Batayang Kaalaman Sa Metodolohiya Sa Pananaliksik - Panlipunan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

Batayang Kaalaman sa

Metodolohiya sa
Pananaliksik –
Panlipunan
Bb. Lorie Ann B. Austria
Part-time Faculty, CAS
FILDIS Instructor
 Metodolohiya - tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga
suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik o mga paraan na
ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng datos/impormasyon
 Ayon kay Walliman (2011) - pinakakilalang manunulat hinggil sa
praktika ng pananaliksik, ang mga metodo ng pananaliksik ay
tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng
datos upang makabuo ng mga konklusyong mapaninindigan. Ito
ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na kailangang
itakda sa pasimula pa lamang ng pag-iisip ng paksa.
WALONG PROSESO NA MAAARING ISAGAWA SA PANANALIKSIK
1. Pangkategorya o Kategorisasyon – pagbubuong tipolohiya o set ng
mga pangalan o pagkakapangkat-pangkat ng mga bagay,
pangyayari, konsepto at iba pa.
2. Paglarawan o Deskripsyon – pagtitipon ng mga datos batay sa
obserbasyon.
3. Pagpapaliwanag – prosesong higit pa sa simpleng paglalahad ng
datos o impormasyon.
4. Pagtataya o Ebalwasyon – pagsusuri sa kalidad ng mga bagay,
pangyayari at iba pa.
5. Paghahambing o Pagkukumpara – pagsusuri ng pagkakatulad at pagkakaiba
ng ibang bagay at iba pa.
6. Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o Korelasyon – pag-iimbestiga
kung nakakaimpluwensya ba ang isang penomenon sa isa pa, at kung
nakakaimpluwensya sa paanong paraan o paano?
7. Paglalahad/Pagbibigay ng prediksyon – paglalarawan sa posibleng mangyari
sa isang bagay, penomenon at atbp.
8. Pagtatakda ng kontrol – paglalahad ng mga paraan upang ang isa o higit pang
bagay ay maisailalim sa control ng mga tao/ mananaliksik tungo sa mga
epektibo at/o mas ligtas na paggamit nito.
SAMPUNG DISENSYO NG PANANALIKSIK
1. historikal
2. deskriptibo
3. korelasyon
4. komparatibo
5. eksperimental
6. simulasyon
7. ebalwasyon
8. aksyon
9. etnolohikal
10. kultural
Tatalakayin sa yunit na ito ang mga karaniwan at
mas tiyak na pamamaraan metodo ng pananaliksik
sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
Nilalaman
1 2 3
Pagmamapan Etnograpiya Pananaliksik
g na
kultural, leksikograpik
ekonomiko 4 5 o
atbp. Video SWOT
documentatio Analysis
n
Nilalaman
6 7 8
Literature Pagtatanung Participant
review tanong, observation 
obserbasyon,
9 interbyu, 10
Kwentong- FGD Secondary
Buhay atbp. data
analysis
Nilalaman
11 12 13
Eksperimenta Case study Aksyong Pananaliksik/
l na Action research
Pananaliksik
14 15
Pagsusuri ng Comparative
document Analysis
Nilalaman
16 17 18
Discourse Content Saliksik-arkibo
analysis analysis (archival research) 
19
Pagsasagawa
ng
survey
Pagmamapang kultural, ekonomiko atbp.
 Cultural Mapping - Moore at Borrup (2008), ay proseso ng
pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura
na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko, sa paarang
pasukat o biswal na imbentaryo.
 Ang pagmamapa ay sumasaklaw na rin sa pagtatalakay sa
koneksyon ng aspektong kultural, politikal, historikal at
ekonomiko sa isang partikular na espasyo, lugar o rehiyon.
PAGMAMAPA NG PAGBABAGONG HEOGRAPIKAL, HISTORIKAL AT KULTURAL NG QUIAPO
ni Jemma Pamintuan sa Plaridel Journal (2006)

Abstrak: Tinatalakay sa sanaysay na ito ang historikal at heograpikal na pagbabago sa


Quiapo, gamit ang pantubig na halamang “kiyapo” bilang metapor. Ang huli ay tumutulong
magpakahulugan at magpakita ng sitwasyon sa Quiapo na noon ay sentro ng negosyo at
kultura at ngayon ay tirahan na ng mga nasa impormal na sektor tulad ng mga nagbebenta
ng mga pinirata o kinopyang pelikula at musika. Sinusuri ng sanaysay na ito kung paanong
ang isang lugar sa loob ng isang malaking lungsod ay tila hiwalay na sa buong kalunsuran,
pati na rin ang pagmamapa ng teritoryo ng mga nakatira rito. Ginagamit ng sanaysay na ito
bilang kultural na teksto ang mga negosyante at mga aktibidad at proseso na nakapaloob
sa pamimirata ng pelikula at musika.
Etnograpiya
 Etnograpiya - Genzuk (2003) ay nakasandig sa "malapitan, personal na karanasan
at posibleng partisipasyon, hindi lamang obserbasyon ng mga mananaliksik" na
karaniwang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga pangkat na multidisiplinari.
 Etnograpiya - intensitibo o marubdob na pag-aaral sa wika at kultura, isang
larangan o domeyn, at pagsasama-sama ng paraang historikal, obserbasyon,
interbyu at pagtitipon ng mga dokumento tungo sa pagkakaroon ng datos gaya
ng mga siniping pahayag, paglalarawan o deskripsyon, at mga siniping bahagi
ng dokumento na karaniwang ibinabahagi sa paraang naratibo o pasalaysay.
SA PAGTATAGPO NG BATA AT LANSANGAN SA SANGANDAAN: ETNOGRAPIYANG BISWAL SA MUNDO
NG MGA BATANG CROSSING
ni Carlota B. Francisco sa Katipunan (2017)
 
Abstrak: Nakatuon ang pananaliksik sa pagsusuri ng pakikisangkot ng mga Batang Crossing sa
pagbuo ng kanilang reyalidad at identidad, bilang mga bata sa isa sa mahahalagang
sangandaan ng Kalakhang Maynila, ang Crossing. Gamit ang lente ng Sosyolohiya ng Bata,
partikular na tinutukan ng pag-aaral ang paglagi at paggamit ng naturang mga bata sa mga
bahagi ng nasabing lansangan. Sa pamamagitan ng etnograpiyang biswal naisagawa ng pag-
aaral ang paghahayag, di lamang sa kalagayan ng mga ito bilang mga Batang Crossing, kung di
ang pagbagtas nila sa mga nagkawing na espasyo ng lansangan, karalitaan sa lungsod at
kabataan. Sa pagtuon ng pansin sa mga naturang bata, natunghayan ang Crossing bilang isa
pang espasyo ng kabataan/kamusmusan –ng mararalitang bata sa lungsod, sa Crossing.
Pananaliksik na Leksikograpiko
 Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng
depinisyon ng mga termino alinsunod sa kontemporaryong gamit ng
mga salita sa isang partikular na larangan.
GLOSARYO NG MGA TERMINO SA PANITIKAN
ni David Michael San Juan (2010)
 
Abstrak: Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ang makabuo ng isang glosaryo
ng mga piling termino sa panitikan. Partikular na nais isakatuparan ng pananaliksik
ang mga sumusunod: 1. Makapangalap at makapagtala ng mga termino sa pagtuturo
ng panitikan sa antas sekundarya at tersyarya; 2. Makapagsalin o makabuo ng mga
panumbas sa salitang lahok; 3. Makapagsalin o makahalaw ng depinisyon ng mga
termino sa panitikan; at 4. Masuri/malapatan ng balidasyon ang binuong glosaryo sa
panitikan.
Mungkahing paksa: “Glosaryo ng Mga Termino sa Araling Pangkaunlaran
(Development Studies)”
Video Documentation
 Dokumentasyon sa pamamagitan ng video ay isinasagawa sa
pagrerekord ng mga imahe at tunog gamit ang video recorder.
 Ginagamit ito sa pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan.
 Maaari itong lapatan ng pagsasalaysay o narration, at ng musika.
 Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu.
WORKING WHILE IN CLASS
ni Maevelyn Calapardo (2011)

Abstrak: Isang awtobiograpikal na dokumentaryo ng direktor base sa kanyang buhay bilang


isang working student. Matapos ang anim na taong pinagsasabay ang pag-aaral at
paghahanap-buhay ay naiisipan nang umalis sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Nais na
niyang pasukin ang karerang gusto ngunit hindi magawa dahil sa kawalan ng diploma. Hindi
magiging madali ang desisyong ito dahil sa ilang mga bagay na kailangang isaalang-alang
tulad ng mga bayarin sa kolehiyo at ang kanyang responsibilidad sa pamilya. Sinikap niyang
alamin ang magiging kasagutan mula sa pamilya at mga kaibigan, ngunit sa huli ay nasa kanya
pa rin ang pagdedesisyon.
Mungkahing paksa: “Mga Eksena ng Diskolasyon: Sampung Short Films Hinggil sa
Demolisyon, Pagpapalayas, at Pagtataboy sa Iba’t Ibang Pangkat na Marginalized sa Pilipinas”
SWOT analysis
 Tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan (strengths) at kahinaan
(weaknesses) ng isang programa/plano, at mga oportunidad
(Opportunities) o bagay na makatutulong sa implementasyon at
mga banta (threat) o bagay na maaaring makahadlang sa
implementasyon ng programa/plano.
ASPIRATIONS AND CHALLENGES FOR ECONOMIC AND SOCIAL DEVELOPMENT IN THE PHILIPPINES TOWARD 2030
nina Josef T. Yap and Ruperto p. Majuca (2013)
 
Abstrak: The Philippines continues to demonstrate a development puzzle. Despite abundant natural and
human resources, its development record pales in comparison with its neighbors in East Asia. This study
presents a SWOT analysis to explain the economic development of the Philippines. To overcome the
threats and weaknesses, the Philippines should aspire for BRISK development: balanced, rapid, inclusive,
sustainable, and capital-intensive economic growth. Policy recommendations include standard reforms
related to expanding fiscal space and improving infrastructure. However, Philippine history requires that
special attention be given to strengthening institutions and weakening the grip of oligarchs. The rapid
rise of China and India and the establishment of the ASEAN Economic Community provide an opportunity
to attract more foreign direct investment, diversify the productions base, and expand the role of small
and medium-sized enterprises.
Mungkahing pamagat: “SWOT Analysis ng Programang MTB-MLE sa Piling Paaralan sa Capiz”
Literature Review
 Tumutukoy ito sa pagkalap at pagsusuri sa impormasyon hinggil sa paksa ng
pananaliksik, mula sa mga umiiral na sanggunian at pananaliksik.
 Sa ganitong pananaliksik, ibinubuod ang mga impormasyong nakalap ng mga
suring pananaliksik at inilalahad ang mga bagay na maaari pang saliksikin
sapagkat hindi gaanong napagtuunang pansin ng mga mananaliksik.
 Maaari din itong isagawa upang patunayan ang isang makabuluhang assumption
o pakiwari ng mananaliksik na hindi sumasang-ayon sa karaniwang opinyon o sa
opinyon ng mga namamayaning pananaliksik
WEB USABILITY: A LITERATURE REVIEW
nina Giselle Joy Esmeria and Rosemary R. Seva
 
Abstrak: The continuing growth in the use of internet has transformed the world into a virtual marketplace.
The dependability of several web applications has become more important to the users. The fast growth of
online applications available in the internet drives the user interface designers to become more competitively
creative. Websites are expected to provide the users a satisfying experience at the least. There have been
numerous research studies conducted focusing on the design of usability heuristics to evaluate the websites.
However, few studies apply a methodology that would actually provide a deeper meaning to the results of
usability evaluation. Usability evaluation can be meaningless without looking at the relationships between
usability metrics and deriving its usability index. The results of the literature review show that there is no
standard usability index that is derived to evaluate the usability of websites. This usability index is an
important measure to determine the impact of the usability evaluation results to the management. This paper
therefore aims to highlight the future research direction in the area of web usability measurements that would
provide a meaningful standard score for all the usability metrics.
Pag-iinterbyu, Focus Group Discussion (FGD), at
Pagtatanong-tanong
 Ang pag-iinterbyu ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksang
pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito.
 Ang interbyu ay maaaring structured o non-structured.
 Structured ang interbyu kung ibinigay na kaagad ang mga tanong bago pa
ang interbyu, at halos walang follow-up na tanong sa mismong interview.
 Unstructured naman kung higit na impormal ang interbyu at karaniwang
maraming follow up na tanong karaniwang inirerekord ang buong interbyu,
at isinasama sa appendix ng pananaliksik ang buong transcript nito.
 Batay sa hiling ng mga kinakapanayam o batay sa opinyon ng
mananaliksik ay maaaring may mga sensitibong impormasyon na
hindi naisama sa transcript.
 Ang mga quote o siniping pahayag mula sa interbyu ay maaaring
isama sa paglalahad ng datos ng pananaliksik.
 Focus Group Discussion - ay katulad din ng pag-iinterbyu, kung sa
interbyu ay isa lamang ang kinakapanayam sa bawat pagkakataon,
sa FGD ay dalawa o higit pa ang kinakapanayam.
 Isinasagawa ito upang higit na maging swabe at magaan ang
interbyu, sapagkat karaniwang mas nakapagpapahayag ng saloobin
ang mga tao kung may mga kasama sila na mula sa kanilang pangkat
at kagaya rin nila sa karanasan at iba pang aspekto.
 Pagtatanong – Ginagamit ng mananaliksik kung saan ay sinusulat
ang mga tanong at pinapasagutan sa mga respondante.
 Ito ang pinakamadaling paraan ng pangangalap ng datos.
 Dalawang uri ng talatanungan: Open-Ended at Close-Ended
 Open-ended ang mga respondante ay malaya sa pagsasagot
 Close-ended uri ng talatanungan na may pagpipilian
PAMAHIIN NILA NOON, BUHAY PA BA NGAYON?: PAGSUSURI SA MGA PAMAHIING NANANATILI MULA NOON
HANGGANG NGAYON
ni Reshel Madel Lopez et al. (c. 2015)
 
Abstrak: Tumatalakay ang pag-aaral na ito tungkol sa konsepto ng pamahiin. Ang mga pamahiin ay
ang mga paniniwalang walang batayan hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang kinalaman sa
isa’t isa ngunit mayroon itong malaking epekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay. May 120 na
kalahok ang pag-aaral na ito na hinati sa tatlong henerasyon (X, Y at Z). Layunin nito na alamin: (1)
ang mga pamahiin na patuloy na nananatili; (2) ang bilang ng mga kalahok na tumatanggap at
sumusunod sa pamahiin sa bawat henerasyon, gayon din ang hindi tumatanggap at hindi
sumusunod; (3) ang mga dahilan ng mga kalahok sa (a) pagtanggap o hindi pagtanggap na
tumutukoy sa paniniwala sa pamahiin at (b) pagsunod o hindi pagsunod sa pamahiin; (4) sa
paanong paraan nagiging bahagi at naaapektuhan ng pamahiin ang pang araw-araw na pamumuhay
ng mga kalahok.
Pag-oobserba, Pakikipamuhay, Participant Observation
o Nakikiugaliang Pagmamasid
 Pagmamasid - isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng
pananaliksik, sa natural na kapaligiran o setting ng kaniyang buhay at/o
trabaho. Isinasagawa nang isa o ilang araw lamang.
 Pakikipamuhay – Isinasagawa ng mas matagal. Ang mananaliksik ay aktwal
na “nakikiranas” sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong kaniyang
pinapaksa.
 Participant Observation - isang uri ng etnograpiya na karaniwang
ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya.
 Ayon sa modyul ng University of California, Davis (c. 2003), participant
observation ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng
mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kanyang pinag-
aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang isang simpleng
tagamasid, kundi isa ring aktibong kalahok o observer, kundi isa ring
aktibong kalahok o participant.
 Bennagen (1985), ang eksperto sa etnograpiya.
 Sa pangkalahatan ang pag-oobserba, pakikipamuhay, participant
observation, at nakikiugaling pagmamasid ay pawang
mahahalagang pamamaraan sa panlipunang pananaliksik o
pananaliksik na tumutugon sa mga pangangailangan ng lipunan.
ANG DAMI-DAMI KONG PERA, ATBP: MGA METAPORA NG MGA MIGRANTENG PILIPINANG INA SA AUSTRALIA
ni Pia Anna Perfecto-Ramos (2009)
 
Abstrak: Sa pag-aaral na ito, ipinakita ang mga metaporang nagpapatunay na ang pangingibang bansa
ng mga Pilipinang ina at ang kani-kanilang mga pamilya ay nakapagbibigay sa kanila ng panibagong
siglang pansarili (enhanced well-being). Sa kwalitatibong pag-aaral na ito, 30 ng ina na naninirahan na sa
Sydney ang kinapanayam. Sa paggamit ng mga metodo ng pagtatanung-tanong, pakikipagkuwentuhan
at nakikiugaling pagmamasid, naipakita na malaking sakripisyo para sa buong pamilya ang pangingibang
bansa at ang mga pagbabago ay tunay na sumusubok sa kakayahan ng bawat miyembro ng pamilya.
Ngunit batay na rin sa datos na nakalap, ang mga migranteng Pilipinang ina ay may kakayahan na
lampasan ang kahit anong suliranin dahil sa mga nakita nilang benepisyo ng pangingibang bansa nila sa
kanilang pamilya, sa kanilang trabaho at sa kanilang sarili. Ang mga metapora na galing na rin mismo sa
kani kanilang mga kuwento ang magpapatunay na ang pangngibang bansa, bagkus mahirap, ay may
dulot ding sarap at ginhawa.
Kuwentong Buhay
 Ang kuwentong-buhay (life story) ay malikhaing pagsasalaysay ng talambuhay
ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik.
 Binibigyang-diin ay ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang mga
hinaing, pangarap, suliranin ng pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa
konteksto ng pananaliksik.
 Ang pinapaksa ay mga tinig ng mga nasa laylayan ng lipunan mga pangkat na
marginalized.
 Ang pagsasalaysay ng kanilang kuwentong buhay ay nakatutulong upang
marinig ng madla ang kanilang tinig.
(INI)LIHIM SA DAGAT: MGA SALAYSAY NG PAGSUBOK AT PAKIKIBAKA NG MGA PILIPINONG SEAMAN
ni Joanne Visaya Manzano

Abstrak: Ginugugol ng mga seaman ang kalakhan ng kanilang panahon sa karagatan ng daigdig.
Ito ang sinasabing dahilan kung bakit nalilingid sa mga mamamayang nasa lupa ang kalagayan
nila sa trabaho. Dahil malayo sa kalupaan, nahahantad sila sa paglabag ng kapitan at mga
kapitalista sa mga karapatan sa paggawa. Sa pamamagitan ng kanilang salaysay, sisipatin ang
anyo ng pakikipagkaisa sa kapwa mandaragat sa gitna ng mga hamon sa industriya ng
pagbabarko. Sa pag-aaral na ito, ilalahad ang paraan ng pakikibaka ng mga Pilipinong seaman
upang pangingibabawan ang mga pagsubok sa dagat, barko, at dayuhang lupain.
Mungkahing paksa: “Mga Kuwento sa Gilid – Gilid: Buhay ng Mga Maralitang Tagalungsod sa
Piling ‘Gillages’ (Gilid ng Mga Eksklusibong Subdivisyon o Village) sa Metro Manila”
Secondary Data Analysis
 Tumutukoy ito sa pagsusuri at/pag-uugnay ugnay sa mga umiiral na datos at
estadistika, tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o
makabuo ng mga bagong konklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.
COUNTRY ANALYSIS OF AIDS IN THE PHILIPPINES: GENDER AND AGE SITUATION AND RESPONSE NG NATIONAL
ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY/NEDA AT UNITED NATIONS CHILDREN’S FUND/UNICEF (2011)

Abstrak: This study is aimed at conducing a country analysis on the gender- and- age responsiveness of
policies guidelines and key documents. Specifically these seek to develop gender- and age – sensitive
AIDS monitoring and evaluation indicators, and to prepare a report on the Country Analysis of AIDS in the
Philippines – Gender and Age Situation and Response, including policy and programmatic
recommendations. The assessment was done using secondary data analysis, focus group discussions
(FGD) key informant interviews (KIIs) and workshop. The secondary data analysis looked at existing data
policies and programme intervention reports in terms of gender-age-and age-sensitive provisons. A
listing and analysis of the data available were part of this assessment process.
Mungkahing paksa: Pangkalahatang Pagsusuri sa Potensyal na Bisa ng Programang Kto12 sa
Pilipinas Batay sa Karanasan ng Mga Bansa sa Asya-Pasipiko Gamit Batay sa Mga Opisyal na Estadistika
at Dokumento.
Eksperimental na Pananaliksik
 Pananaliksik na nakatuon sa pag eksperimento o proseso ng paghahambing sa
resulta ng pagmanipula sa isang variable na kasangkot ang dalawang grupo o
mga subject ng pananaliksik ang unang grupo ay grupong kontrolado (control
group) na hindi nilalapatan ng pagmamanipula sa variable, habang ang
ikalawang grupo naman ang nilalapatan ng pagmanipula sa variable
ANG ANTAS NG MAUNAWANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG BAITANG 9 NG ATENEO DE DAVAO HIGH
SCHOOL
ni Evangeline D. Algabre
 
Abstrak: Ang pag-aaral na “Ang Antas ng Maunawang Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 ng
Ateneo de Davao High School” ay nabuo mula sa mithiing magkaroon ng dagdag na kasanayan ang mga mag-aaral
sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya tungo sa higit na maunawang pagbasa sa Filipino, na isang paraan upang
mapaunlad ang Programa sa Pagbasa ng paaralan. Napiling tagatugon sa pag-aaral na ito ang tatlong daan at
tatlumpu’t walong mag-aaral mula sa Baitang 9 ng Ateneo de Davao High School ng taong panuruan 2014 – 2015.
Eksperimental ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito,
gumamit ang mga mananaliksik ng mga talatanungan para sa panimula at pangwakas na pagtataya at modyul sa
maunawang pagbasa ukol sa mga sumusunod na estratehiya: pagtukoy ng pangunahing kaisipan; pagtukoy sa
layunin ng may-akda; paggamit ng mga pahiwatig na kontekstwal; pagbuo ng hinuha o prediksyon; at pagbuo ng
konklusyon.
Mungkahing paksa Pepino Bilang Posibleng Pampababa ng Presyon ng Dugo at Kolesterol: Isang
Ekspiremental na Pananaliksik
Case Study
 Tumutukoy ito sa detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay,
lugar, pangyayari, phenomenon, at iba pa bilang potensyal na lunsaran ng mga
susunod pang pag aaral sa mga kahawig na kaso.
ISANG KRITIKAL NA PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG MALAWAKANG PAGPAPALIT-GAMIT NG LUPA SA KITA AT PANG-EKONOMIKONG KASIGURUHAN NG
MGA PESANTE SA BARANGAY SANTIAGO NG GENERAL TRIAS, CAVITE
ni Reyes, Kaye Melody M.
 
Abstrak: Hanggang sa kasalukuyan, laganap pa rin ang mga pagpapalit-gamit ng lupa sa Pilipinas at isa ang probinsya ng Cavite sa dumadanas
nito. Bagamat mayroon nang mga pag-aaral ang nagawa ukol sa pagpapalit-gamit ng lupa sa ibang bahagi ng Cavite, napag-iiwanan ang
munisipalidad ng General Trias pagdating sa usaping ito. Tiningnan ng pag-aaral na ito ang epekto ng pagpapalit-gamit ng lupa sa General Trias
partikular na sa barangay Santiago. Upang malaman ang mga epekto ng pagpapalit-gamit ng lupa, gumamit ng sariling questionnaire ang
mananaliksik at ipinasagot sa limampung pesante. Nakipanayam din ng mga kinatawan ng isang pangmasang organisasyon—KAMAGSASAKA-
KA, at isang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ang mananaliksik upang mas maintindihan pa ang pagpapalit-gamit ng lupa sa lugar.
Epekto sa kita, pang-ekonomikong kasiguruhan (economic security), at pangangamkam ng lupa ang sentro ng pag-aaral. Ipinakita sa resulta
na marami sa mga pesante (38%) ang nanatili sa dati ang kinikita matapos ang pagpapalit-gamit ng lupa bagaman dumami ang bilang ng
pesanteng tiyak na mas mababa pa sa minimum wage ang kita (mula 22% tungong 52%). Sa kabila ng pagpapalit-gamit ng lupa, marami sa
kanila ang nanatiling magsasaka (36%). Ipinakita sa resulta na maraming pesante ang naniniwalang hindi pangmatagalan ang mabuting dulot
ng pagpapalit-gamit ng lupa(66%). Dahil dito, nagkaroon sila ng impermanence syndrome o kawalan ng kumpyansa sa katatagan at
pangmatagalang silbi ng pagsasaka kaya ang kanilang naipon ay ipinundar nila sa ibang pagkakakitaan(28.66%). Walang naiulat na
pangangamkam ng lupa sa barangay Santiago bagaman 62% sa mga nagsagot ay walang sariling lupa.
Mungkahing paksa: Mahusay na Taktika at Praktika sa Kompanyang Elektoral mula Porma Hanggang Plataporma: Case Study ng mga
Partylist sa Ilalim ng Koalisyong Makabayan.
 
Aksyong Pananaliksik
 Pananaliksik na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-
aralan, o kaya'y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular na
sitwasyon
APPLE O ATIS: ISANG PAG-AARAL SA K-2
ni Eleanor Eme E. Hermosa sa Alipato (2006)
 
Abstrak: Ang pananaliksik na ito ay pinaikling research report na pinamagatang
“Filipino Bilang Wikang Panturo sa K-2” ni Patriocina M. Abanto et al. Tinalakay sa
pananaliksik ang bisa ng Filipino bilang wikang panturo mula Kinder hanggang
Grade 2.
Mungkahing paksa: “Sitwasyon ng Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral
sa Elementarya ng Paaralang Andres Bonifacio: Gabay sa Pagbuo ng Bagong
Programa sa Mas Mabisang Paglinang ng Pagbasa”
Pagsusuri ng Dokument
 Kung ang mga primaryang sanggunian gaya ng pahayagan, dokumentong
historikal, mga talumpati, mga epiko, at iba pa ang pag aaralan, maaaring
gamitin ang metodong documentary o textual analysis.
 Tumutukoy ito sa paghihimay himay sa nilalaman, konteksto at kabuluhan ng
tekstong sinusuri.
 Maaari ding ituring na teksto ang mga audio-visual tulad ng mga music video ng
mga kantang may kabuluhang panlipunan o kaya ang mga episode ng teleserye
at maging ng sumikat na Kalyeseryeng AlDub
MGA TIWALI SA DAANG MATUWID’ AT ANG MGA TALINGHAGA’T TEMA SA TALUMPATI NI P-NOY
ni Roberto E. Javier Jr. sa Malay (2012)
 
Abstrak: Tinatalakay sa papel na ito ang kahulugan ng mga tayutay at tema sa unang apat na naging talumpati sa Filipino ni Pangulong
Benigno Simeon Aquino III. Sinipi sa nakalathala sa mga website ng gobyerno ng Republika ng Pilipinas at sa isang non-government na
organisasyon sa bansa ang mga talumpating ito. Gamit ang perspektibang Sikolohiyang Filipino (partikular ang sikolohiya ng wika at kultura),
sinikap sa panimulang pagsusuring ito sa mga pahayag ni Pangulong Aquino na alamin ang bisa ng lingua franca sa pagpapaunawa’t
masinsinang pakikipag-usap sa kaniyang pinamumunuan. Analisis ng teksto ang inilapat na paraan para tukuyin ang tema ng bawat
talumpati. Gamit din ang dulog sa ermenyutika, inihayag ang kubling kahulugan ng mga hinagilap na talinghaga, metapora, kasabihan, pati
biro at iba pang tayutay sa talumpati. Ang apat na binigkas na mga pananalita ay naganap sa mga makasaysayang okasyon tulad ng
Panunumpa sa pagka-Pangulo, State of the Nation Address, Meeting with Filipino Communities sa USA, at 100 Araw sa Malakanyan. Tungkol sa
talamak na nakawan sa gobyerno at tambak na problemang kaugnay ng kahirapan ang konsistent na taglay ng mga talumpati. Hitik sa
talinghaga ang bawat talumpati na tumutuligsa sa kawalan ng loob sa kapuwa ng mga tiwali sa pamamahala, lalo na ng mga nasa itaas ng
organisasyon sa gobyerno. Sa tuwina, inuusal sa talumpati ang dasal na maibsan ang dusa ng mga karaniwang Pilipino, lalo na ng mga
maralita. Subalit kahit pa seryoso ang tono ng talumpati na tugisin ang mga tiwali’t tahakin ng gobyernong Aquino ang daang matuwid, tila
abot-tanaw pa lamang ito. Iminumungkahing tingnan sa mas masinop na paraan ng pagsusuri sa mga magiging talumpati pa ni P-Noy, kung
sasadyain ang daang matuwid. Hahagilapin sa susunod kung may katibayan ang mabuting pamamahala, kung natutuhang mabilis ang pasikot-
sikot nito, at tinahak ba ito nang may loob sa kapuwa. Manapa’y hanapin sa mga pagsasaayos ng gobyerno kung ibinaon ba ng administrasyon
ni Aquino ang taos-pusong pakikiisa sa kapuwa lalo na sa mga walang kaya sa panahon ng paglalakbay tungo sa pagbabago at totoong
papanagutin ang mga tiwali.
Comparative Analysis
 Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang
paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawang tao, grupo, sitwasyon bagay, penomenon at iba pa.
KOMPARATIBONG ANALISIS NG AKTUWAL NA GAMIT NG WIKA AT MGA PILING PAMANTAYAN SA GRAMATIKA AT ORTOGRAPIYA SA
FILIPINO, SEBWANO-BISAYA AT ILOKANO: LAPIT BATAY SA KORPUS
ni Joel P. Ilao sa Daluyan (2012)
 
Abstrak: Ang implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) ay nangangailangan ng tiyak na
tuntunin para sa ortograpiya at gramatika. Bagaman mayroon nang ganoong tuntunin sa ilang wika sa Pilipinas, kailangang
matukoy ang mga pinagkasunduan at hindi pagkakatugma ng mga tuntunin at paggamit upang maiwasan ang pagkalito.
Ang pag-aaral na ito ay gumagawa ng obhetibong analisis sa mga lebel ng kasunduan, sa mga tuntunin sa gramatika at
ortograpiya, sa pagitan ng mga sangguniang aklat at sa aktuwal na paggamit sa tatlong pangunahing wika sa Pilipinas—
Filipino, Sebwano-Bisaya at Ilokano na makikita sa web-mined text corpora. Isang listahan ng mga tuntunin ng wika sa
gramatika at ortograpiya ang pinili mula sa pamantayan ng mga sangguniang aklat para sa bawat wikang nabanggit.
Tinukoy ang iba’t ibang anyo ng paggamit sa bawat napiling tuntunin ng wika at binilang ang dalas ng paggamit ng mga ito
para sa komparatibong analisis ng mga tuntuning itinakda ng mga pamantayan na sangguniang aklat at ng aktuwal na
paggamit ng wika. Ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral ay mahalaga sa edukasyon ng wika, upang matukoy ang
lawak ng mga baryasyon ng paggamit ng wika sa aspekto ng gramatika at ortograpiya. 
Mungkahing paksa: “Komparatibong Pagsusuri sa Namamayaning Gamit ng Wikang Filipino sa Lungsod ng Cebu at
Tacloban”
Discourse Analysis
 Tumutukoy sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at
mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula,
at iba pang materyales.
www.ang_espasyong_bakla_sa_cyberspace.com:
ISANG PAGSUSURI NG DISKURSO NG USAPANG BAKLA SA MGA CHATROOM
ni Rowell D. Madula sa Malay (2010)
 
Abstrak: Maraming hiwaga ang binubuo at inilalantad nang sabay ng makabagong teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Ang lawak
ng teritoryo sa kamalayan na sinasakop ng cyberspace sa pagbuo ng kaakuhan ng mga bayan at maging ng mga subkultural na
grupo ay patuloy na nararamdaman at nasasaksihan. Masalimuot ang pagbibigay-kahulugan at pag-unawa sa pagiging bakla. Mula
sa kaangkupan ng terminolohiyang gagamiting pantukoy sa mga “bakla” hanggang sa usapin ng kalayaan at karapatan ng mga ito
ay patuloy na isang diskursong itinuturing na walang katiyakan at hangganan. Ang papel na ito ay isang pagtatangka na unawain
ang proseso ng pagbuo ng identidad ng mga bakla sa chatrooms bilang isang malay na selebrasyon ng kanilang sekswalidad.
Itinuturing na ito ay akto ng pag-aangkin ng espasyong matatawag na espasyong bakla. Ang cyberspace bilang virtual na espasyo
ay patuloy na lumalawak at nagbibigay-daan sa paglalaan ng mga espasyo para sa mga partikular na identidad.
Gamit ang iba’t ibang balangkas ng pagsusuri sa mga diskurso ng mga bakla sa chatrooms, dinalumat ang mga
pinagdaraanang karanasan ng paglalantad at asimilasyon ng mga bakla tungo sa unti-unting pagkilala sa kanilang papel na
gagampanan sa pagpapalaya ng sarili at kapwa bakla. Nilalayon ng papel na itong isatinig ang mga bulong-bulungan ng mga bakla sa
kanilang nilikha at patuloy na nililikhang espasyong bakla sa cyberspace.
Mungkahing paksa: “Tulong Nanunuot (Trickle Down) o Tagtuyot, at Kasaganahang Panlahat o Yamang para sa lilan: Diskurso
ng Kaunlaran at Kahirapan sa Mga Piling State of the Nation Address (SONA) ng mga Administrasyong Post-Edsa I”
Content Analysis
 Ang pagsusuring tematiko ay pamamaraan ng pagtukoy pagsusuri
at pagtatala sa mga tema o padron ng naratibo sa loob ng isang
teksto.
 Malapit sa paraang ito ang pagsusuri ng nilalaman o content analysis
na tumutukoy yaman sa paglalarawan at pagsusuri na nilalaman ng
isang teksto.
PAGTUNGO SA MGA KATUTUBONG KOMUNIDAD: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL SA KARANASAN NG PROGRAMANG PANTAWID
PAMILYA
ni Christian Ranche (2017)
 
Abstrak: Ang mga katutubo o Indigenous Peoples (IP) ay tumutukoy sa grupo ng mga tao na may isang uri ng lipunan na binuo sa
pamamagitan ng indibidwal na pagpapahayag ng sarili at tanggap bilang isang organisadong komunidad sa isang teritoryo na may
sariling wika, pamamahala, relihiyon, kultura at kasaysayan na naiiba mula sa karamihan ng mga Pilipino. Ayon kay Walters (2008),
ang mga katutubong pananaliksik at komunidad ay marami ang maiaambag sa larangan ng agham ngunit nahaharap sa maraming
hadlang at pagsubok katulad ng etika. Ang kwalitatibong penomenolohikal na pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga pagsubok at
hadlang na kinakaharap ng mga Indigenous Peoples Focal Persons sa pagpasok sa mga katutubong komunidad sa Pilipinas ng
Programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (DSWD).
Labingapat (14) na Indigenous Peoples 82 (IP) Focal Persons ang kinapanayam ng mananaliksik. Mula sa tematikong pagtatasa ng
mga nilalaman ng mga panayam, lumalabas na may walong (8) pangunahing mga isyu ang kinakaharap ng mga IP Focal Persons gaya
ng: koordinasyon, “consent” o pagsang-ayon, pagangkop sa bagong kultura, tunggalian ng mga tribo, mahabang byahe, panahon o
klima, lokasyon at mababangis na hayop. Ang pag-aaral na ito rin ay kinukumpirma ang kahalagahan ng mga katutubong metodo sa
paananaliksik sa sikolohiya gaya ng: pagtatanung-tanong, pakikipagkwentuhan, ginabayang talakayan, pakikisama, pagdalaw-
dalaw, at panunuluyan na ayon sa mga kinapanayam ay mahalaga sa kanilang pagtungo at pagkuha ng mga datos sa mga
katutubong komunidad para sa maayos na pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Archival Research
 Isa itong porma ng pananaliksik na historical na nakatuon
sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo (archives) gaya
ng mga manuskrito, dyaryo, at iba pa.
JOURNALISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910-1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA
PANITIKAN NG PILIPINAS
ni Nicanor Tiongson sa Plaridel (2013)
 
Abstrak: Ang journalismong Tagalog sa pahayagang Renacimiento Filipino (1910-1913) ay maituturing na isa sa mga
panimulang pagpupunla ng makabayang sanaysay sa panitikan ng Pilipinas. Ang dalawampu’t walong sanaysay nina
Francisco Laksamana, Faustino Aguilar, Carlos Ronquillo, Precioso Palma, Julian C. Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado,
Dionisio S. Agustin at iba pang sinuri sa pag-aaral ay kumakatawan sa saloobin ng mga mamamayan sa pagbubuwag
ng mga moog ng mga baluktot na kamalayang pinamayani kapwa ng katatapos na pananakop ng mga Español at ng
nanghihimasok na mga Amerikano. May apat na pananaw na tinukoy ang pag-aaral na siyang binatikos ng mga
sanaysay sa Renacimiento Filipino. Ang una ay tungkol sa mga bagay o pangyayaring itinalaga raw ng Diyos. Ang
ikalawa ay ang sadya raw na hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao. Ikatlo ay ang likas raw na katamaran ng mga
Filipino na siyang isa sa mga sanhi ng kahirapan ng mga mamamayan. At ikaapat ay ang pagtanggap ng mga Filipino
na ang Estados Unidos ang tagapagligtas ng Pilipinas.
Mungkahing paksa: Panimulang Pagsipat sa Mga Bahaging Tagalog ng Mga Edisyon ng La Residencia del obrero
ni Isabelo De Los Reyes Batay sa Pambansang Arkibong Digital ng Espanya.
Pagsasagawa ng Sarbey
 Sarbey ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan o
questionnaire sa mga taong makapagbibigay ng saloobin, opinyon o
impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik.
 Epektibo ito sa paglalahad ng impormasyon o datos na mula sa isang malaking
pangkat na hindi magagawang kapanayamin sa pamamagitan ng FGD.
 Maaari ding magsagawa ng sarbey hinggil sa kagustuhan sa mga pelikula ng
iba't ibang pangkat ng mga tao (halimbawa'y kabataang estudyante at
kabataang propesyunal)
MAY PERANG DUMADAAN LANG SA PALAD, MERONG PADALA, AT MAY PADULAS DIN”: PANINIWALA’T PANANAW SA PERA AT PALAGAY SA
PANDAIGDIGANG KRISIS PAMPINANSIYA
ni Roberto Javier Jr. sa Malay (2011)
 
Abstrak: Inalam sa pag-aaral na ito ang mga paniniwala’t pananaw sa pera pati ang palagay sa pandaigdigang krisis pampinansiya ng mga
manggagawa sa mga pangunahing sentrong urban sa Filipinas. Sa mga lungsod ng Cebu at Manila isinagawa ang sarbey sapagkat sentro ang
mga ito ng malalaking populasyon at migrasyon para sa trabaho. Gamit ang paraang sarbey, pinasagutan ang talatanungan sa mga may
hustong gulang na may hanap-buhay at ang sahod ay ayon sa itinatakda ng batas na ‘minimum wage’ o kaunting kita. Naging kalahok ang mga
manggagawa sa pabrika ng gatas sa Metro Manila at mga trahabador naman sa shipping line sa Cebu. Hango ang datos mula sa pinasagutang
talatanungan na may bahaging kwantitatibo at kwalitatibo. Ginawan ng deskriptibong istadistika ang kwantitatibong datos at bumuo ng mga
kategorya para sa mga klaster ng sagot na kwalitatibo. Sa bahaging kwantitatibo ng kwestiyuner, sinang-ayunan ng mga kalahok ang mga
tanong tungkol sa rason, resulta, pati posibleng pag-responde sa pandaigdigang krisis pampinansiya. Sa kwalitatibong bahagi naman, tinukoy
ang prioridad para sa paggasta sa pera tulad ng pagkain, pambili ng gamot, at pambayad ng mga upa lalo pa’t sila’y nasa siyudad kung saan
ang lahat ay binibili. Ayon sa kanila, ang pera ay kinikita sa trabaho kaya kailangan ng sipag at tiyaga. Ang perang kinita anila ay panlaan sa
pangangailangan at panustos sa mga gastos para sa pamumuhay sa siyudad. Di kasing-kahulugan ng pamumuhay ang buhay kaya anila nga’y
may higit na mahalaga sa pagkita ng pera gaya ng paggawa, pamilya’t pagmamahal. May mataas din silang pamantayan para sa pera sapagkat
kaugnay anila ito ng dangal ng paggawa. Nawawalan ng bisa ang halaga ng pera, dagdag pa nila, sa katiwalian dahil nakataya dito mismo ang
pagkatao. Hindi mahihigitan ng may pera ang may puri’t dangal.
Mungkahing paksa: “Perspektiba ng Mga Mamamayan ng Piling Bayan at Lungsod sa Visayas Hinggil sa Isyu ng Pederalismo: Datos
Batay sa Malawakang Sarbey”
Maraming
Salamat!!!
Sanggunian
• Students’ Handbook of Laguna State Polytechnic University
• CHED Memorandun No. 57, series of 2017
• San Juan D.M., De Laza, C. S., Gonzales, A. L, Martinez, E., Llorando, L., Cuchapin, J., Caja, C., Carada, I. ,Sangandaan: Filipino sa Iba’t
Ibang Disiplina, (2019), Mutya Publishing House, Inc. 105 Engineering Road, Araneta University Village, Portrero, Malabon City
• Rodriguez, R.B., & Pangilinan, C.S. (2019), Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa,Quezon City: Sentro
ng Wikang Filipino-UPDiliman
• Constantino, R. , Intelektwalismo at Wika, (2015), Daluyan:Journal ng Wikang Filipino, retrieved from
https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4939/0
• Lumbera, B. , Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon, (2016), retrieved from
https://www.scribd.com/doc/299999514/Ang-Wikang-Filipino-at-Ang-Banta-Ng-globalisasyon-Ni-Dr
• Flores, M.L., Nahuhuli at PanimulangPagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino, (2015), Daluyan: Journal ng
Wikang Filipino, retrieved from https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4500
• Almario, V. S., Labor, K.L., Hinampas, L.Z.,&Agcaoili, E. M., Introduksiyon sa Saliksik, (2016), Aklat ng Bayan, Metro Manila
• Almario, V. S., BATAYANG PAGSASALIN:Ilang Patnubay at Babasahín para sa Baguhan,(2016), Metro Manila:Komisyon sa Wikang
Filipino
• Almario, V.S. ,Introduksiyon sa Pagsasalin: MgaPanimulang Babasahin Hinggil saTeorya, (2017), Manila:Komisyon sa Wikang Filipino

You might also like