Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Ang Kultura ng

mga Lalawigan sa
Kinabibilangang
Rehiyon
• Ang mga mamamayan sa ating rehiyon ay may
mga nakagawiang nagpasalin-salin mula pa sa
ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan.
• Malaki ang naging impluwensya nito sa paraan ng
ating pananamit, pagkain, kaugalian, paniniwala
sining at iba pa.
• Ang mga ito ay maaaring pagbatayan ng mga
kabutihang- asal. Kung kaya’t nararapat natin
itong panatilihing buhay sapagkat dito nasasalig
ang ating pagkakakilanlan at kaisahan.
Ano ang kultura?
• Ang kultura ng isang lugar ay binubuo ng mga
katangi-tanging kaugalian, tradisyon at
paniniwala, mga pagdiriwang, kagamitan,
kasabihan, awit, sining, at iba pa.
• Sa kultura nakikilala ang isang lugar at ang
kanyang mamamayan.
Dalawang uri ng
kultura
• Materyal na Kultura
• Mga bagay na nakikita, nahihipo o
nahahawakan gaya ng kasuotan, kasangkapan,
pagkain, tirahan, palamuti sa bahay at sa
katawan at iba pa.
Materyal na Kultura
• Mga Kasangkapan
• Mga bagay na di-nahahawakan gaya ng awit,
sayaw, sining at panitikan, mga tradisyon,
kaugalian, paniniwala, edukasyon,
pagpapahalaga, pamahalaan, at iba pa.
Materyal na Kultura
• Pagkain
• Karaniwang nanggagaling sa dagat, ilog, mga
punongkahoy, at halamang ugat sa kagubatan
ang pagkain ng ating mga ninuno.
Materyal na Kultura
• Pagkain
• Kinikilala ang lalawigan ng Pampanga bilang
Culinary Capital of the Philippines dahil
pinagpala ito sa magagaling at masasarap
magluto ng iba’t ibang putahe. Samantala,
tanyag ang tinapa o pinausukang isda ng
lalawigan ng Bataan.
Materyal na Kultura
• Mga kasuotan
• Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga
ninuno noon. Nagkakaiba-iba ang kanilang
kasuotan ayon sa pinagmulan, kalagayan sa
buhay, at pag-aangkop sa klima ng kapaligiran
ng mga tao. Tingnan ang mga paglalarawan sa
kanilang kasuotan.
Materyal na Kultura
• Tahanan
• Walang naging tiyak na tirahan ang ating mga
ninuno. Nomadic o nagpalipat-lipat sila ng
tirahan at kung saan-saan sila napadpad. Batay
sa mga pananaliksik ng mga mag-aaral at
dalubhasa sa pinagmulan ng tao, nanirahan din
sila sa loob ng kuweba.
Materyal na Kultura
• Tahanan
• Sa paglipas ng panahon, natuto silang gumawa
ngisang palapag na bahay na yari sa pawid,
kahoy, kawayan, sawali at kugon. Ang sahig ay
yari sa kawayan at naka-angat sa lupa. Ang
silong ng bahay ay imbakan ng mga panggatong,
kagamitan sa pagsasaka at kulungan ng mga
alagang hayop.
Dalawang uri ng
kultura
• Kulturang Di-Materyal
• Mga bagay na di-nahahawakan o di-nahihipo
gaya ng awit, sayaw, sining at panitikan, mga
tradisyon, kaugalian, paniniwala, edukasyon,
pagpapahalaga, pamahalaan, at iba pa.
Kulturang Di-Materyal
• Edukasyon
• Ang karanasan sa pang-araw-araw na pamumuhay sa kanilang
kapaligiran ang unang nagsilbing pagkatuto ng ating mga
ninuno. Natuto rin silang sumulat at bumasa. Katunayan dito
ang kasulatan na natagpuan sa bunganga ng ilog ng Lumbang
sa Laguna. Ito ang tinatawag ngayon na “Kasulatan sa Tanso
ng Laguna”, ang pinakalumang kasulatan na nahanap sa
Pilipinas.
• Ang mga babae ay tinuturuan ng kanilang ina ng gawaing
pantahanan.
• Ang mga titik at salita ay unang naintindihan at nasalin ng isang Dutch
antropologo na nag-ngangalang Anton Postma. Ang mga titik ay hango sa Kawi
script, at ang wika ay halong Lumang Sanskrit, Lumang Malay, at Lumang
Javanese o Lumang Tagalog.
• Sinasabi sa kasulatan na ito ay isinulat noong taon ng Siyaka 822, buwan ng
Waisaka, na pumapatak sa Lunes, 21 Abril 900 CE sa kalendaryong Gregoryo.
• Nakasaad sa kasulatan na simula nang araw na iyon, si Dayang (Binibini)
Angkatan at ang kanyang kamag-anak na si Bukah, na parehong mga anak ng
Kagalang-galang na si Namwaran, ay pinatawad ng Punong Pangkalahatan ng
Tundun (na ngayon ay Tondo) mula sa kanilang mga pagkaka-utang.
• Ang kanilang utang ay 1 kati at 8 suwarma (856 grams ng ginto). Ang kasulatan
ay para sa kahit sino mang magsasabi na may utang pa ang mga ito.
Kulturang Di-Materyal
• Kaugalian
• Maraming kaugalian ang ating mga ninuno. Isang
halimbawa, bago mag-asawa ang lalaki siya ay
naninilbihan muna sa pamilya ng babaeng ibig
niyang mapangasawa. Siya ay umiigib ng tubig,
nagsisibak ng kahoy at tumutulong sa
pagbubungkal ng lupa. Isa ring kaugalian ang
paghaharana sa babaeng nililigawan.
Kulturang Di-Materyal
• Pamahalaan
• Noon pa man ay may kaalaman na sa pamamahala ang
ating mga ninuno. Barangay ang tawag sa kanilang
pamayanan na nagmula sa salitang balangay. Binubuo
ito ng tatlumpo hanggang isandaang pamilya. Ang datu
ang kanilang pinuno ngunit tinutulungan sila ng
pangkat o konseho ng mga matatanda na tinatawag na
maginoo. Sila ang nagbibigay-payo sa datu. Ang datu
ang nagpapatupad ng mga itinakdang batas.
Kulturang Di-Materyal
• Paniniwala at Relihiyon
• Bathala ang tawag sa itinuturing na Panginoon
ng ating mga ninuno. Itinuturing nila itong
pinakamakapangyarihan sa lahat.
Naniniwala silang may lugar na pinupuntahan
ang mga kaluluwa.
Kulturang Di-Materyal
• Naniniwala rin sila sa
kapangyarihan ng iba’t
ibang ispiritwal na
tagabantay tulad ng diwata
at anito.
Kulturang Di-Materyal
• Sining at Agham
• Ang pagkahilig nila sa sining
ay ipinakikita sa mga batok
o tattoo nila sa katawan.
Ang tattoo ay mahalagang
simbolo ng kagitingan para
sa ating mga ninuno.
Kulturang Di-Materyal
• Sining at Agham
• Sa ating rehiyon, kinikilala bilang isa sa mga
natatanging sining ng lalawigan ng Bulacan ang
singkaban. Ito ay arko na yari sa kawayan.
Kulturang Di-Materyal
• Wika
• Tagalog ang gamit na wika sa lalawigan ng
Bataan at Bulacan. Ginagamit din ito sa ilang
bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Zambales,
Pampanga at Tarlac. Ginagamit din sa ilang
bahagi ng mga lalawigang ito ang Ilokano at
Kapampangan.
Kulturang Di-Materyal
• Wika
• Kapampangan ang pangunahing wika sa
Pampanga at sa ilang bahagi ng mga lalawigang
malapit dito. Ang malaking bahagi ng Zambales
ay gumagamit ng wikang Sambal.
Kulturang Di-Materyal
• Wika
• Ang Tarlac na kinikilala bilang Melting Pot of
Central Luzon ay may lima na wika. Ito ay ang
Tagalog, Pangasinense, Kapampangan,
Ilokano at Sambal.
Kulturang Di-Materyal
• Makikita rin sa ating mga katutubong
awitin ang pagmamalaki natin sa ating
wika. Sa Pampanga, kinikilala bilang
pinakasikat na katutubong awit ang
Atin Cu Pung Singsing.

You might also like