Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ANG PINAGMULAN

NG WIKA
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Unang Bahagi)
MAHALAGANG TANONG:
Bakit mahalagang matunton ang
kasaysayan ng wika? Ano ang kabuluhan
nito sa masusing pag- aaral?
ALAM MO BA?
Sinasabing ang mga wika sa Pilipinas ay
kabilang sa malaking pamilya ng mga
Austronesean. Kabilang sa pamilyang ito ang
sumusunod:

1. mga wika mula sa Formosa sa hilagang New


Zealand sa timog
2. mula sa isla ng Madagascar sa may baybayin
ng Africa hanggang Easter Islands sa gitnang
Pasipiko
Emmert at Donaghy (1981
“Ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang Sistema ng mga sagisag
na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay
inuugnay natin sa mga kahulugan na nais nating iparating sa ibang
tao”.
PANINIWALA SA BANAL NA
PAGKILOS NG PANGINOON
PANINIWALA SA BANAL NA PAGKILOS NG PANGINOON

GENESIS 2: 20
“At ipinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga
ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang.”
- Makikita sa bersong ito na kasabay ng pagkalalang sa tao ang
pagsilang din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastas.
GENESIS 11:1-9
- Ipinapakita rito ang pinagmulan ng pagkakaiba- iba ng wika.
PANINIWALA SA BANAL NA PAGKILOS NG PANGINOON
GENESIS 11:1-9
1. At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita. 2At nangyari, na, sa kanilang
paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar;
at sila'y nanahan doon. 3At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at
ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa. 4At
nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang
taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka
tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa. 5At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang
bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. 6At sinabi ng Panginoon, Narito,
sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang
gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin. 7
Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y
huwag magkatalastasan sa kanilang salita. 8Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula
riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan. 9Kaya ang
pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong
lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
TORE NG BABEL
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon
kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang
tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-
ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos
na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika
ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa
wikang sinasalita.
EBOLUSYON
EBOLUSYON

1. TEORYANG DING DONG


Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga dahilan ng mga sinaunang tao
sa mga tunog ng kalikasan.
Sinasabing ang mga paggaya sa mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng
kaalaman sa mga salita ng mga saunang tao.
Ipinapakita sa teoryang ito na ang lahat na bagay ay may sariling tunog na
maaring gamitin upang pangalanan ang isang bagay na iyon.
Halimbawa:
Boom- tunog ng pagsabog
Splash- paghampas ng tubig sa isang bagay
Whoosh- sa pag- ihip ng hangin
2. TEORYANG BOW- WOW
Ang wika raw ay nagmula sa paggaya ng sinaunang tao sa mga tunog na
nililikha ng mga hayop.
Pinaniniwalaang nabuo ng mga primitibong tao ang knilang mg unang salita sa
panggagaya sa mga ito.
Sinasabi pang kaggaya ng mga sanggol na nag- uumpisang magsalita, ginagaya
ng mga ito ang mga tunog ng kanilang naririnig.
Halimbawa:
bow- wow para sa aso
ngiyaw para sa pusa
kwak- kwak para sa pato
moo para sa baka
3. TEORYANG POOH- POOH
Ang wika ay nagmula raw sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng
sinaunang tao nang nakarandaman sila ng masidhing damdamin tulad ng
tuwa, galit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.
Halimbawa:
Ang patalim ay tinatawag na ai- ai sa Basque sa kadahilanang ai- ai
ang winika kapag nasaktan. (Ai- ai- “aray”
4. TEORYANG TA-TA
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng
tao sa paggalaw ng dila.
Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumilikha ng tunog at
matutong magsalita.
Halimbawa:
Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad
ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-
ta.
5. TEORYANG YO- HE- HO
Batay sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsama- sama, lalo na
kapag nagtatrabaho nang magkakasama.
Ang mga tunog o himig na namumutawi sa bibig ng tao kapag sila ay
nagtatrabaho nang sama- sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao
ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi
nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng
mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang
mga ina ay nanganganak?
6. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY

Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos
lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda,
pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at
pagluluto.

Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation


o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa
mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
7. TEORYANG YUM-YUM
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig
ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag
ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika

You might also like