Timawa: Ni: AC Fabian

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

TIMAWA

ni: AC Fabian.

Inihanda ni: Jerico P.


Nuestro.
 Ang Nobelang Timawa ay isinulat ni AC Fabian na
tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino sa Panahon ng
Hapon at Americano noong 1940 hangang 1945. Pag-
ibig ang pangunahing paksa nito. Ang Timawa ay isang
uri ng panlipunan na katumbas ng “malayang tao” sa
panahon ng mga maharlika. Ang mga “Timawa” ay
kadalasang kasama ng mga Datu sa kaniyang mga
gawain. Mataas sila kaysa sa mga alipin ngunit sinasabi
na sila ay maaring anak ng datu sa isang alipin o kaya’y
kabit nito sa ganoong estado wala silang karapatan
magmana ng kayamanan kung hindi loloobin ng datu.
Sa pagdating ng mga mananakop, nag-iiba ang
kahulugang kinakatawan nito at maging ang larawang
bitbit nito. Mula sa kahulugang “Malaya” ito ay naging
“Dukha”, ganoon rin sa nobelang ito ang Timawa ay
kumakatawan kay Andres bilang anak ng isang maralita
at magsasaka.
Layunin ng Nobela

 Ang Nobelang ito ay may layuning gumising ng diwa at damdamin upang mapukaw ang
puso’t isipan ng mga mambabasa. Ang malayang paglahad ng Awtor sa pangarap at ang mga
hadlang sa pagkamit nito ay patunay na wag sumuko sa ano mang laban lalo’t higit kung sa
ikabubuti ng sarili at ng lahat.
 Ito ay nagbibigay aral sa maraming pagkakataon, ang mabuting gawa at pakikipagkapwa
bagaman ay ipinakita ang di magandang ugali ng pangunahing tauhan sa ilang tagpo, ngunit
sana ay tularan natin siya sa mabuti niyang gawa at pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa
kanya. Bilang karagdagan sana ay tingnan din natin ang ilang bagay sa mabuting paraan at
gamitin ito upang magtagumpay.
 Ito rin ay nagbibigay inspirasyon hindi lang sa pag-iibigan kundi maging sa mga pangarap sa
buhay.
Katangian ng Nobela
 Ang nobelang ito ay nagtataglay ng mga katangiang malikhain at maguni-guni
ang paglalahad, dahil di mo agad mahuhulaan kung ano ang susunod na
mangyayari at nakalilikha rin ng mga tanong at munimuni ang bawat pangyayari.
 Kawili-wili rin ito para sa mga mambabasa dahil di ka mababagot sa iisang
suliranin o pangyayari kung baga kahit na ito ay patungkol sa pagmamahalan ay
mayroon paring patungkol sa pakikipagkaibigan, pagtulong, pagiging bayani ,
paghihiganti at iba pang nakakapanabik na pagyayari sa bawat tagpo.
 Maganda at malinis rin ito, ito rin ay nagtataglay ng mga ligaw na tagpo at
kaganapan na mapapaisip ka na lamang na parang napabagal o napabilis ang
pangyayari ngunit ito pa ang nagpaganda ng nobela at maging ang malarawang
paglalahad at pagsasalaysay.
Elemento ng Nobela

 Tagpuan
 Amerika at Pilipinas (1940-1945)

 Tauhan
 Protagonista- Andres (Matangkad, matipuno at kayumangging Pilipino) Siya ay nagmula sa
dukhang pamilya, at anak ng isang magsasaka. Ngunit may matayog na pangarap sa buhay
na kanyang pinagsumikapang maabot. Sa nobela siya ay naging tanyag na Doktor at Medyor
na may layuning tumulong sa mga kababayan.
 Antagonista- Lily (Pilipinang may magandang pangangatawan at wangis) Siya ay ang
Pilipinang ginamit ang ganda at katawan upang makaangat sa buhay. Maituturing na isang
bayarang babae ng mga mananakop na Hapones at Amerikano. Inakit niya si Andres at
sinamantala noong nagkaroon ito ng amnesiya na kanyang itinago dahil sa matinding
pagnanasa nito sa binata.
Elemento ng Nobela
 Tauhang Lapad- Alice (Magandang Amerikana ngunit mahirap lang din) Siya ang babaeng
iniibig ni Adres. Kasama niya ito sa pinagtatrabahuhan upang makapagtapos ng pag-aaral.
-Bill (Mahirap na Amerikanong kaibigan ni Adres) Siya ay mabuting kaibigan na naging
tagapayo ni Adres. Siya ang nakatuluyan ni Estrella.

 Tauhang Bilog- Alfredo (Matangkad at Mayamang Pilipino) Siya ang kaklase ni Andres na
nagpapagawa sa kanya ng mga gawain sa paaralan kapalit ng pera. Siya ang naging karibal
niya kay Alice. Pinakilala siya bilang mayabang at mapagmataas na tao ngunit sa huli ay
nagawang magbago at naging isa sa mga kaibigan ni Andres. Nakatuluyan niya si Mercedes
ang kapatid ni Estrella.
- Estrella (Maganda at Mayamang Pilipina) Sa panimula pinakilala siya bilang
matapang at mapang mata kay Adres. Kalaunan ay nahumaling kay Adres at naging mabuting
kaibigan. Sa huli si Bill ang kanyang napangasawa.
Elemento ng Nobela

 -Don Marcos (Mayamang Pilipino at Mapagmataas) Siya ang itinuturing na mortal


na kaaway ni Adres at ng pamilya nila. Mula sa pagmamalupit nito sa mga magsasaka at
kasakiman sa kayamanan. Siya ang Ama nila Estrella at Mercedes. Noong huli ay naging
mabuting tao rin na bukas palad niyang pinatuloy si Andres sa kanilang bahay upang
magpagaling.

 Iba pangtauhan- Dr. Morris, Mrs. Grey, Mrs. Thompson, Anita, Mercedes, Igme at Tandang
Pedro.
Elemento ng Nobela
 Banghay
 Ikinikwento ni Adres ang naging buhay niya sa Pilipinas sa mga kaibigang Amerikano na sina Bill at Alice.
 Tinutukso ni Bill si Andres kay Alice dahil nakikita nitong marami silang pagkakatulad at pakiwari niya’y
gusto rin nila ang isa’t isa.
 Dumating sa buhay nila si Alfredo ng minsang itong nagpagawa ng report kay Andres na ikinainsulto nman
ni Andres dahil pakiramdam niya ay ikinahihiya siya ng kababayan. Ngunit agad ding sumaklolo ang mga
kaibigan niya upang magbigay ng payo.
 At doon nga nagkakilalasina Alfredo at Alice na agad nmang nagkagusto ang binatang Pilipino sa kaibigan
ni Andres.
 May bagong dating na taga-Pilipinas sa kanilang tinutuluyan ito ay si Estrella ang anak ni Don Marcos na
siyang nanghamak sa pamilya ni Andres. Kung kaya di niya ito pinakitunguhan ng maayos.
 Nahulog ang loob ni Estrella kay Andres sa kabaitan nito, samantalang muling nabighani si Alfredo kay
Estrella. Sumiklad ang labanang pag-ibig nina Alfredo at Andres laban sa dalawang babae na sina Estrella
at Alice.
Elemento ng Nobela
 Nagtapos ang magkakaibigan sa kanilang pag-aaral at nagsanay sila sa mga pagamutan ng kanilang paaralan.
 Sa isang idlap ay nagbago ang lahat. Sumama si Andres sa digmaan upang boluntaryong manggamot. Samantalang ang
kanyang mga kaibigan ay napadpad sa iba’t ibang lugar upang manggamot rin.
 Nabalitaan na lamang ng mga kaibigan niya na siya ay nasawi sa digmaan.
 Naisama si Andres sa ibang kupunan ng mga Amerikanong mandirigma at tumungo sa Pilipinas.
 Bumalik sa sariling nayon si Andres matapos ang digmaan.
 Nakilala niya sina Igme, Mercedes at Lily.
 Nagka-amnesia si Andres matapos mabagok ang ulo dahil sa pagod. Napaglaruan siya ng tadhana.
 Dumating ang mga kaibigan niyang sina Bill, Alfredo at Estrella. Di kalaunan ay sumunod rin si Alice ng malaman nito buhay
pa si Andres.
 Nag-alab ang pag-ibig sa pagitan nila Alfredo at Mercedes gayundin kina Bill at Estrella. Hangang ikinasal ang mga ito
habang nawawala si Andres.
 Bumalik ang alala ni Andres at nabisto niya ang pinagagagwa ni Lily.
 Pabalik na sana si Alice ng Amerika dahil nalaman niyang ipinagpalit lamang siya ng kanyang minamahal ngunit natigilan ito
ng dumating si Andres.
 Isiniwalat niya ang lahat ng nangyari. At sa huli sila parin ang nagkatuluyan.
Elemento ng Nobela
 Pananaw
 Ikatlong Panauhan.

 Tema
 Digmaan, diskriminasyon sa lahing puti at kayumanggi, Pang-aapi, Pagmamahal at kahirapan.
 “Hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa buhay” (Ipinakita sa nobela ang buhay ni Andres
bilang mahirap na nagsumikap na makamit ang kanyang mga pangarap sa kabila ng mga balakid at
unos.
 Damdamin
 Ipinakita sa nobela ang damdaming makabayan at makatao ng pangunahing tauhan. Ang pagmamahal
niya sa bayan at kapwa kahit hindi niya kakulay ay nangibabaw sa lahat ng aspeto. Inihayag rin ang
kabayanihang ipinakita ng pangunahing tauhan na siyang nagpaganda sa bawat kabanata.
Elemento ng Nobela
 Pamamaraan
 Ang pagsasalaysay ng bawat pangyayari ay sadyang may kababawan di gaaong matalinhaga ang mga
binibitawang salita. Maganda ang naging paglalarawan sa mga tauhan gayundin sa mga tagpuang
nabanggit sa nobela. Masasabi ko namang naging marahas ang ilang tagpo na siyang nagpaganda at
nagpalitaw ng kariktan ng nobelang ito.
 Pananalita
 Ang bawat deyalogo sa nobela ay nasusulat sa wikang Filipino bagaman may iilang terminong Ingles
na nanatili sa orihinal nitong anyo.
 Simbolismo
 Ang salitang “Timawa” ay na ngangahulugang mahirap o dukha. Ang salitang ito ang nag udyok kay
Andres na magsumikap at mapatunayan ang sarili. Ito ay narinig niyang sinabi ng Donya sa kanyang
ama.
Uri ng Nobela

 Ang nobelang ito ay nagpapakita ng pagmamahalan ng mga tauhan, kung


kaya’t pumapasok ito sa Nobelang Romansa. Ipinakita ang wagas at tapat na
pag-ibig ni Andres kay Alice at gayundin ang dalaga. Bagaman hindi ito naging
madali para sa kanilang dalawa ngunit sadyang magwawagi ang mga pusong
tunay na nakatadhana.

 Mga uri ng nobela ayon sa genre


 Ito ay isang Makatotohanang Nobela dahil sumasalamin ito sa totoong pangyayari o mga kaganapan
sa lipunan.
 Ito rin ay matatawag na Nobelang pangkasaysayan sapagkat isinalaysay rito ang mga pangyayari sa
nagdaang mga taon.
Sariling Pagbubuod
 Simula- Nagsimula ang nobela sa pag-uusisa nila Bill at Alice sa buhay ni Andres, ang kanyang
kasamahan sa trabaho. Kung ano ang mga naging trabaho niya roon sa Amerika at kung bakit mas
pinili niyang ipagpatuloy ang pag-aaral. Ang tanging nasa loob ni Adres ay ang makatulong sa kanyang
amang magsasakang makaahon sa kahirapan at makapaghiganti sa mga taong nang api sa kanila. Si
Bill at Alice ang naging kasama ni Andres sa pagtatrabaho at pag-aaral. Dumating sa puntong
nagkakamabutihan na sila ni Alice at panay naman ang panunukso ni Bill sa kaibigan. Nagpatuloy ang
buhay nilang tatlo sa pagtatrabaho at upang may maipangtustos sa kanilang pag-aaral. Nadadagdagan
ang kita ni Andres kapag may ipinagawang report o mga gawain si Alfredo ngunit sa palihim na paraan
ayaw kasi ni Alfredo na may makakita sa kanya na nakikipag-usap siya sa isang taga hugas ng pinggan
na ikinagalit naman ni Andres at bilang kabayaran ay siningil niya iyon ng malaki. Nalaman ni Alice at
Bill ang ginagawa ni Andres at pinayuhan nilang ibalik ang ilan sa pera ng Alfredo dahil mali ang
ginagawa niyang iyon sa kanyang kababayan.
Sariling Pagbubuod
 Nagpaliwanag naman si Andres at sa huli ay nagkasundong ibalik kalakip ang liham ni Andres na
nagdaramdam siya sa pagkakataong ikinahihiya niya si Andres bilang kababayan. At doon nga ay
nagkaroon ng mabuting ugnayan sa dalawang panig ngunit noong kalaunan ay nagkagusto si Alfredo
kay Alice na naging dahilan ng kanilang muling di pagkakaunawaan. Dumating naman sa
Dormitoryong pinagtatrabahuhan nila si Estrella ang kanayon ni Andres na anak ng mapagmataas na si
Don Marcos. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Andres kay Estrella at ganoon rin ang dalaga.
Tinangka niyang kaibiganin ang tatlo upang mas madali niyang mahamak ngunit bigo siya. Kalaunan
ay nakilala niya ang tunay na ugali ni Andres at nahulog ang loob niya rito. Ngunit wala namang
pagtingin si Andres sa kanya ang tanging mahal niya ay si Alice. Hindi lamang ipinakita nina Alice at
Andres ang pagmamahalan sa isa’t isa dahil sa mga kakulay nilang tutol at di sila tanggap, mas
minabuti nilang isantabi muna ang pag-ibig at pagtuonan muna ng pansin ang pag-aaral at trabaho.
Sariling Pagbubuod
 Sa mga pagtangi ni Alice kay Alfredo ay napagtanto niyang may mahal ng iba ang dalaga at ito ay si
Andres. Samantalang ang pagdating ni Estrella ang nagpatigil sa pagkahumaling ni Alfredo kay Alice
ngunit pakiramdam niya ay si Andres ang tanging gusto ng mga dalagang kanyang naiibigan. Sinabi
naman ni Andres na di niya gusto si Estrella ngunit itong si Estrella ay di rin magkagusto kay Alfredo
dahil si Andres ang mahal nito. May mga pagkakataong binabayaran ni Alfredo si Andres upang di
sumama sa lakad nila ni Estrella at ng malaman ito ni Estrella ay siya naman ang nagbayad kay Andres
upang lagi siyang samahan. Ito ang naging ugat ng pag-aaway nila ni Alice at ganoon din kay Alfredo.
Dumating sa punto sinaktan ni Alfredo si Andres na maaring ikapahamak ng kanyang pag-aaral. Ngunit
di nagsumbong si Andres at laking pasasalamat iyon ni Alfredo at noon nga ay mas tumibay pa ang
kanilang samahan. Samantalang sina Bill naman at Alice ay di tumigil sa pagiging mabuting kaibigan
ni Andres.
Sariling Pagbubuod
 Gitna- Lumipas ang maraming araw bumagsak ang negosyo nila Estrella at napilitan siyang
magtrabaho rin tulad nila Andres at maging iskolar ng paaralan. Dumating ang araw ng kanilang
pagtatapos at ang bawat isa sa kanila ay kailangan munang magsanay sa Pagamutan ng kanilang
paaralan. Pinagbuti nila ang kanilang mga pagsasanay at naging mahusay sa larangang kanilang pinili.
Sa isang idlap ay nagbago ang kanilang buhay ng sinalakay ng mga Hapones ang Amerika.
Boluntaryong sumama at tumulong si Andres sa mga sugatang mandirigma ng Pasipiko. Hangang sa
mapasama si Andres sa Australia bilang tagagamot ng mga sundalong sugatan at kalaunan ay ipinadala
siya sa New Guinea. Di lang gamit sa medisina ang kanyang nahawakan natutunan rin niyang
gumamamit ng mga armas upang ipagtanggol ang sarili at mabuhay. Samantalang ang kanyang mga
kaibigan tulad ni Alfredo at Bill ay naging tenyente sa Africa sa mag kaibang pagamutan, si Estrella
naman ay naglalakbay upang tugtugan ang mga kawal. At si Alice naman ay naglilingkod sa isang
Medical Corp.
Sariling Pagbubuod
 1994 ang pinakamabangis na pagsalakay ng mga Hapones. Pinasabugan ang malalaking Pagamutan at
maraming nasawi. Napabilang si Andres sa mga nasawi na ikinalungkot ng kanyang mga kaibigan.
Kinausap ng Direktor ng paaralang kanilang pinasukan si Alice upang ibigay ang $50,000 na
ipinahawak ni Andres sa kanya upang ipatayo ng klinika. Ngunit ang di nila alam ay nakaligtas si
Andres at natagpuan siya ng mga Amerikanong sundalong nagpapatrol sa binumbang Pagamutan.
Isinama siya ng mga ito. At noon din ay natapos ang digmaan sa pagitan ng Europa at Africa kaya’t
kinakailanagn ng magaling na doctor. Naging Major si Andres dahil sa kabayanihan niya at
boluntaryong pagtulong sa mga nangangailangan. Makalipas ang ilang buwan ay nasa Pilipinas na ang
mga kalaban. Ang Hospital unit nila Andres sa Panggasinan at iba panglabanan sa Plipinas. Noong
humupa na ang digmaan ay nagpasyang umuwi si Andres sa kanilang bayan. At pumunta siya sa puntod
ng yumaong ama at doon niya nakita ang kababatang si Igme. Isinama ni Igme si Andres sa isang
pagdiriwang sa kanilang bayan at doon niya nakilala si Mercedes ang nakababatang kapatid ni Estrella.
Ipinakilala ni Mercedes si Andres sa Ama’t Ina nito ang mga Donya at Don na naghamak sa kanilang
mag-ama. Ngunit sadyang hinubog si Andres ng mga karanasan upang maging mabuting tao.
Sariling Pagbubuod
 Isang araw sumama si Andres sa isang handaan sa Maynila. Nagtaka si Andres na mayroong isang
marangyang bahay pagkatapos ng giyera, doon ay nakilala niya si Lily ang babaeng kinasangkapan ang
sarili upang yumaman sa panahon ng pananakop ng hapon at amerikano. Inakit ni Lily si Andres ngunit
hindi siya nag tagumpay, ngunit napapayag niya si Andres dahil kakailanganin niya ang mga pag-aari
nito upang magamit niya sa pagtulong sa mahihirap.Nag kitang muli si Mercedes at Andres at
inanyayahan siya ng dalaga sa isang sayawan at doon ay nag-bago ang pagtingin ng mga tao sa kanya
ng malaman na siya ay isang Doktor at Major at doon din ay nag lakas loob na umamin si Mercedes ng
kanyang nararamdaman kay Andres ngunit parehas ng pag tingin niya kay Estrella na isang kapatid
lamang ang kanyang turing rito. Samantalang pinaghandaan ni Lily ang pag-uwi ni Andres upang ito’y
lubusang maangkin. Madalas kung pumunta si Andres sa kanilang bayan upang mag lingkod ng walang
bayad at mag bigay ng libreng gamot.
Sariling Pagbubuod
 Wakas- Dumating ang araw na umuwing hinang-hina si Andres dahil sa kawalan ng pahinga, umuwi
siya kay Lily ng lumong-lumo nang bigla itong nabagok nawalan ito ng alaala, na sinamantala naman
ni Lily at nagpakilala siyang asawa nito at lumipat sa liblib na lugar upang walang makakita.
Samantalang dumating narin ang kaniyang mga kaibigang sina Alfredo at Bill sa Pilipinas matapos ang
digmaan sa Europa. Dumating narin si Estrella bago dumating ang dalawa at napagpasyahan na
pumunta sa bahay nito. At noon nga ay mas nakilala ni Bill si Estrella at nahulog ang loob niya rito.
Samantalang si Andres ay wala paring maalala, naubos na ang pera ni Lily sa pangtustos sa kanilang
pangangailangan at nagpasyang maghanap ng Amerikanong mapipirahan. At noon nga’y nakalimutan
na niya si Andres na hindi niya alam na wala na sa kanilang bahay. Nagpalaboy-laboy ang binata
hanggang sa maaksidente ito at naalala niyang siya ay isang Doktor at ngunit hindi ang kaniyang
pangalan. Nakilala si Andres at dinala sa kanyang pinaglilingkurang pagamutan. Hindi alam ng mga
Doktor na mayroon siyang amnesia napagbintangan pa syang salarin sa pagkawala ng ilang gamut sa
pagamutan.
Sariling Pagbubuod
 Samantala sa bahay ni Estrella nalaman nilang buhay pa si Andres dahil sa letrato na pinakita
niya sa kaniyang magulang at nagtaka ang tatlo at masayang ibinalita iyon kay Alice. Sa
hukuman napatunayang may sakit nga si Andres. At nagkita ang mag kakaibigan, dinala nila
si Andres sa bahay nila Estrella upang doon mag pagaling. Si Alfredo ay tanggap na hindi na
magiging sila ni Alice sapagkat buhay pa si Andres ibinaling nalang niya ang atensiyon sa
ibang babae. Nagmamadali naman siyang pumunta ng Pilipinas noong malaman na buhay pa
si Andres. At ang pag dating ni Alice sa bahay nila ay siya namang pagkawala ni Andres,
laking pagtataka ng lahat. Lumipas ang ilang buwan ngunit hindi pa nila natatagpuan si
Andres. Samantalang nagtapat na ng pag-ibig si Bill kay Estrella at ganun din naman si
Alfredo kay Mercedes at nag pasya na ngang mag pakasal ang mga ito.
Sariling Pagbubuod
 Sa mahabang panahong pagkawala ni Andres, nagpalaboy-laboy ito at natagpuan ni Tandang
Pedro na walang malay kinupkop siya nito at ginawang katulong sa bahay na kaniyang
sinasama sa pagtitinda ng gulay sa palengke, dumating na nga ang araw ng kasal ng
kaniyang mga kaibigan. At nagkataong napadaan naman sila Tatang Pedro at Andres. Nakita
naman siya ni Alice ngunit hindi nito tiyak na si Andres nga ang nakita niya sa bilis ng
pangyayari agad siyang hinanap ng dalaga ngunit hindi siya natagpuan nito. Hanggang sa
muling magtagpo ang kanilang mga landas ng minsang nagka pulmunya si Andres at dinala
sa hospital na pinagtatrabahuhan ni Bill at Alfredo naagad naman nilang ibinalita kay Alice.
Noong malaman ni Lily na nasa pagamutan si Andres ay agad niya itong pinuntahan at
sinabing siya ang asawa nito na ikinalungkot ni Alice.
Sariling Pagbubuod
 Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na bumalik na ang ala-ala ni Andres, sumama lamang
siya kay Lily upang imbestigahan kung totoo ang papelis ng kanilang kasal at nalaman
niyang peke ang lahat ng ito, na agad naman niyang kinumprunta kay Lily. At
napagpasyahang magkapatawaran nalang at kalimutan ang lahat. Samantalang abala naman
si Alice sa pag iimpake upang makalis na ng bansa dahil ipinagpalit lamang siya ni Andres sa
iba. Pinipigilan siya ng mga kaibigan ngunit sadyang di na magbabago ang pasya ng dalaga.
Hangang sa marinig nila ang boses ni Andres na nagpabago sa pasya ni Alice at doon nga
ipinagtapat ni Andres kung ano ang totoong nangyari. Naging masaya ang lahat, at ipigtapat
rin ni Alice na si Andres ang tunay na may-ari ng klinika at siya ay katiwala lamang.
Maraming Salamat po!!!

You might also like