataas ang gastos ng pamahalaan kaysa sa nakukuha


nilang buwis.
Kontraksiyonaryong patakarang piskal

• Tinatawag itong kontraksiyonaryo kapag itinaas ng isang


pamahalaan ang bayad sa buwis at binawasan ang gastusin nito.

• Sa ganitong uri, mas mataas ang kita ng pamahalaan kaysa sa


gastusin nito.
Patakaran sa Pabansang Badyet at ang kalakaran sa paggasta ng pamahalaan

• Mahalaga ang papel ng pambansang kita ng isang pamahalaan upang


maibigay nito ang mag serbisyong dapat matamo ng kanyang nasasakupan.
Kagawaran ng Pagbabadyet at
Pamamahala o Department of Budget
Depisit sa badyet
and Management(DBM): Ang
responsable sa pagbabalangkas at
Labis na gastos gamit ang kita ng
pagpapatupad ng pambansang badyet, at
pamahalaan na nagdudulot ng kakulangan
mahusay na paggamit ng mga pondo at kita
na makaaapekto sa kabuoan ng ekonomiya
ng gobyerno upang makamit ang mga
ng bansa.
layunin sa pag-unlad ng bansa.
Ibat ibang gastusin ng pamahalaan

• Gaya ng isang may-ari ng negosyo, ang pamahalaan ay


nagbabadyet din ng kanyang mga gastusin upang hindi
magkaroon ng problema sa hinaharap.
1.

Mga uri ng gastusin sa Pilipinas

• Kagawaran ng Turismo:Pinagkakagastusan ito ng pamahalaan upang masiguro ang


maunlad naturismo ng bansa.

• Kagawaran ng Kalusugan:Pinagkakagastusan ito ng pamahalaan upang masigurong


mabigyan ang mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, ngtamang lunas sa mga
karamdaman.

• Kagawarang ng Tanggulang Pambansa:Pinaglalaanan din ng pondo ng pamahalaan ang


kagawarang ito upang masiguro ang seguridad ng bansa laban sa mga panloob at
panlabas na banta.
• Kagawaran ng Edukasyon: Pinaglalaanan ito ng pondo ng pamahalaan upang makapagbigay ng
sapat na edukasyon sa mga Pilipinong mag-aaral, partikular na sa mga nabibilang sa mahihirap
na pamilya sa lipunan.

• Kagawaran ng Agrikultura/Pagsasaka:Pinaglalaanan ito ng pondo ng pamahalaan upang matiyak


ang kaunlaran ng sektor ng agrikultura para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

• Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman: Pinaglalaanan ito ng pondo ng pamahalaan upang


matiyak ang pagpapaunlad at pangangalaga sa mga likas na yaman para sa mga susunod pang
panahon at upang masiguro na may sapat na pagkukunang yaman ng bansa.

• Kagawaran ng Katarungan: Pinaglalaanan ito ng pondo ng pamahalaan upang mapanatiling


umiiral ang sistema ng hustisya sa bansa.
Samantala, naririto naman ang ilan sa mga proyekto ng pamahalaan na pinaglalaanan
ng pondo:

1.Paggawa ng mga daan at tulay para sa mabilis na transportasyon

2.Pabahay para sa mga mahihirap na mamamayan sa bansa.

3.Paglalaan ng sapat na pondo para sa kalamidad o sakuna.

4.Pamamahagi ng lupain para sa mga mahihirap na magsasaka.

5.Pambayad sa utang panlabas ng bansa.

6.Pagpapatayo ng mga imprastraktura at iba pang mga kinalaman sa pagpapaunlad ng


bansa.
Patakaran sa Wastong Pagbubuwis

• Dahil sa napakaraming gastusin dapat paglaanan ng pamahalaan, mahalaga sa isang


bansang papaunlad, gaya ng Pilipinas, na magkaroon ng pagkakakitaan o kapital na
magagamit sa iba’t ibang proyekto.
Kahulugan ng Buwis

• Ang buwis ay tumutukoy sa sapilitang kontribusyon ng mga mamamayan sa pamahalaan batay sa


isinasaad ng batas ng bansa.

• Ang buwis ay bahagi ng patakarang piskal ng isang pamahalaan upang magsilbing kita ng gobyerno
para matustusan ang gastusin nito sa iba’t ibang proyekto

Kagawaran ng Rentas Internas o Bureau of Internal Revenue


Ang pangunahin ahensya ng pamahalaan na nangongolekta ng buwis mula sa mga
mamamayan.
Layunin ng Pagbubuwis

1.Para makakuha ng sapat na pondo na magsisilbing kapital ng pamahalaan sa iba’t ibang


proyekto o gawaing pang-ekonomiya.

2.Para sa proteksyon ng mga lokal na industriya sa bansa.

3.Para sa layunin ng distribusyon ng kita at pagkakapantay pantay.

4.Para magkaroon ng regulasyon sa paggastos o pagkonsumo sa mga produktong


nakakasama sa kalusugan ng tao.
Mga Uri ng Buwis

Sa kabuuan, maaaring mauri ang buwis sa dalawa: ang tuwirang buwis at di-tuwirang
buwis. Maaari ding mauri ang buwis bilang progressive taxes, regressive, at proportional
taxes. Ngunit ito ay tatalakayin lamang natin ay ang tuwiran at di-tuwirang uri ng buwis.

• Direktang buwis: Ito ay ang buwis na tuwirang ibinabawas sa sahod ng manggagawa o


binabayaran ng kumpanya.

• Di-direktang buwis: ito ay buwis na di-direktang binabayaran ng mga mamamayan. Ilan


sa mga halimbawa ng ganitong uri ng buwis ay ang taripa,expanded value added tax(E-
VAT), sales tax, at excise tax.
Direktang Buwis

A. Income tax: ito ang buwis na mula sa kita ng isang manggagawa o kompanya.

Maaari itong nauuri sa dalawa:

Personal income tax: ay tumutukoy sa buwis na direktang kinakaltas ng kumpanya sa sahod ng isang
manggagawa alinsunod sa batas.

Corporate income tax: tumutukoy sa buwis na direktang binabayaran ng kumpanya batay sa itinalaga ng
batas.

B. Property tax: Ito ang buwis na direktang binabayaran ng isang mamamayan na may
pagmamay-aring lupa,bahay, o kaugnay nito.

C. Buwis mula sa napanalunang sugal o kompetisyon: Ito ay buwis na nagmumula sa mga napanalunan sa sugal
at mga kompetisyon, gaya ng mga napapanood sa telebisyon.
D. Transfer tax:ito ay tumutukoy sa buwis na ipinapataw sa mga ari-arian gaya ng bahay,
lupa, at mga kaugnay nito ,mula sa isang tao patungo sa bagong may-ari.

Maaari itong nauuri sa dalawa.

1. Donor’s tax: ay tumutukoy sa buwis na binabayaran na nagbigay ng donasyon o


regalo,gaya ng lupain,bahay,pera, o mga bahay na nagkakahalaga ng mahigit sa
Php100,000.

2. Estate tax: ay tumutukoy sa buwis na binabayaran ng isang tagapagmana ng lupa,bahay, o


iba pang bagay na nagkakahalaga ng higit sa Php200,000

E.Travel tax: ito ay uri ng buwis na ipinapataw sa anumang paglalakbay na gagawin ng


isang indibidwal.
Di-direktang Buwis

a.Expanded value added tax: sa kaso ng Pilipinas, 12% ang buwis na ipinapataw sa bawat produktong
ibinebenta ng isang kompanya.

b. Excise tax:Ito ay ang buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa produksyon (prodyuser) at


pagkonsumo(konsyumer) ng mga produktong mapanganib sa kalusugan.

Ang excise tax ay mauuri sa dalawa:

1.Specific tax: ay nakabatay sa bigat o dami ng produkto

2. Ad valorem tax: nakabatay sa halaga ng produktong binebenta o binibili.

c.Taripa:Ito ay buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga inaangkat na produkto.

d.Sales tax: ito ay ang buwis na ipinapataw sa mga produkto.


Pamamaraan ng Paggasta ng pamahalaan

• Iba’t ibang polisiya at patakaran ang ginagawa ng pamahalaan upang masigurong


makararating sa mga buwis na ibinabayad ng taumbayan. Ilan sa mga polisiyang binuo ng
pamahalaan ay ang Priority Development Assistance Fund at Conditional Cash Transfer
Priority Development Assistance Fund

• Batay sa IBON Praymer, ang PDAF ang pinakakilalang tipo ng pork barrel. Ito ay ang
alokasyon para sa mga senador at kongresista sa taunang badyet, na inaaprubahan ng
pangulo ng bansa.
Proseso ng PDAF
Katiwalian sa Priority Development Assistance Fund

Bagama’t may malinis na intensyon at maayos na mekanismo and PDAF, hindi pa rin
maiwasang magamit ito sa katiwalian. Ayon sa ulat, higit Php 10 bilyon ang naibulsa ng
mga taong sangkot sa tinawag na “Pork Barrel Scam”. Diumano ay ginamit ng ilang
senador ang ilang NGO (o implementing agencies), na pinamamahalaan ng isang
nagngangalang Janet Napoles, upang maka kurakot. Ayon sa whistle blower, ang mga
naturang NGO ay gawa-gawa lamang at hindi totoong umiiral. Dahil dito ay nagkaroon ng
iba’t ibang imbestigasyon, at marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa
kinahinatnan umano ng nagsabing pondo na dapat sana ay tutulong sa mga PIlipino. Bago
matapos ang 2013, idineklara ng Korte Suprema ang PDAF na labag sa konstitusyon.
Conditional Cash Transfer Program

• Ang Conditional Cash Transfer Program o mas kilala sa Pilipinas bilang Pantawid
Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isa sa mga metodo ng pamahalaan upang
mabawasan ang kahirapan sa bansa at maiwasan ang pagkakaroon ng di-pagkapantay-
pantay.
Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng DSWD. Sang Ayon sa Official Gazette ng
bansa, para maging benepisyaryo ng isang mahirap na pamilya ay kinokonsidera bilang
isang mahirap na pamilya batay sa ulat ng National Household Targeting System for
Poverty Reduction (NHTS-PR). Dapat ay taglay rin ng nsabaning pamilya o tahanan ang
pagkakaroon ng:

• Batang Pilipino na may edad 0 hanggang 14; o

• May nagdadalang tao sa nasabing pamilya

Sa kasalukuyan, ang programang ito ay pinalawak na. Kung dati ay hanggang 14 na taong
gulang na bata lamang na mula sa mahihirap na pamilya ang makakatanggap ng tulong
pinansyal mula sa pamahalaan, ngayon ay hanggang 18 taong gulang na.
Ang kahalagahan ng Patakarang Piskal sa Katatagan ng Ekonomiya

• Dahil sa nakapaloob ang pagbubuwis sa patakarang piskal, malaki ang tungkulin nito
sapagkat ito ang isa sa mga pinagmumulan ng kita ng pamahalaan upang magkaroon ng
sapat na badyet na magagamit sa mga proyekto para sa mga mamamayan.

• Nagagawa rin ng patakarang piskal na mapababa ang implasyon at maging tuloy-tuloy


ang pagtaas ng produksyon. Sa ganitong sitwasyon, masasabing matatag ang ekonomiya.
Dahil din sa patakarang piskal ay nagkaroon ng neutral o balanseng ekonomiya.
SALAMAT SA
PAKIKINIG
Mga Tanong

1. Ano nga ba ang patakarang piskal?

2. Ano ang layunin nito?

3. Ano ang kahalagahan ng Patakarang Piskal sa katatagan ng ekonomiya?

4. Ano ang buwis?

5. Ano ang dalawang uri ng buwis?

You might also like