Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

BALIK ARAL

LAYUNIN

1.Nagagamit ng wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna


at wakas ng isang akda

2.Nabubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at pantulong


na kaisipan
 
MGA SALITANG HUDYAT
(SIMULA,GITNA AT WAKAS); PANGUNAHIN
AT MGA PANTULONG NA KAISIPAN
 
SIMULA
Maaaring simulan ito sa: Noong unang ___, Sa simula pa lamang, at iba
pang pananda sa pagsisimula. 
HALIMBAWA:

 Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si


Juana at si Aging. Sila ay labis na nagmahalan ngunit tutol ang mga
magulang ni Juana sa kanila. Gayun pa man di ito alintana ni Juana.
Patuloy pa rin siyang makipagkita kay Aging. (Alamat ng Saging) 
GITNA
 Maaaring gamitin ang: kasunod, pagkatapos, walang ano-ano’y, at iba
pa na naghuhudyat ng kasunod na pangyayari. 
HALIMBAWA:

 Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda
na siya at mabalasik ang mukha . Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni
Prinsesa Alindaya, Prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa
kanya.( Alamat ng Bundok Pinatubo)
WAKAS

Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas, o iba pang panandang


naghuhudyat ng makahulugang pagtatapos. 
HALIMBAWA:

 Naakit ang lahat sa halimuyak ng bango ng mga bulaklak ng puno. Simula noon ay lagi
na lamang umiiyak si Edo habang nakabantay sa puno at sinambit ang pangalang…
“Ilang, Illang, Ilang”, Simula noon tinawag ang bulaklak na Ilang-Ilang. (Alamat ng
Ilang Ilang)
 
ANG SANAYSAY AY ISANG MAIKLING KOMPOSISYON NA
KALIMITANG NAGLALAMAN NG PERSONAL NA OPINYON
NG MAY-AKDA. 
 
ELEMENTO NG SANAYSAY:

Talata – binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay. Ito


ay binubuo ng pangunahing paksa (PP) at mga pantulong na detalye (PD). 

Diwa – ang kaisipan na binibigyang diin at pundasyon sa isang talata. Dito


umiinog ang kabuluhan ng isang sulatin. 

Pangunahing Paksa – Ito ay tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ito ang


pinakapundasyon ng isang buong talata. 
MGA PANTULONG NA KAISIPAN –

MAHAHALAGANG KAISIPAN O MGA SUSING


PANGUNGUSAP NA MAY KAUGNAYAN SA PAKSANG
PANGUNGUSAP.
 
HALIMBAWA: 

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema nang dahil sa salapi.


Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid.
Mahilig din siyang lumabas sa gabi upang magsugal kung kailan naman ako ay
tulog na. Napapadalas din ang pagsakit ng aking dibdib dahil sa paulit-ulit naming
sagutan. Naaapektuhan na ang aming mga anak dulot ng aming palagiang
bangayan. Bukod dito, madalas ay hindi na nabibigyan ng pambaon ang mga bata
dahil sa madalas kaming kinakapos. Mahirap ang buhay may asawa lalo kung
walang pakikiisa’t pagtutulungan.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang  talata tungkol sa buhay at
sagutan ang  mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
 
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2.

Panuto: Sumulat ng isang sariling kuwento tungkol sa karanasang hindi mo


makakalimutan gamit ang mga salitang hudyat sa panimula, gitna at wakas.
 
MGA HAKBANG:

UMISIP NG ISANG KARANASAN NA HINDI MO MAKAKALIMUTAN.


GUMAMIT NG SALITANG HUDYAT SA PANIMULA, GITNA AT WAKAS.
 
MGA PAMANTAYAN:
1.MAY NABUONG DIWA        = 10 
2.PATALATA                            = 30
3.MALIKHAIN                          =  10
4. KABUUAN                       50 PUNTOS
 

You might also like