Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Tungkulin ng

mga
Taong Bumubuo
sa Paaralan
Nelly D. Trapsi
Makinig at unawain ang tula.

Sa Paaralan
ni Nelly D. Trapsi

Sa paaralan ay may mga tao kang makikilala


Gawain nila ay magkakaiba
Pag-unlad ng paaralan
Lagi nilang inuuna
Punongguro kung tawagin
Namumuno sa paaralan
ng buong galing
Mga desisyon ay kanyang pinag-
iisipan
Para sa ikagaganda ng
paaralan.
Mag-aaral ay walang sawang tinuturuan
Ng mga gurong sa kanila ay nagmamahal
Sinisigurong sila ay may
natutunan
Bago umuwi ng tahanan.
Sa paaralan siya ay laging naghihintay
Sa pagtawid mo ay
handang umalalay
Ang Guwardiya ng
paaralan
Na may malasakit na
‘di matatawaran.
Masipag na Dyanitor
laging nagwawalis
Kaya’t paaralan ay laging
malinis
Hardin ay laging iniimis
Kaya’t sa paningin
ay kanais-nais.
Mag-aaral, tawag sa mga bata sa paaralan
Tungkulin ang sumunod sa mga patakaran
Sa aralin dapat listo, kahit minsan ay magulo
Pagkat tungkulin ay ang matuto
Sagutin ang mga pamatnubay na
tanong.

1. Ano ang pamagat ng tula?


Sa Paaralan
2. Sino-sino ang mga taong
binabanggit sa tula?
Punongguro, guro,
guwardiya, dyanitor at
mga mag-aaral.
3. Pare-pareho ba ang
tungkuling ginagampanan nila
sa paaralan?
Hindi. Magkakaiba ang
kanilang mga gawain.
Ang mga taong bumubuo sa paaralan ay
may kani-kaniyang tungkulin na
ginagampanan.

1.Punongguro
Ang punong guro ang pinuno sa
paaralan. Tinatawag din siyang
principal.
2. Mga guro
Ang mga guro naman ang nagtuturo
sa mga mag-aaral.
3. Guwardiya
Ang guwardiya ang nangangalaga sa
kaligtasan
ng tauhan sa paaralan.
2. Mga guro
Ang mga guro naman ang nagtuturo
sa mga mag-aaral.
3. Guwardiya
Ang guwardiya ang
nangangalaga sa kaligtasan ng
tauhan sa paaralan.
4. Dyanitor
Ang dyanitor ang nagpapanatili
ng kalinisan at kagandahan ng paaralan.

5. Mag-aaral
Tungkulin naman ng mga mag
-aaral ang mag-aral mabuti at sundin ang mga
patakaran ng paaralan.
Lahat ng mga taong nabanggit ay may
mahalagang ginagampanan sa ating paaralan.
Nagtutulong-tulong sila upang mapanatili ang
kagandahan at kaayusan sa paaralan.
Sa gayong paraan magiging
makabuluhan, ligtas at masaya ang
pananatili ng mga mag-aaral sa
paaralan.
Tukuyin kung sino ang tauhan ng paaralan ang
tinutukoy sa bawat tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Sino ang nagtuturo sa mga bata sa paaralan?


a.guro b. dyanitor c. punongguro
Sagot: a. guro
2. Siya ang pinuno ng paaralan?
a.guro b. dyanitor c. punongguro
Sagot: c. punongguro

3. Siya naman ang nagpapanatili ng


kalinisan at kagandahan ng paaralan?
a.guro b. dyanitor c. punongguro
Sagot: b. dyanitor
4. Siya ang pinuno ng paaralan?
a.guro b. dyanitor c. punongguro
Sagot: c. punongguro

5. Siya ang nangangalaga sa kaligtasan ng


mga tauhan ng paaralan?
a.guro b. dyanitor c. guwardiya
Sagot: c. guwardiya
Maraming
Salamat

You might also like