Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag.

Piliin ang letra ng tamang sagot


at isulat sa hiwalay na papel.
1.“Tigilan mo nga ako Elias, puro ka na lang bola.” Ang ibig sabihin ng salitang
may salungguhit sa pangungusap ay _____.
A. pagbibiro B. paglalaro C. pangungutya D. bagay na ginagamit sa paglalaro
2.Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang
kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap ay _____.
A. bayarin B. kaukulang bayad C. pautang D. utang
3.Ito ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan.
A. kaginhawahan B. kaguluhan C. kalungkutan D.
kasiyahan
4.Nagsakripisyo ang iyong magulang upang makapag-aral ka, pawis at dugo
ang kanilang ipinuhunan. Ang pagpapakahulugang ginamit sa pangungusap ng
mga salitang pawis at dugo ay _____.
A. Espirituwal B. metaporikal C. literal D. simboliko
5.Siya ay anghel sa aking paningin. Ang metaporikal na kahulugan ng salitang
anghel ay ____.
A. alipin B. matulungin C. maganda D. mapagmahal
6.Ito ay isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral at ang mga pangyayari ay
maaaring maganap sa totoongbuhay.
A. Anekdota B. pabula C. parabula D. talambuhay
7.Ito ang higit na dapat malinang sa isang tao sa pagbabasa ng parabula.
A. dignidad B. espirituwal C. kabutihan D. personalidad
8.Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho
ninyo ang aming upa?” Ang pahayag ay nagpapakita ng _
A. kabutihang-asal C. walang kasiyahan
B. Pagigingmatulungin D.pagigingmapanumbat
9.“Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli”, ito ay isang pahayag sa parabula na
nangangahulugang
A. Mahalaga ang oras sa paggawa
B. Lahat ay may pantay-pantay na Karapatan
C. Ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis
10. Ito ay patunay na nangyayari sa totoong buhay ang pahayag na, “Maitutulad sa isang
taong lumabas nang maagangmaaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang
ubasan.”
A. May mga taong naghahanap ng mauutusan
B. May mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. May mga taong handang tumulong nang buong-puso sa mga nangangailangan
D. May mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan
Concept web
maikling kuwento na
hango sa bibliya

kapupulutan
matalinhaga PARABULA ng gintong-aral

may paglalarawan/paghahambing

You might also like