Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Mga Katangian ng

Mabuting Pinuno
ARALING PANLIPUNAN - MODULE 7
Mga Katangian ng Isang
Mabuting Pinuno
Ang pagiging pinuno ay may napakahalagang
papel na kinakailangan gampanan upang
tagumpay at kaayusan ng nasasakupan ay
matamasa. May iba’t-ibang katangian na dapat
taglayin ang isang pinuno. Ilan sa mga ito ang
mga sumusunod:
1. Responsable
– bilang isang pinuno dapat alam niya
kung ano ang dapat gawin sa oras ng
kagipitan o problema. Hindi niya ito
tinatalikuran bagkus haharapin ng may
malinaw na plano para sa ikaaayos at
ikatatagumpay.
2. Disiplinado
– alam niyang limitasyunan ang kaniyang sarili
upang may katakutan siya, may gumabay at
maging isang modelo sa iba. Isang magandang
halimbawa nito ay ang makakitaan ng pangunguna
sa pagsunod sa mga batas o alituntunin na
kaniyang ipinatutupad.
3. Panindigan
– ang mabuting pinuno ay dapat may
maliwanag na pag-iisip. Ano man
desisyon ang kaniyang gawin ay kaya
niya itong ipaglaban at harapin lalo na
kung ito’y para sa katotohanan.
4. Huwaran
- siya ay dapat modelo ng mga
mabubuting gawa. Bilang isang pinuno
ikaw dapat ang pagmumulan ng
inspirasyon ng iyong mga nasasakupan
upang gumawa ng mabuti at mahusay.
5. Walang
– Pakikinig sa dalawang panig
Kinikilingan pag-iisipan,
titimbangin at pipiliin ng walang bahid ang
nararapat na ginagawa ng isang pinuno. Sa
pagdedesisyon lalo na sa pagpapatupad ng
batas dapat ay pantay ang pagtingin, walang
mataas at mababa sa mata ng isang
namumuno.
6. Makatao
– ito ay maipapakita sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa kapwa.
Mahalagang katangian ito ng isang pinuno
sapagkat bilang namumuno sa isang pangkat ay
dapat pinapakinggan niya ang bawat hinaing ng
nasasakupan mayaman man ito o mahirap.
7. Mapagkumbaba
– Ito ay mahalagang katangian upang makuha ang
puso ng kanyang nasasakupan. Bilang pinuno dapat
marunong siyang makisalamuha sa sa lahat ng antas
ng tao na kaniyang nasasakupan. Kailangan
marunong siyang magpahalaga sa bawat uri ng tao na
kaniyang nakasasalamuha.
8. Matapat
– isang mabuting katangian na dapat taglayin ng bawat isa.
Ito ay ang pagiging totoo sa iyong sarili at sa ibang tao.
Mahalaga ito sapagkat sa pagkakaroon ng katapatan ay
nagiging malinis at payapa ang ating kalooban. Sa
pamamagitan nito ang isang pinuno ay mas
pagkakatiwalaan at mapapaunlad ang kanyang
nasasakupan.
9. Makakalikasan
– bilang isang pinuno hindi lamang
dapat sa tao may malasakit bagkus
pinapahalagahan din dapat niya ang
kapaligiran at kalikasan.
10. Maka-Diyos
– pagkakaroon ng takot sa Diyos at
pananampalataya ay lubos na
kailangan upang siya’y
makapamuno ng ayon sa kanyang
kalooban.
10 KATANGIAN NG ISANG
PINUNO
1.Responsible 1.Mapagkumbaba
2.Disiplinado 2.Matapat
3.May paninindigan 3.Makakalikasan
4.Huwaran 4.Maka-Diyos
5.Walang kinikilingan
6.Makatao
SUBUKAN NATIN
Mag-thumbs up kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng mga katangian ng isang
mabuting pinuno at thumbs down naman
kung hindi.
1. pagpapaunlad at
ikabubuti ng kaniyang
nasasakupan ang
pangunahing layunin
2. naglilingkod sa lahat ng
tao nang pantay-pantay at
walang kinikilingan
3. hindi isinasaalang-alang
ang damdamin ng kanyang
nasasakupan
4. nagpapatupad ng mga batas
na may kinalaman sa
pangangalaga ng kalikasan at
pagpapaganda ng kapaligiran
5. hindi lamang tagapagbigay
ng kautusan sa komunidad
kundi isa ding mabuting
tagasunod sa mga gawaing
itinakda
ISAGAWA
Gumuhit sa loob ng kahon ng larawan na
nagpapakita ng mga katangian ng isang
mabuting pinuno. Sumulat ng isang maikling
paliwanag kung bakit mahalaga na taglayin ito
ng isang pinuno. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Tayahin
Basahin at unawain mabuti ang bawat
tanong. Piliin at isulat ang letra ng
wastong sagot sa sagutang papel.
1. Paano maipapakita ng isang pinuno ang
kaniyang pagiging makatao?
A.mag-uutos nang mag-uutos sa nasasakupan
B. pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa tao
C.panlalamang sa kapwa-tao
D.pangungutya sa katayuan ng isang tao
2. Bilang isang pinuno ay hindi dapat
niya tinatalikuran ang kaniyang mga
sinumpaang tungkulin. Anong
katangian ito?
A.mapanlait
B. mayabang
C. responsible
D.tamad
3. Ang mga sumusunod ay katangian
ng isang mabuting pinuno maliban
sa isa, alin ito?
A.disiplinado
B. huwaran
C.makasarili
D. matapat
4. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
isang mabuting pinuno?
A.upang magkaroon ng kaunlaran at kaayusan
B. upang magkaroon ng mga alitan
C.upang magkaroon ng susundin na pinuno
D.upang may masisi sa oras ng kagipitan
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng
pagiging isang mabuting pinuno?
A.isinasaalang-alang ang kapakanan ng nasasakupan
B. malayang ginagawa lahat ng gusto niyang gawin
C.tinatalikuran ang mga responsibilidad bilang pinuno
D.walang pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran na
nasasakupan
Karagdagang Gawain
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa ibaba. Gawin
ito sa iyong sagutang papel
Tanong: Bakit mahalaga sa isang komunidad ang
isang mabuting pinuno?
Kailangan ng isang komunidad ang isang
mabuting pinuno upang

You might also like