Professional Documents
Culture Documents
Report Kay Ginang
Report Kay Ginang
FILIPINO SA
IBA’T-IBANG DISIPLINA
GELE 104
Inilalarawan ng metodo ng pag-aaral ang akto ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga suliranin ng pag-aaral at ang mga
dahilan sa paggamit ng tiyak na pamamaraan upang matukoy, piliin, iproseso, analisahin ang impormasyon para sa pag-
unawa sa suliranin. Dalawa ang pangunahing katanungan na tinutugunan sa metodo ng pag-aaral at ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
1. Ang pangkat ng empirikal-analitikal na nag-aaral sa agham panlipunan na katulad ng pag-aaral sa mga agham na
likas. Ang tipo ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa kaalaman sa layunin, mga katanungan ng pananaliksik na
maaaring masagot ng oo o hindi, at ang operasyunal na kahulugan ng mga susukating baryabol. Ang pangkat na ito ay
gumagamit ng dedaktibong pangangatwiran na may pagsasaalang-alang sa umiiral na teorya bilang pundasyon sa
pagbuo ng hinuha o palagay na kailangang suriin.
2. Ang interpretatibong pangkat ng metodo ay nakatuon sa pag-unawa sa penomena gamit ang komprehensibo at
holistikong pamamaraan. Kasangkot sa pangkat na ito ang pag-alam sa mga kasagutan sa tanong na bakit, paano, at
anong pamamaraan ang ginagamit ng tao sa kanilang ginagawa upang matamo ang inaasahang kasagutan.
Nangangailangan ng masusing pag-aaral upang matamo ang inaasahang kasagutan. Nangangailangan ng masusing
pag-aaral sa mga baryabol na kasama sapagkat nakatuon ang bahaging ito sa subhektibong kaalaman.
PAGTATALAKAY SA BAHAGI NG METODO
1. Mga salik sa pagkuha ng mga datos na sinuri para sa kwantitatibo at mga paksa at lokasyon ng paksa,
kung kwalitatibo;
3. Mga pamamaraan kung paano ginamit ang datos at paano ito inanalisa;
4. Tiyak na kasangkapan o estratehiya ng pananaliksik na iyong ginamit sa pag sagot sa mga hinuha o
palagay at mga Inilahad na katanungan kaugnay ng mga suliranin ng pag-aaral.
8. Ipaliwanag ang paraan na nais gamitin upang suriin ang kalabasan ng pag-aaral. Ang bahaging ito ay
makatutulong upang mailarawan ang plano upang makakuha ng tamang pagsusuri sa ugnayan, pattern, trend,
distrubusyon, at posibleng salungatan ng mga datos. Dapat isaalang-alang ang paggamit ng alinman sa mga sumusunod:
estadistikang pagpapahalaga, teoretikal na perspektiba, at iba pa.
9. Ipaliwanag ang sanligan ng metodo na hindi maliwanag sa mambabasa. Madalas ang pagkakataon na ang mga
suliranin at metodo na ginagamit sa agham panlipunan ay nangangailangan ng higit na pagpaliwanang kung ihahambing
sa metodo ng pag-aaral na karaniwang ginagamit sa likas at pisikal na agham.
10. Proseso sa pagpili ng sampol. Mahalaga na isaalang-alang ang tamang bilang ng sampol upang kumakatawan sa
kabuuang. Madali itong gawin kung ang pag-aaral ay kwantitatibo sapagkat idinidikta ng estadistika kung ano ang
katanggap-tanggap na bilang ng sampol para sa isang pag-aaral. Kung kwalitatibo naman ang pag-uusapan, mahalaga na
Magbigay ng sapat na pamantayan (criteria) sa pagpili ng sampol bago simulan ang panayam at iba pang metodo upang
makasigurado na tanging ang tamang respondent lamang ang panggagalingan ng nararapat na datos ng pag-aaral.
11. Potensyal na limitasyon. Mahalaga na maging tapat ang isang mananaliksik sa paglalahad ng mga potensyal na
limitasyon ng pag-aaral na maaaring makaapekto sa mga datos na nakalap. Kailangan na maipaliwanag nang mabuti ng
mananaliksik ang kanyang desisyon na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kanyang pagtuklas sa limitasyon sa simula
pa lamang ng pag-aaral.
12. Kadalasan na may mga nagaganap na pagbabago sa plano kung ihahalintulad sa aktwal na pagsasagawa ng
plano. Kung ito ay mangyayari, kailangan ng serye ng rebisyon upang umangkop ang papel sa aktwal na ginamit na
metodo sa pag-aaral.
13. Ang kwalitatibong pag-aaral ay nangangailangan ng higit na detalyadong paglalahad ng deskripsyon ng
metodo ng pag-aaral sapagkat ang mananaliksik ang pangunahing pinagkukunan ng datos. Ang proseso ng
pangangalap ng datos ay may malaking epekto sa maaaring kalabasan ng pag-aaral.
14. Magbigay ng kumpletong detalye subalit may pagsasaalang-alang sa pagiging direkta nito. Maaaring
maibigay ng mananaliksik sa mga magbabasa ang mga kailangang impormasyon ng pag-aaral sa maiksi at
simpleng pamamaraan. Hindi kailangang maging mabulaklak at maligoy upang maipakita ang kahusayan ng
papel.
15. Ipinagpapalagay na ang magbabasa ng pananaliksik ay may kaalaman sa pangunagung metodo ng pag-
aaral kung kaya hindi naman kailangan na isulat ang buong detalye ng espisipikong metodo ng pag-aaral.
Ang pokus ng talakayan ay kung ano ang ginamit na metodo at hindi ang mekanismo sa pag-gamit ng metodong
ito.
16. Maging tapat sa paglalahad ng mga usaping kinaharap sa pangangalap ng datos upang maipakita sa mga
magbabasa ang katatagan ng metodo na iyong pinili sa pag-aaral.
17. Mahalaga rin na maipakita sa bahaging ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na sumusuporta
sa metodo na iyong ginamit.
TALAAN NG MGA METODOLOHIYA SA
PANANALIKSIK
Ang mga sumusunod na metodolohiya ng pag-aaral o pananaliksik ay maaaring gamitin batay sa
kaangkupan nito sa sangay (field) at mga pangangailangan (needs):
1. Sarbey (survey)
2. Pag-aaral ng kaso (case study)
3. Disenyong eksperimental (experimental design);
4. Etnograpiya (Ethnography)
5. Penomelohiya (Phenomenology)
6. Kilos (Action research)
7. Grounded theory;
8. Naratibong pagsusuri (Narrative analysis)
9. Pag-aanalisa ng nalalaman (Content analysis)
10. Diskurso (Discourse analysis)
11. Pag-aanalisa ng dokyumentaryo (Documentary analysis)
12. Pag-aanalisang pangkasaysayan (Historical analysis)
13. Semiotika (Semiotics)
14. Video documentation
15. SWOT Analysis
16. Rebyu ng Literatura
17. Pagtatanung-tanong, obserbasyon, interbyu, FGD, atbp.
18. Obserbasyon ng mga partisipant
19. Kwentong-Buhay
20. Pagsusuri sa sekondaryang Datos
21. Eksperimental na pananaliksik
SARBEY (SURVEY)
Ang pagsasarbey (survey) ang pinakakaraniwang pamamaraan ng pangangalap ng datos. Ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa indibidwal (pagsulat o pamamagitan ng panayam) hinggil sa isang partikular na paksa
o mga paksa at pagkatapos ay isasagawa ng mananaliksik ang paglalarawan sa mga naging tugon ng respondante.
Karaniwan na ginagamit ang metodo na ito upang sukatin ang isang konsepto, magnilay sa pag-uugali ng mga tao,
patunayan ang antas ng kasiyahan ng tao sa serbisyong ibinigay ng isang establisyemento, at marami pang iba. Ang
kalikasan ng sarbey ay kwantitatibo bagamat mayroon din itong kwalitatibong elemento sa ilang pagkakataon.
Halimbawa:
Kung minsan ay binibigyan ng pagkakataon ng mananaliksik ang kanyang mga respondante na magbigay ng mas
malayang kasagutan sa dulo ng sarbey
Gamit ang iskala sa ibaba, mangyaring ibigay ang antas iyong pagsang-ayon sa mga sumusunod na baryabol:
4 – Napakataas; 3 – Mataas; 2 – Mababa; 1 – Napakababa
1. Mapasusunod ng babae ang lahat dahil sa mahinahon 4 3 2 1
nitong dulog sa mga suliraning kinakaharap ng bansa;
Dapat tandaan na malaki ang papel na ginagampanan ng sarbey sa kabuuang ng pag-aaral kung kaya’t
nararapat na pahalagahan ang balidasyon ng talatanungan na gagamitin. Magdudulot ng maling interpretasyon at
resulta ng pag-aaral ang datos na nakalap gamit ang talatanungan na hindi dumaan sa proseso ng balidasyon.
Bilang paglilinaw, ang mananaliksik ang maaaring gumamit ng mga sumusunod na uri ng talatanungan;
Ang paggamit ng panayam o interview ay mahalaga rin na isaalang-alang sa pagsasagawa ng pananaliksik upang
masubaybayan ng mananaliksik ang emosyon at mga karanasan, at upang mapagtuunan nang mabuti ang mga usapin o
suliranin ng pag-aaral. Makatutulong ang pamamaraang ito ng pangangalap ng datos upang masubaybayan ang buong proseso
nito at makasigurado na makakalap ang espisipiko o tiyak na impormasyon na kailangan sa pag-aaral. Sa kabilang dako, ang
panayam o interview ay mayroon din namang negatibong dulot katulad ng higit na mahabang panahon na kailangang gugulin
upang maisakatuparan ito. Higit na mataas ng halaga ng salapi na kailangang ihanda ng mananaliksik sa pag gamit ng
pamamaraang ito sapagkat Kaakibat nito ang gastusing may kaugnayan sa komunikasyon, transportasyon, at token o aginaldo
bilang tanda ng pasasalamat sa kinapanayam dahil oras na kanyang inilaan para sa pakikipanayam.
Rebyu ng isinasagawang dokyumentasyon. Ito ay ginagamit upang mapag-aralan ang usapin na nabuo sa loob ng tiyak o
espisipikong panahon. Maganda itong gamitin sapagkat mataas ang antas ng pagkakataon na makapangalap ng
komprehensibong impormasyon. Sa kabilang dako, hindi rin naman perpekto ang pamamaraang ito sapagkat maaaring maging
usapin ang access ng mananaliksik sa mga dokumento. Hindi rin pleksibol ang proseso ng pananaliksik sa ganitong
pamamaraan ng pangangalap ng datos.
Pag-aaral sa Kaso (Case Study)
Gamit ang pamamaraan na ito, ang isang mananaliksik ay nagkakaroon ng higit na malalim na pag-aaral sa isang
phenomena na sakop ng kanyang imbestigasyon. Kwalitatibo ang kalikasan ng pag-aaral na ito na karaniwang nakatuon sa
tiyak o partikular na tao o mga phenomena, bagamat may mga aklat na nagsasabi na ito ay kwalitatibo at kwantitatibo.
Nangangailangan ito ng malalim na pagtingin at pokus sa paksa ng pag-aaral.
Sa agham panlipunan (social sciences) at buhay na agham (life sciences), ang pag-aaral ng kaso (case study) ay isang
metodo na kinasasangkutan ng malapit (up-close), malalim (in-depth), at detalyadong pagsusuri sa paksa ng pag-aaral (case),
maging ng mga kaugnay na kondisyong kontekstwal.
Ang pag-aaral ng kaso ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pormal na metodo ng pananaliksik. Kinikilala ito ng
maraming disiplina ng pag-aaral katulad ng sikolohiya, antropolohiya, agham pampulitika, edukasyon, clinical na agham,
social work, at marami pang iba.
Ang pag-aaral ng kaso sa pangangasiwa (management) ay karaniwang ginagamit upang bigyang interpretasyon ang
ugnayan o estratehiya upang makabuo ng pangkat ng mahuhusay na kasanayan (best practice) o suriin ang mga panlabas na
salik o impluwensya o ugnayang panloob (internal interactions) ng kumpanya na siyang paksa ng pag-aaral.
Sinabi sa aklat nina Remler at Van Rayzin na ang kwalitatibong pananaliksik ay nag-ugat sa malalim na pag-aaral ng mga
kaso ng tao, pangkat o organisasyon. Ang ibig sabihin nito na ang karamihan sa mga kwalitatibong pag-aaral ay tumutukoy sa
pag-aaral ng mga kaso. Ang pag-aaral din ng mga kaso ay tipikal ding kinasasangkutan ng mga malalaki, aggregate level case-
katulad ng organisasyon, kapitbahay, nasyon-estado
sa halip na pagtuon ng pansin sa isang indibidwal. Subalit sa klinikal na pananaliksik, may mga kaso na ang pag-
aaral ay nakatuon sa indibidwal na pasyente na tiyak na kondisyong o karamdaman. Sa pagtukoy sa uri ng
pamumuno o leadership studies, ang pag-aaral sa kaso ng tiyak na pinuno ay karaniwang.
Ang metodolohiyang ito ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng eksperimento sa agham ng siyensya. Hindi
ito madalas sa mga pag-aaral sa kalakalan (business) at agham panlipunan (social sciences) dahil na rin sa
kahirapan na kontrolin ang mga baryabol na nakapaloob dito. Ang paggamit ng eksperimento sa kalakalan at
siyensya ay maaaring lumabag sa prinsipyo ng etika na nangangailangan ng pagsang-ayon ng paksa ng pag-aaral na
sila ang maging object o paksa ng pag-aaral.
Ito ay nagmula sa salitang griyego na ethnos na ag kahulugan ay mga tao at grapiya na ang kahulugan ay pagsusulit. Isa
itong uri ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, partikular sa antropolohiya at ilang
sangay ng pag-aaral sa sosyolohiya. Tumutukoy ito sa isang malalimang pag-aaral sa isang kultura. Upang ito ay maisagawa,
ang mananaliksik ay kailangang maging bahagi ng mga paksa ng pag-aaral sa loob ng panahon na isinasagawa ang pag-aaral
bilang bahagi ng kanyang dokyumentasyon. Nararapat ito upang higit na magkaroon ng malalim na pag-unawa ang
mananaliksik sa tao at sa mga sirkumstansya na nakapaligid dito. Pinaniniwalaan ng pag-aaral na ito na kung ang isang
indibidwal ay naging bahagi ng kultura, siya ay nasa tamang posisyon upang magsagawa ng pagtalakay sapagkat kanyang
nauunawaan ang lahat ng komplikasyon nito. Ang metodolohiyang ito ng pag-aaral ay maaaring gumamit ng parehong
kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral.
6. Hindi madaling makapangalap ng datos kung gagamitin ang pamamaraang ito sapagkat nangangailangan ito ng
paglalaan ng mahabang panahon o oras;
7. Ang pakikipanayam ng mananaliksik sa mga respondente ng pag-aaral ay maisasagawa sa pamamagitan ng impormal
na pamamaraan. Maaaring may inihanda na mga gabay na katanungan ang mananaliksik subalit dapat ding maging
bukas sa opsyon na magkaroon ng mga tanong na kusang lalabas batay sa pangangailangan ng mga pagkakataon;
3. Ang kaligtasan ng mananaliksik ay salik din sa ganitong pamamaraan ng pag-aaral sapagkat ang paninirahan sa isang
komunidad na hindi naman niya nakasanayan at pakikipag-ugnayan sa mga taong estranghero ay kinapapalooban ng
panganib o risk.
Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik upang sikapin na mapaunlad ang kalidad ng isang organisasyon o
samahan. Kinasasangkutan ito ng isang siklo o isang paikot na proseso ng pagpa-plano, aksyon, kritikal na repleksyon, at
ebalwasyon. Ang kilos o action research ay maaaring maging epektibong dulog upang bigyan ng solusyon ang suliranin
ng isang organisasyon. Si Professor Kurt Lewin ang kinikilalang nagpaunlad ng pananaliksik na ito noong 1940’s.
Kinasasangkutan ito ng kwantitatibo o kwalitatibong pananaliksik o pareho.
Si Lewi ay gumagamit ng pilipit na hakbang (spiral steps) na kung saan ang mga ito ay binubuo ng siklo ng
pagpaplano, aksiyon, paghahanap ng mga datos o impormasyon hinggil sa resulta ng aksyon.
Si Stephen Corey (1953) ay may kaugnayan na pagpapakahulugan sa aksyon na pananaliksik
(action research). Ayon sakanya, ito raw ay angkop para sa mga nagnanais ng pagbabago sa kanilang
organisasyon bilang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng isa o ng pangkat. Nararapat nilang gamitin ang
kanilang imahinasyon at kasiningan upang matukoy ang mga kasanayan na nangangailangan ng
pagbabago upang harapin ang mga pangangailangan at hamon ng makabagong pamumuhay, buong
tapang na gamitin ang mga kasanayang ito na makapagbibigay nang higit na maayos at sistematikong
pangangalap ng ebidensya upang mapatunayan ang kanilang kabuluhan.
Katangian ng Aksyon na Pananaliksik (Action Research)
Ang isang pag-aaral na katulad ng aksyon na pananaliksik (action research) ay dapat magtaglay ng mg sumusunod
na mahahalagang katangian:
1. Integridad ng pag-aaral;
2. Nagwawaring pag-usisa o reflective inquiry
3. May siyentipikong pamamaraan;
4. Maliit na iskala ng pamamagitan;
5. Pagtuklas kung paano mabibigayan ng solusyon ang suliranin sa loob ng organisasyon;
6. Ito ay pagtasa upang pag- ugnayin ang namamagitan sa teorya at praktika;
7. Maisasagawa ito sa loob ng maiksing panahon lamang;
8. Ang mga respondente ng pag-aaral ay nasa kontrol ng mananaliksik
Mahalaga na maipakita sa isasagawang pag-aaral ang integridad nito sa pamamagitan ng pagiging maingat sa
metodo na gagamitin dito. Dapat magkaroon ng pamantayan sa pagbuo ng layunin, pagtukoy sa mga sulitanin,
katangian ng mga respondente, estadistikang pagpapahalaga at marami pang iba.
Ang aksyong pananaliksik ay kinasasangkutan ng pagwawaring pag-usisa(reflective inquiry) sa sarili bilang
mananaliksik at bilang paksa rin ng pag-aaral. Ito ay pag-usisa kung ikaw ba ay naging maayos na lider; kung ang polisiya ba
ay epektibo; kung ang mga mag-aaral ba ay natuto sa iyo gamit ang mga iba’t ibang estratehiya sa pag-aaral, at marami pang
iba.
Mahalaga rin na mabatid sa isang pag-aaral ang paggamit ng siyentipikong metodo ng pagtuklas na kinasasangkutan ng
pagtuklas sa phenomena, pagbuo ng hinuha (hypothesis) hinggil sa phenomena, eksperimentasyon upang maipakita ang
katotohaan at kamalian ng hinuha o hypothesis, at ng kongklusyon na siyang nagbibigay ng balidasyon o modipikasyon sa
hinuha o hypothesis.
Ang aksyon na pananaliksik ay kinasasangkutan ng maliit na iskala ng pamamagitan sa mga gawi ng tao sa loob ng
organisasyon upang matugunan ang mga usapin ng mga namumuno at pagkakaroon ng masusing pagsusuri sa epekto ng
nasabing interbensyon.
Halimbawa, kung nais nating magkaroon ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa isang organisasyon ay kailangan
ng magkaroon ng polisiya o kaya ay estratehiya. Ang nasabing polisiya o estratehiya ang siyang tinutukoy na interbensyon o
pamamagitan at ito rin ang tatasahin (evaluation) kung ito ba ay naging epektibo o hindi.
Ang pagtuklas kung paano mabibigayan ng solusyon ang suliranin sa loob ng organisasyon ay naka batay sa resulta o
kalalabasan ng pag-aaral batay sa mga datos na makakalap.
Ang isang pag-aaral ay kailangang nakabatay sa isang teorya o paniniwala na mayroong isyu I usapin sa
katotohanan o sa aktwal na sitwasyong sa isang samahan o organisasyon na paksa ng pag-aaral. Ang isang mabuting
pag-aaral ay nararapat na magkaroon ng pagtasa upang mapag-ugnay ang namamagitan sa teorya at praktika.
Hindi katulad ng ibang pag-aaral, ang aksyon na pananaliksik (action research) ay maaaring maisagawa sa loob
ng napakaiksing panahon lamang dahil na rin sa tawag ng pangangailangan na mabigyan ng agarang solusyon ang
isang isyu o suliranin sa pag-aaral.
Mahalaga sa aksyon na pananaliksik na ang mananaliksik ay may kontrol sa kanyang mga respondente ng pag-
aaral. Hindi nangangailangan na humingi ng pahintulot na makapagsagawa ng pag-aaral sapagkat ang mananaliksik
ay may direktang kontrol sakanila.
Halimbawa:
dalubguro at mag-aaral; nagmamay-ari at manggagawa.
Proseso sa Pagbuo ng Aksyon na Pananaliksik (Action Research)
Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na dapat isagawa upang makabuo ng isang mahusay o higit na kapaki-
pakinabang na aksyon na pananaliksik (action research):
Ang unang hakbang na dapat gawin sa pagbuo ng ganitong uri ng pananaliksik ay ang pagtukoy sa mga
suliraning nakapaloob sa organisasyong pamamalakad o sistema, ugnayan ng tao, polisiya. Hindi kailangan na
tumingin sa malayo o hanapin ang suliranin ng iba sapagkat pinaniniwalaan ng ganitong uri ng pananaliksik na higit
na makatutulong ang isang pag-aaral kung kaya nitong mapaunlad ang mga tao sa loob ng isang institusyon o
organisasyon na kung saan ang mananaliksik ay may kontrol.
Ang pagbuo ng plano kung paano matutugunan ang pangangailangan ng usapin ay maaaring gamitin ang mga
sumusunod na hakbang ng pananaliksik. Dapat na maging tiyak o kongkreto ang plano na kayang mabigyan ng
implementasyon sa loob ng maiksing panahon.
Sa ibinigay na halimbawa sa kahon sa itaas, makikita na ang magsasagawa ng pag-aaral o ng pananaliksik ay ang
dalubguro na kung saan ay susubukan niyang ipatasa (evaluate) sa kanyang mga mag-aaral ang epektong naidudulot ng
video presentation sa kanilang pagkatuto. Ang mga datos na makakalap dito ang siyang tutukoy sa mga kalakasan at
kahinaan ng video presentation na siya namang magiging pamantayan ng dalubguro upang kanyang mapaunlad ang
kanyang estratehiya o metodo ng pagtuturo.
Ang mga datos na makakalap ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsusuri gamit ang estadistika, literatura, at mga
obserbasyon. Mahalaga ang bahaging ito ng pag-aaral sapagkat isa ito sa mga pamantayan upang maipakita ang
kredibilidad ng isinagawang pag-aaral.
Matapos pagtuklas, mahalaga na ang mananaliksik ay makabuo ng kongkretong plano kung paano niya mapapaunlad
ang kanyang mga naunang plano. Ang ibig sabihin nito, nararapat na makita ng mananaliksik kung ano ang kanyang mga
natutunan buhat sa kanyang mga naunang pagkakamali at kung paano niya higit pang mapaunlad ang naging kalakasan ng
kanyang mga naunang plano.
Grounded Theory
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbuo ng teorya batay sa mga makakalap na datos. Makakatulong ang pananaliksik
na ito sa pagtuklas ng isang penomena na kakaunti pa lamang ang nakakaalam. Kadalasan na limitado ang mga literatura at pag-
aaral na ito ay nangangalap lamang ng datos upang patunayan ang isang teorya samantalang sa ibang pag-aaral, ang mananaliksik
ay nagsasagawa ng pag-aaral batay sa umiiral na teorya o mga pag-aaral.
Pinaunlad nina Barney Glaser at Ansel Strauss noong 1967 ang ganitong uri ng pag-aaral.
Sinabi ni Allan (2003) na ang paggamit ng grounded theory ay katulad ng pagtatanong o kaya ay pangangalap ng
kwalitatibong datos bilang panimula. Habang nirerebyu ng mananaliksik ang mga nakalap na datos, makikita ang mga konsepto at
elemento, na lalapatan ng koda na hinalaw mula sa mga datos. Habang maraming datos ang makakalap, at muling ni-rerebyu, ang
mga koda ay mararating pangkatin sa iba’t ibang konsepto, at pagkatapos ay bilang kategorya. Ang mga kategoryang ito ay siyang
magsisilbing batayan ng bagong teorya.
Pananaliksik na Penomenolohiya
Ito ay isang pag-aaral na karaniwang ginagamit sa agham panlipunan at naglalayong suriin ang buhay na mga karanasan.
Sinabi ni Waters (20170) na ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ilalarawan ang buhay na karanasan ng isang
penomena. Sapagkat ito ay kwalitatibong pagsusuri ng naratibong datos, ang metodo sa pag-aanalisa ng datos nito ay kailangang
maging kakaiba sa tradisyunal na metodo o kwalitatibong pag-aaral.
Gamit ang kwalitatibong pamamaraan ay sinusukat ng mananaliksik ang buhay na karanasan mula sa perspektiba ng
unang tao (first person point of view). Ang isang malakas na penomenolohikal na pag-aaral ay maaaring makapagdulot ng
magandang pagbabago. Ang ilan sa mga magagandang paksa ng penomenolohikal na pag-aaral ay ang mga sumusunod:
Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan g pagsusuri sa mga datos na hinalaw sa kwento ng mga personal na
karanasan. Karaniwan itong ginagamit sa marketing. Ang paksa o object ng pag-aaral ay tatanungin ng mga personal na
karanasan hinggil sa paggamit ng isang produkto. Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang higit na maunawaan o makilala
ang gawi o behavior ng market o mga taong potensyal na tumangkilik sa isang produkto.
Pag-aanalisa sa Nilalaman (Content Analysis)
Ang pag-aanalisa ng nilalaman ay isang uri ng pananaliksik na kung saan ang mananaliksik ay nagsasagawa ng
pagsusuri sa content o nalalaman ng isang konteksto. Maaari itong gamitin upang alamin ang dalas ng paggamit (frequency)
ng isang partikular na salita, parirala, konsepto o ideya sa isang teksto na paksa ng pag-aaral. Maaari rin itong gamitin upang
alamin ang dalas sa isang teksto na paksa ng pag-aaral ang kalakasan at kahinaan ng isang komunikasyon sa aspeto ng paraan
ng pagkasulat, mga kulay na ginamit, font, at iba pa. Kadalasan na ginagamit ang ganitong uri ng pag-aaral sa pagsusuri ng
akdang pampanitikan, laman ng talumpati, advertising o patalastas, at sa mga website.
Bagamat madalas itong iniuugnay sa kwantitatibong pag-aaral, maaari rin itong gamitan ng kwanlitatibo, o
kombinasyon ng kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral.
Ang diskurso ay isang uri ng pag-aaral na kadalasang ginagamit sa pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa lipunan at
sa mundo. Pinaniniwalaan ni Foucault (1970-1972) na ang diskursong pampubliko o panlipunan ay maaaring hinulma ng
makapangyarihang indibidwal o pangkat. Pinaniniwalaan din niya ang mga diskursong ito ay may kapangyarihan na hubugin
ang indibidwal at ang kanilang mga karanasan sa lipunan sa mundo. Ang mga ganitong uri ng ganitong diskurso sa pananaw
ni Foucault ay maaaring magmulat sa isang tiyak na katotohanan.
Pag-aanalisa ng Dokumento (Documentary Analysis).
Ang metodolohiyang ito ng pag-aaral ay angkop na gamitin sa mga mahahalagang datos na nakapaloob sa isang
pribado o pampublikong dokumento. Ang mga dokumentong ito ay maaari ring manggaling sa mga sumusunod: aklat,
mga papeles, pahatid kalatas, liham, tala (records), at iba pa.
Semiotika (Semiotics).
Ang semiotika ay ang pag-aaral ng senyas, kanilang anyo, nilalaman, at ekspresyon. Ang ganitong uri ng pag-aaral
ay madalas gamitin sa pagsusuri ng media.
SWOT na Pagsusuri
Ang SWOT na pagsusuri ay pamamaraan na makatutulong upang maunawaan ng isang mag-aaral ang kalakasan
(strength), kahinaan (weakness), pagkakataon (opportunity), at banta (threat) na kinakaharap ng isang proyekto.
Ito ay unang ginamit ni Albert Humphrey noong 1960’s at sa ngayon ay itinuturing na isa sa pinaka
makapangyarihang kagamitan sa pagsusuri para sa isang metatag na kalakalan (business).
Ginagamit ito sa konteksto ng kalakalan (business) upang makapaglilok ng isang metatag na pundasyon ng
tagatangkilik o market. Kung titignan naman ito sa personal na konteksto, ito ay makatutulong sa pagbuo ng isang
karera sapagkat dito mapahahalagahan ang iyong talino, abilidad, at mga pagkakataon o oportunidad.
Ang pamamaraang ito ng pag- susuri ay maganda sa kadahilanang napangingibabaw nito ang mga pagkakataon o
oportunidad sa mga kalakasan na handa mong ipakita o ibigay. Sa kabilang dako, ang pagtukoy sa kahinaan ay
makatutulong din nang malaki upang unti-unting burahin ang banta na maaaring umatake o sumira sa iyo sa darating
na mga panahon.
Sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong sarili at sa mga katunggaling hanapbuhay (competitor), ang isang mag-
aaral ay maaaring makabuo ng isang estratehiyang makatutulong sa paghahambing mo sa iyong sarili sa mga kalaban
upang sa gayon ay mapagtagumpayan mo sa iyong sarili sa mga kalaban
upang sa gayon ay mapagtagumpayang labanan ang kompetisyon para sa mga inaasahang tagatangkilik (market).
Tandaan:
Ang kalakasan (strengths) at kahinaan (weaknesses) ay karaniwan na matatagpuan sa loob (internal factors) ng
organisasyon o samahan, samantalang ang pagkakataon (opportunities) at banta (threat) naman ay may kaugnayan sa mga
salik na panlabas (external factors), dahilan kung bakit karaniwan itong tinatawag na Panloob-Panlabas na Pagsusuri
(internal-External Analysis) at ang matrix naman ng SWOT ay tinatawag din minsan na IE Matrix.
Kalakasan (Strengths)
Bilang gabay upang higit na maunawaan ang konsepto ng pagsusuring ito sa ilalim ng SWOT, mahalaga na sagutin ang
mga sumusunod na katanungan o pamantayan:
1. Ano ang kalamangan o bentahe na mayroon ang samahan o organisasyon na iyong kinabibilangan?
2. Ano ang ikinaangat mo sa iba o sa tinatawag na mga competitor o kalabang kumpanya?
3. Ano ang ikinatangi o pinakamababang halaga na gugulin sa mga pinagkukunan na wala ang mga kalaban o
competitors?
4. Ano ang mg kalakasan mo na nakikita ng ibang tao na tumatangkilik sa iyo?
5. Ano ang mga salik na nangangahulugan na ikaw ay kumita?
6. Ano ang kakaibang bentahe ng iyong organisasyon (unique selling proposition)?
(Maaaring isaalang-alang sa pagtukoy sa kalakasan ang perspektibong paloob, mula sa pananaw ng mga
tagatangkilik (customers) at ng mga tao na kasama sa iyong market. Sa pagtukoy sa sariling kalakasan, maaari mong
isaalang-alang ang iyong kalaban o competitor.)
Kahinaan (Weaknesses)
Ang pagsagot sa mga Sumunod na katanungan ay makatutulong upang matukoy ang kahinaan (weaknesses) ng samahan
o organisasyon na kinabibilangan:
(Tandaan: Nararapat mong harapin ang katotohanan gaano man ito kasakit para sa kabutihan ng sariling organisasyon o
samahan. Maaari mo ring isaalang-alang ang perspektibang panloob at panlabas at ano ang mga nakikita ng ibang tao na
kahinaan mo na hindi mo naman nakikita.
Pagkakataon (Opportunity)
Makatutulong din ang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan upang matugunan ang pangangailangan ng
SWOT sa aspeto ng pagkakataon (opportunity)
Tandaan:
Makatutulong sa pagtukoy sa pagkakataon (opportunity) kung iyong isasaalang-alang ang iyong kalakasan.
Maaari ring tingnan kung kayang tanggalin ang mga kahinaan at pagtatanong sa sarili kung ito ba ay maaaring
maging pagkakataon (opportunity).
Banta (Threats)
Matutukoy ng isang mag-aaral ang mga banta (threats) sa kanyang organisasyon o samahan gamit ang mga sumusunod na
katanungan bilang gabay:
Populasyon ng Pag-aaral
Ang populasyon ay tumutukoy sa eksaktong bilang ng respondente na isasangkot sa pag-aaral. Kailangan na maging tiyak
kung sinu-sino ang mga ito at kung bakit sila piniling isama sa pag-aaral. Sa pagpili ng populasyon, nararapat din na tukuyin
kung sinu-sino ang mga hindi kasama sa pag-aaral.
Pagkuha ng Sampol
Ang pagkuha ng sampol (sampling) ay ang paraan ng pagkuha ng subgroup sa populasyon na may pagsasaalang-alang sa
elemento ng tao, bagay, lugar, o mga pangyayari. Mahalaga na matutunan ang pagkuha ng sampol upang maging praktikal
din sa pangangalap ng datos. Mahihirapan ang isang mag-aaral na kuhanin ang buong populasyon ng pag-aaral lalong higit
kung ang pag-uusapan natin ay ang kanilang kakayahang manghikayat na sumagot sa kanilang talatanungan, kanilang oras na
gawin ang pamamahagi ng talatanungan, at salapi na gugulin para sa mga ipamamahaging talatanungan.
Mga Uri ng Pagkuha ng Sampol
Random Sampling.
Ito ang natatanging tipo ng pagkuha ng sampol na nagbibigay ng palagay sa pagkakaiba ng sampol at
populasyon. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga uri ng pamamaraan sa ilalim ng pamamaraang
random sampling:
1. Simple Random
2. Stratified proportional sampling
3. Systematic random sampling
4. Cluster sampling
5. Multi stage sampling technique
Non-random Sampling.
Sa ilalim nito ay ang mga sumusunod na pamamaraan ng pagkuha ng sampol:
1. Convenience sampling
2. Accidental sampling
3. Purposive sampling
4. Snowball sampling
Kailangan na isaalang-alang ng mananaliksik sa pagpili ng sampol ang kinakatawan nito. Ang pagkakaroon
ng kinakatawan ay higit na mahalaga kaysa sa laki ng sampol na nakuha sa isang populasyon. Upang makakuha
ng wastong paglalahad o pagsusuri sa mga datos, ang sampol ay dapat maging katawan ng isang populasyon.
Instrumentasyon
Matapos malaman kung sinu-sino ang dapat na maging respondente ng pag-aaral, dapat ding matutunan
ng mag-aaral kung ano ang instrumento na gagamitin upang makapangalap ng datos. Tinalakay na rin ito sa
mga naunang bahagi ng aklat na ito subalit mas minabuti ng may-akda na muli itong balikan dahil sa
kahalagahan na matutunan ito ng mga mag-aaral.
Binigyan ni Best (1981) ng klasipikasyon ang mga instrumento ang mga instrumento sa pangangalap
ng datos sa apat na kategorya:
1. Obserbasyon;
2. Panayam;
3. Hubog ng pagtatanong (inquiry form)
4. Pagsusulit o inbentaryong sikolohikal (psychological test and intervention)
Obserbasyon
Malaki rin ang maaaring maitulong ng obserbasyon sa pagpapakinis ng diskurso ng isang pag-aaral. Ang mga sumusunod ay
ilan lamang s mga klasipikasyon nito:
1. Naturalistikong obserbasyon
2. Obserbasyon na may interbensyon
3. Obserbasyon na pagkukunwari
4. Obserbasyon na walang halong pagkukunwari
Kung nais malaman ng mananaliksik kung paanong kumikilos ang paksa (subject) ng kanyang pag-aaral sa isang sitwasyong,
nararapat lamang na gumamit ito ng obserbasyon na walang interbensyon na kilala sa tawag na naturalistikong obserbasyon
(Zechmeister, Shaughnessy, 2009). Magandang gamitin ang ganitong uri ng obserbasyon sapagkat hinahayaan nitong makita ng
mananaliksik ang natural na kilos ng paksa (subject) na hindi naapektuhan ng kanyang presensya.
Ang karamihan sa mga pananaliksik sa sikolohiya ay kinasasangkutan ng obserbasyon na may kasamang interbensyon. Ang
mga dahilan kung bakit kailangan ng interbensyon ay (1) upang pukawin na kumilos ang paksa (subject) ng pag-aaral na bihira
lamang ang mga aktibidad; (2) sistematikong makita ang pagkakaiba ng kalidad ng stimulus at ang epekto niyo sa kilos ng paksa
(subject); (3) upang maging bahagi ng sitwasyong o pangyayari na karaniwan ay hindi bukas sa siyentipikong obserbasyon; (4)
ayusin ang kondisyong ng mga mahahalagang pangyayari na pumipigil sa kilos o gawi na handing maobserbahan; (5) makabuo ng
paghahambing sa pamamagitan ng manipulasyon ng mga baryabol na makapag-iisa upang malaman ang epekto nito sa gawi o
kilos.
Obserbasyon na may halong pagkukunwari.
Sa ganitong uri ng obserbasyon, ang indibidwal na paksa (subject) ng pag-aaral ay may ideya na siya ay
inoobsebahan upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral.
Sa ganitong pamamaraan ng obserbasyon, ang paksa (subject) ng pag-aaral ay may ideya na siya ay inoobserbahan
upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral.
Panayam (Interview)
Iminumungkahi na magkaroon ng isang gabay na katanungan para sa panayam upang makuha ang mahalagang
impormasyon na kailangan sa pananaliksik. Kahit na taglay ng isang mananaliksik ang kasanayan na makipanayam sa
paksa ng kanyang pag-aaral, may mga pagkakataon na makalilimutan din niya na ipukol ang mahahalagang katanungan
na nangangailangan ng importanteng kasagutan para sa kanyang pag-aaral.
Hubog ng pagtatanong (inquiry form). Ang form na ito ay tumutukoy sa planado at nakasulat na katanungan para sa
isang tiyak na paksa, na may espasyong nakalaan para sa tugon ng taong nais kapanayamin. Maaari itong ipadala sa e-
mail at maaari rin namang ipamahagi ng personal sa paksa (subject) ng pag-aaral. Kailangan ng maayos na konstruksyon
ng katanungan upang makuha ang inaasahang tugon sa mga kapapanayamin.
Focus Group Discussion
Ang focus group ay isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik ay bumubuo ng isang maliit na
pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao na ang tugon ay siyang pinag-aaralan sa market research at political analysis sa
pamamagitan ng ginabayan at bukas na talakayan. Inaasahan sa ganitong metodo na ang mananaliksik ay makapangangalap ng
sapat na impormasyon sa partikular na pangkat na ang tugon ay siya ring inaasahang sa higit na malaking pangkat. Ito ay isang
anyo ng kwalitatibong pananaliksik na kinasasangkutan ng mga panayam sa pangkat ng tao hinggil sa kanilang mga pananaw,
opinyon, paniniwala, at pagtingin hinggil sa isang produkto, patalastas, konsepto, ideya, at marami pang iba. Malaya ang
nagiging talakayan sa ganitong metodo subalit may paggabay sa pangkat o taong nagbigay ng inisyatibo para sa talakayan. Sa
buong proseso ng talakayan, ang mananaliksik ay inaasahang magtala o makakuha ng mahahalagang puntos na nakalap niya
buhat sa pangkat.
Kailangan na maingat na pagpaplano sa pagbuo ng pangkat para sa talakayan upang makabuo ng isang kaligiran na hindi
nakasisindak sa iba, sa gayon ang mga kasama sa pangkat ay malayang makapagsalita at makapagbibigay ng tapat o totoong
opinyon. Sapagkat ang mga kasama sa pangkat na ito ay hinihikayat na magsalita hindi lamang batay sa sariling pananaw kundi
may pagsasaalang-alang din sa iba, ang mga katanungan na dapat ipukol ng tagapamagitan sa focus group ay dapat magtaglay
ng lalim, pagiging pino, at baryasyon ng pagtalakay na hindi makikita sa ibang uri ng sarbey (survey).
Pangunahing Katangian ng Focus Group Discussion (FGDs)
Ang FDG ay nagtataglay ng mga sumusunod na pangunahing katangian:
1. Kinasasangkutan ito ng organisadong talakayan sa piling pangkat ng mga indibidwal upang makakuha ng sapat na
impormasyon hinggil sa kanilang pananaw at mga karanasan hinggil sa paksa;
2. Angkop itong gamitin sa iba’t ibang perspektiba hinggil sa parehong paksa;
3. Nakatutulong upang makakuha ng pananaw ng tao sa pag babahagi ng pag-unawa sa pang-araw-araw na pamumuhay at
mga pamamaraan kung saan ang isang indibidwal ay naimpluwensyahan ng iba sa sitwasyong sila ay nasa pangkat;
4. Ang papel na ginagampanan ng tagapamagitan o moderator ay napakahalaga sapagkat ang mataas na antas na nakahusayan
ng pinuno at kakayahang interpersonal ay kailangan upang maayos na mabigyan ng direksyon ang pangkat.
3. Ang mga ekspresyon ng mukha ng mga kasali sa pagtatalakay liban sa berbal na anyo ng komunikasyon sa buong proseso
ng pagtalakay ay makatutulong din nang malaki sa mananaliksik para makabuo ng isang makabuluhang pagtingin hinggil sa
pag-aaral.
Di-Kabutihan ng FGD
Sa kabila ng taglay na kabutihang maidudulot ng FGD, ito rin ay mayroon taglay na di-kabutihan katulad ng mga
sumusunod:
1. Bagamat ang tagapamagitan sa focus group ay binibigyan ng karapatan na kontrolin ang daloy ng pagtalakay, ang
hangganan ng pagkontrol ay nakasalalay sa kanyang kakayahan na ibinigay ng karanasan upang ito ay maisakatuparan;
2. May mga respondente ng pag-aaral na hindi palagay na ibahagi ang kanilang pananaw sa loob habang ito pinakikinggan
ng iba.
3. Maaaring hindi sapat ang bilang ng respondent upang katawanin ang pananaw ng higit na nakararami kung titingnan ang
pag-aaral sa sakop ng pag-aaral.
1. Ang talatanungan ay nararapat na tumatalakay sa mahalagang paksa, talatanungan na makikita ng respondente ang
kahalagahan upang ito ay kanyang pag-ukulan ng mahabang panahon. Ang kahalagahan ay nararapat na maging
malinaw ay maingat ang pagkakalahad sa talatanungan at sa liham na kalakip nito.
2. Hinahanap nito ang tanging impormasyon na hindi makakuha sa ibang sanggunian katulad ng ulat ng eskwelahan o
datos mula sa sensus.
3. Ito ay maiksi kung maaari, at mahaba upang makuha ang mahahalagang datos na kinakailangang sa pag-aaral.
Karaniwan na ang mahabang talatanungan ay nauuwi lamang sa basurahan sapagkat hindi ito pinagtutuunan ng pansin
ng mga dapat sumagot nito.
4. Dapat itong maging kaiga-igaya sa paningin, malilnis ang pagkakaayos, at maliwanag ang pagkakalimbag.
5. Maliwanag at kumpleto ang direksyon, natutukoy ang mahahalagang terminolohiya, ang bawat katanungan at
tumutugon sa isang ideya, ang lahat ng katanungan ay humihingi ng simple, wasto, at hindi nakakalitong kasagutan.
6. Ang mga katanungan ay obhektibo na walang ibinibigay na mungkahi sa sagot na nararapat na ibigay.
7. Ang mga katanungan ay inilahad sa tama at lohikal na pagkakaayos mula sa malawak tungo sa mas espisipikong
tugon.
8. Madali itong ilagay sa talaan at bigyan ng kahulugan.
Halimbawa ng talatanungan:
Yun lamang po.
Maraming Salamat!
-Group 8