Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MGA BAHAGDAN

SA
PAGBASA
PERSEPSYON.
- Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga
nakalimbag na simbulo at maging
sa pagbigkas nang wasto sa mga
simbulong nababasa.
Iba ang nagbabasa lamang sa tunay
na nakaunawa sa kanyang binasa.
KOMPREHENSYON ang ikalawang
proseso
- Pagpoproseso ito ng mga
impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ngb simbulong
nakalimbag na binasa. Ang
pagpoprosesong ito ay nagaganap sa
isipan.
Ang REAKSYON ang pangatlo na
umaayon sa bisang hatid ng binasa sa
bumasa. Sa hakbang na ito,
hinahatulan o pinapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalagang isang tekstong binasa.
Ayon kina Aban at Cruz, may
dalawang paraan ang pagsasagawa ng
reaksyon:
INTELAKTWAL kung tuwirang nasaling
ang kaniyang pag-iisip na humantong
sa pagpapasya sa kawastuhan at lohika
ng binasa.
EMOSYONAL kung higit sa paghanga
sa istilo at nilalaman ang reaksyon
Para sa mga mambabasang may
malawak nang kaalaman ang
ikaapat. Gayunman, maaari rin
itong makamit ng mga taong kahit
hindi palabasa ay may sapat nang
karanasan, ito ang
INTEGRASYON o ASIMILASYON
Sa hakbang namang ito, isinasama at
iniuugnay ang kaalamang nabasa
sa mga dati nang kaalaman at/o
karanasan.
Para kina Aban at Cruz may
kinalaman ang
BILIS/BAGAL NG PAGBASA(reading
rate) sa panahon o oras na ginugugol
ng isang mambabasa sa napili niyang
paksa. Maaaring maging mabagal o
mabilisang pagkakabasa depende sa
kanyang layunin(skiming o iskaning),
ang materyal na binabasa(kanya
bang larangan o hindi),wika(Filipin o
Ingles),kasanayan at lawak ng
kaalaman.
Ang huli na siyang dulong pamaraan
NABUONG KASANAYAN AT
KAUGALIAN SA PAG-AARAL(study
habit and skills).
Masasabing ito ang mismong layunin
ng buong proseso ng pagbasa. Kung
kinagiliwan, nauunawaan at nailapat
niya ang lahat ng kaniyang binasa at
paulit ulit niya itong ginagawa ng
may giliw at kusa, naging mabisang
tunay ang mga pamaraang inilahad.
 Mga iba’t ibang bahagdan pa:
a. Pagtingin sa pamagat, heading at sub-heading na
karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan,
graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

You might also like