Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Panginoon gabayan mo po kami na maging

bukas ang mga puso at isipan sa itinuturo ng


aming mga guro at maisagawa namin ng maayos
ang aming mga gawain ng buong husay at talino.
Patnubayan nyo po kami sa araw araw at naway
mapatawad mo po kami sa aming mga
pagkakasala. Ang lahat ng ito ay dinadalangin
namin sa pangalan ni hesus.
Amen.
“BAYANItaan”

Sino ang tampok na bayani ngayong buwan?.


Miguel Malvar
Balik- aral
“KAHON NG KATANUNGAN”
Habang tumutugtog ang musika ay
magpapasahan ang mga bata ng kahon. Kapag
tumigil na ang tugtog, kung sino ang batang may
hawak ng kahon ay kukuha ng isang tanong na
nasa loob ng kahon. Sasagutin ng mag aaral ang
katanungan.
Paghahabi sa Layunin
“Jig Saw Puzzle “
Tumawag ng tatlong pares na mga
mag aaral. Bawat pares ay mag-uuna-
unahan na buuin ang puzzle pieces sa
loob ng envelope.
• Larawan ng :
a.) Datu b.) Maharlika c.) alipin
Mga Antas
Panlipunan ng
Sinaunang
Pilipino
Mga Dapat Gawin sa Oras ng Klase
Makinig sa Guro
Maging aktibo
Panatilihin ang katahimikan at kaayusan ng bawat
isa.
Kilala nyo ba ang mga
namumuno sa ating
Lipunan?
President
Rodrigo Duterte

Mayor
Edna Sanchez

Kapitan
Luis hernandez
Antas panlipunan ng mga Sinaunang
Pilipino

Maginoo at Datu Maharlika at Timawa Alipin at Oripon

.
Maginoo at Datu
Ang pinakamataas na antas ng tao
sa lipunang Tagalog at Bisaya. Maaaring
maging datu ang isang kasapi ng
barangay sa pamamagitan ng katapangan,
katalinuhan, pagmamana o kayamanan.

Nasusukat ang yaman ng isang datu


sa dami ng kaniyang alipin, dami ng
kanyang pagmamay-aring ginto at ng
kaniyang pamilya, at lawak ng kaniyang
pagmamay- aring lupain. Simbolo ang
ginto ng mataas na katayuan sa
sinaunang lipunan.
DATU
Maharlika at Timawa
Tinatawag na bagani ang mahuhusay
na mandirigma. Marami sa mga ito ay
mula sa pangkat ng mga maharlika.

Tungkulin ng mga maharlika ang


tulungan ang datu sa pagtatanggol at
pagpapanatili ng kapayapaan sa
barangay. Wala silang pananagutang
magbayad ng buwis sa datu.
MANDIRIGMA
Ang mandirigmang Bisaya ay nakilala sa
kanilang tato sa katawan. Naipakita sa dami ng
tato sa kanilang katawan ang bilang ng mga
napaslang nilang kaaway.

Ang pinakamatapang na mandirigmang tagalog


naman ay nakilala sa suot nyang pulang putong o
maliit na pirasong tela sa kanyang ulo.
Ang timawa ay malalayang tao at
mga taong lumaya mula sa
pagkaalipin. Kabilang din sa kanila ang
ang inanak o inapo ng mga datu mula
sa kanilang ikalawang asawa.
Maaaring magmay-ari ng lupa
ang timawa. May karapatan din siya sa
kita ng kanyang ani nang hindi
nagbibigay ng tributo sa datu.
Tungkulin naman ng timawa na sundin
ang ano mang utos ng datu, tulad ng
pagtulong sa pagtatanim at pag-aani ng
sakahan, pangingisda, pagsama sa
paglalakbay at pagsasagwan ng bangka
nito.
T
I
M
A
W
A
Sa lipunang Bisaya, nagbabayad ng buwis ang mga
timawa, ngunit may karapatan silang lumipat sa datung
pinaglilikuran. Ang mga timawang naglingkod sa datu
ay hindi nagtrabaho sa bukid at hindi rin nagbayad ng
tributo. S a halip, ang mga timawang ito ay nagsisilbing
kasama ng datu sa digmaan, tagasagwan ng bangka,
tagatikim ng alak ng datu, o sugo sa pakikipagkasundo
sa kasal ng mga anak ng datu.
Alipin at Oripun
Ang alipin (sa mga Tagalog) at oripun (sa mga Bisaya) ang
bumuo sa pinakamababang antas panlipunan noong sinaunang
panahon.

Mga Dahilan sa Pagkakaalipin.

1.Kaparusahan sa krimen at kawalan ng bayad sa nagawang krimen


2.Nahuling pumasok sa teritoryo ng datu
3.Tinubos ng tao (tagalog) sa pagkakautang o krimen na nagawa.
ALIPIN at
ORIPUN
Dalawa ang uri ng alipin sa mga
tagalog at tatlo naming uri ng oripun
sa mga Bisaya
Uri ng Alipin (Tagalog) Uri ng Oripun (Bisaya)

Aliping Namamahay Ay u e y
 Pinakamababang pangkat ng oripun
 Nakatira sa sariling bahay  Naninilbihan kailanman naisin ng datu
 Nagbigay ng taunang tributo
 Tumulong sa paghahanda ng mg a Tumarampuk
kakailanganin sa paglalakbay ng  Naninilbihan ng isang araw sa isang
datu linggo sa datu
 Katulong sa pagdaraos ng m g a  Maaaring magbayad ng palay kapalit
pagtitipon at ng kaniyang paninilbihan
maaaring magkaroon ng sariling
Tumataban
ari-arian  Nanilbihan sa datu tuwing m ay piging
o pagtitipon.
Aliping Saguiguilid
 Nanirahan sa tirahan ng D atu
 Nagsilbi araw at gabi sa datu
 Hindi maaaring magkaroon ng sariling
ari- arian
Ang isang alipin ay maaring manatiling alipin
habambuhay. Ito ay kung ang alipin ay ipinagbili ng
kanyang mga magulang dahil sa kahirapan o
matinding pangangailangan.

Maaari ding umangat sa pagiging timawa ang isang


alipin sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:

1.Mabayaran ang kanyang pagkakautang.


2.Nakompletoang isang kautusan o kasunduan
3.Natubos ng ginto ang kaniyang kalayaan.
Sa sinaunang lipunang Filipino, nabibigyan ng pagkakataon
ang bawat taong kabilang sa mas mababang antas na
gumawa ng mga hakbang upang mapabuti ang sariling
kalagayan sa buhay. Ang napapabilang sa mababang antas
ay hinihikayat na magsumikap upang makaangat ng antas at
matamasa ang pribilehiyong kaakibat nito. Gayundin ang mga
nasa mataas na antas ay nagsumikap ding manatili sa antas
na kanilang kinabibilangan. Ang mga taong hindi
nakababayad ng utang o mga taong nagkaroon ng
pagkakasala ay maaaring mapalipat sa mababang antas
kaya’t magiging mas maingat ang mga taong hindi gumawa
ng masama upang hindi mawalan ng mga pribilehiyo.
Pagpapahalaga

Nararapat bang ikahiya o


ipagmayabang mo ang iyong
katayuan sa lipunan?

Bakit?
Mga dapat gawin sa Pangkatang
Gawain
1.Maging aktibo sa gawan ng pangkat

2.Magbahagi ng mga ideya sa pangkat.

3.Panatilihin ang katahimikan at kaayusan ng bawat


pangkat.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Katumbas na
Mga Batayan marka
Naibigay ng buong husay
ang hinihingi ng takdang
Nilalaman paksa sa pangkatang gawain 25

Buong husay at malikhaing


naiulat at naipaliwanag ang
Presentasyon pangkatang Gawain sa klase 25
Naipamalas ng buong
miyembro ang pagkakaisa sa
Kooperasyon paggawa ng pangkatang 25
gawain
Natapos ang pangkatang
Gawain ng buong husay sa
Takdang Oras loob ng itinakdang oras 25
KABUUAN 100
Group Activity ( Task Card)
Pangkat 1
“I-RAP MO AKO”

Gumawa ng
maikling rap na
nagpapakita ng ibat
ibang antas ng
lipunanan
Pangkat 2
“ALIN ALIN ANG NAIBA”

Isa isahin ang


pagkakaiba ng aliping
saguiguilid at aliping
namamahay
Pangkat 3
“IGUHIT MO AKO”

Iguhit ang larawan


ng pinakamataas na
namumuno sa
sinaunang lipunan.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
Mga Batayan Group 1 Group 2 Group 3
Nilalaman
Naibigay ng buong husay ang hinihingi 25 25 25
ng takdang paksa sa pangkatang
gawain

Presentasyon
Buong husay at malikhaing naiulat at
naipaliwanag ang pangkatang Gawain 25 25 25
sa klase

Kooperasyon
Naipamalas ng buong miyembro ang
pagkakaisa sa paggawa ng pangkatang 25 25 25
gawain

Takdang Oras
Natapos ang pangkatang Gawain ng 25 25 25
buong husay sa loob ng itinakdang
oras

100 100
KABUUAN 100
Paglalahat
Ano-ano ang mga antas ng tao
sa sinaunang lipunan?

Ilarawan ang bawat isa.


Maginoo at Datu
- pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya

 Maharlika at Timawa
- malalayang tao na kinabibilangan ng mga abayani at mga
mandirigma.

 Alipin o Oripun
- mga bumubuo sa pinakamababang antas panlipunan noong
sinaunang panahon.
Pagtataya
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel .
Datu Maharlika Alipin
Namamahay Saguiguilid
_________1.
ALIPIN Pinakamababang antas ng tao sa lipunan

__________2.
MAHARLIKA Antas ng tao na kung saan nabibilang ang mga bagani at mga
mandirigma

__________3.
NAMAMAHAY Uri ng alipin na nakatira sa sariling bahay.

__________4.
SAGUIGUILID Uri ng alipin na naninirahan sa datu.
__________5.
DATU Pinakamataas na antas ng tao sa lipunan
Takdang Aralin
Sumulat ng sanaysay
tungkol sa mga antas ng
sinaunang Pilipino sa
lipunan. Isulat ito sa
inyong notebook.

You might also like