Edukasyon Sa Pagpapakatao 4: Ingatan Natin, Pasilidad Na Gagamitin

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa

pagpapakatao
Aralin 5: 4
Ingatan natin,
Pasilidad na
gagamitin
2

Alamin natin!

➢ Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa


mga sumusunod na sitwasyon: paggamit
ng pasilidad ng paaralan nang may pag-
aalala sa kapakanan ng kapwa tulad ng
palikuran, silid-aklata at palaruan
➢ Pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-
ayang kapaligiran bilang paraan ng
pakikipagkapwa-tao
v
3

Subukin natin!
Basahin ang bawat sitwasyon o gawain.
Lagyan ng tsek ( √ ) ang kolum ng
iyong sagot.

Mga Gawain Palagi Minsan Hindi


1. Maingat kong ginagamit ang palikuran ng aming paaralan.
2. Iniiwasan ko ang pagsulat sa mga pader ng palikuran.
3. Itinatapon ko sa tamang lalagyan ang mga basura ng aking
pinagkainan kapag ako ay namamasyal sa parke.
4. Tinitiyak kong malinis ang gymnasium/court matapos ko 4
itong gamitin sa pagpapraktis at paglalaro.
5. Sinusunod ko ang mga alituntunin nang maayos at
maingat na paglalaro sa palaruan.
6. Pumipila ako nang maayos sa tuwing bibili ako sa kantina.
7. Sinusunod ko ang mga alituntunin sa silid-aklatan para sa
tamang paggamit nito.
8. Binabalutan ko ang mga batayang aklat na pinapahiram sa
akin.
9. Maingat kong binubuklat ang mga pahina ng aklat sa silid-
aklatan.
10. Isinasalansan ko ang mga sa tamang lalagyan ang mga
aklat.

Bilangin ang dami ng mga gawain na palagi,


minsan, at hindi ginagawa.
Nasiyahan ka ba sa naging resulta?
Balikan natin!
Sa paanong paraan mo naipakita ang paggalang sa iba?
 Bakit mahalaga ang paggalang sa ating kapuwa?
Isulat sa maikling talata ang iyong pahayag tungkol dito.
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_______________________
Tuklasin natin!
6

Anong lugar sa loob ng inyong paaralan ang nais mong puntahan araw-araw?
Bakit? Tayo na at pasyalan natin ito. Magkaroon tayo ng “Gallery Walk” sa pamamagitan
ng magsusuri sa mga ipinakitang mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa mga ito?

Silid-
Paaralan aklatan
palikuran Palaruan
7

Talakayin natin!
Awitin sa himig ng
“ Magtanim ay Di
Biro”
Tayo na sa paaralan
Masaya, may paggalang Halina, halina sa paaralan
Pasilidad ay gamitin Tayo ay magsipag-aral
Ingatan mga kagamitan
Ingatan at linisin.
Para sa kapuwa at bayan!

Palikuran ay buhusan
Aklat ay isalansan
Kalat ay ‘wag hayaan
Sa kantina ay maiwan.
8

Mga tanong:
1.) Ano-ano ang mga pasilidad na binanggit sa awitin?
2.) Kaninong pag-aari kaya ang mga pampublikong pasilidad?
3.) Paano mo iingatan ang mga ito?
4.) Ano ang mga alituntunin sa tamang paggamit ng mga pasilidad?
5.) Sinusunod mo ba ang mga alituntunin sa mga pampublikong
pasilidad? Bakit?
6.) Paano mo mapanatiling tahimik, malinis at kaaya-aya ang ating
kapaligiran?
7.) Paano ka makakatulong sa pag-aalaga
ng mga pasilidad?
8.) Bakit mahalaga na maging maayos sa
paggamit ng mga pasilidad?
Pagyamanin natin!
9

Gawain 1: Piliin sa loob ng kahon ang mga pasilidad na


tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang letra lamang.
A. Silid-aklatan
B. Palikuran ______1.) Buhusan ito pagkatapos gamitin.
C. Palaruan
______2.) Panatilihing tahimik habang nagbabasa.
D. Kantina
E. Silid-aralan ______3.) Pumila nang maayos, huwag makikipagtulakan
sa pagbili.

______4.) Bawal pitasin ang mga bulaklak at tapakan


ang damuhan.

______5.) Bawal magsulat sa pader habang nag- aaral.


10
Gawain 2: Iguhit ang isang tahimik at malinis na
kapaligiran/pasilidad. Magsulat ng dalawang pangungusap
tungkol dito.

v
11

Tandaan natin!
Basahin at unawain ang konsepto. Magbigay ng
tatlong pangungusap tungkol sa iyong
Bawat naunawaan
mag-aaral ay may karapatan sa pagkakaroon dito.
ng maayos at kaaya-ayang
pasilidad maging sa pribado o pampublikong paaralan.
 
Ang mga pasilidad na ito tulad ng silid-aklatan, silid-aralan, palikuran, palaruan,
kantina, gymnasium, laboratoryo at iba pa ay nakakatulong sa kaganapan ng pagkatuto ng
mga mag-aaral. Nararapat lamang na ang mga ito ay ingatan at gamitin sa wastong paraan.
Ang pagsasaalang-alang sa iba pang taong gagamit ng bawat pasilidad ay nakatutulong
upang mapanatili ang maayos at malinis na pasilidad. Ito rin ay paraan ng pakikipagkapwa-
tao.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________
v
Isabuhay natin!
12

v Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon:


 A.) Namasyal kayo ng iyong kaibigan sa palaruan ng inyong
paaralan/parke. Matapos ninyong maglaro ay kumain kayo. Ano ang
gagawin ninyo sa mga pinagkainan? Bakit?
 
B.) Magbigay ng tatlong mga tuntunin na palagi mong sinusunod sa
paggamit sa mga sumusunod
v na pasilidad:
• Palaruan
__________________________________________________________________________

• Silid-aklatan 
______________________________________________________________
• Palikuran
_______________________________________________________________
Tayahin natin! v 13

v Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap.


Lagyan ng hugis puso kung ito ay wastong pagpapakita ng paggamit ng
mga pasilidad sa paaralan at hugis bilog kung mali.
______1. ) Pagsusulat sa pader o bakod. v
v ______2.) Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan.
______3.)Pag-iwas sa pamimitas ng mga bulaklak sa parke.
______4.) Paglalaro sa halamanan sa palaruan.
______5.) Pagbubuhos ng palikuran pagkatapos gamitin. v
______6.) Binabalik sa tamang lalagyan ang mga aklat.
______7.)BInubulsa muna ag maliliit na basura kapag walang makitang
basurahan.
______8.) Iniiwan ang mga pinagkainan sa palaruan.
______9.) Sinasaway ang mga batang nagkakalat sa daanan ng paaralan.
______10.) Iniwanang marumi ang palikuran.
14

Gawin natin!
Sumulat ng isang slogan tungkol sa tamang pangangalaga ng
mga pasilidad. Maging orihinal sa iyong pagsusulat.
Halimbawa:
“Pampublikong pasilidad ay gamitin, ito’y atin kaya’t alagaan
natin, Upang patuloy na pag-unlad ng bayan ay kamtin.”

You might also like