Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Pagliligpit at Paghuhugas

ng Pinagkainan
TINA CENTRAL ELEM. SCHOOL
ROSALYN M. LURTCHA
EPP IV
KOMPETENSI LAYUNIN PAMAMARAAN

A. BALIK ARAL F. PAGLILINANG SA


KABIHASAN

B. PAGGANYAK G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA


PANG ARAW-ARAW NA BUHAY

C. PAGLALAHAD H. PAGLALAHAT NG ARALIN

D. PAGPAPALALIM NG I. PAGTATAYA NG ARALIN


KAALAMAN
J. KARAGDAGANG ARALIN PARA
E. PAGTATALAKAY NG SA TAKDANG ARALIN AT
BAGONG KONSEPTO REMEDIATION
KOMPETENSI
Naisasagawa nang may sistema ang
pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan
EPP4HE-0i-14
LAYUNIN
1. Nasusunod ang wastong paraan ng
paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan at
pinaglutuan.
2. Naisasagawa ng buong husay ang pagliligpit at
paghuhugas ng pinagkainan.
3. Nasasabi ang kabutihang dulot ng kalinisan at
kaayusan sa Kusina.
PAMAMARAAN
A. BALIK ARAL
Panuto: Sabihin kung tsek (/) kapag ang pangungusap ay
nagsasabi ng kagandahang asal sa hapag kainan at ekis ( x)
kung hindi
____ 1. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor.
____ 2. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig.
____ 3. Magsalita kahit puno o may pagkain ang bibig.
____ 4. Ipakisuyo sa kasamahan ang pagkaing malayo sa
inyo.
____ 5. Iwasan ang paksa ukol sa patay, sakit o kalamidad.
B. PAGGANYAK
Tumutulong ba kayo sa pagliligpit pagkatapos kumain?
Tingnan ang nasa larawan. Ano ang makikita ninyo sa unang
larawan? Sunod?
C. PAGLALAHAD
D. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Ang mag-anak na nagtutulungan ay masayang natatapos


ano mang gawaing nasimulan. Ang mga Gawain sa
paghahanda ng pagkain ng mag-anak ay hindi natatapos
sa pagluluto at pagdudulot ng pagkain lamang. Bawat
kasapi ng pamilya ay kailangang tumulong hanggang sa
pagliligpit ng pinagkainan.
Bago ko ipapakita sa inyo ang video tungkol sa
masistemang pagliligpit ng mga pinagkainan basahin nang tahimik
ang mga tanong para sa talakayan:
1. Ano-ano ang wastong paraan 4. Pagkatapos mahugasan ang
ng paghuhugas sa pinagkainan at lahat ng pinagkainan at
pinaglutuan? pinaglutuan ano ang iyong
2. Anong kagamitan ang dapat gagawin?
5. Bakit kailangang malinis at
unang hugasan, pangalawa, walang amoy ang lalagyan ng mga
pangatlo at iba pa. kasangkapan?
3. Bakit kailangang sundin ang
ganitong pagkasunod-sunod?
E. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO

Talakayin ang mga ito:


• Hakbang sa Paglilinis ng mesa:
1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.
2. Pagsama-samahin ang mga magkaparehong
pinggan at ilagay sa tray.
3. Dalhin ang mga ito sa kusina upang hugasan.
4. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin
ang mesa.
• Paghuhugas ng pinagkainan at mga kagamitan sa
pagluluto
1. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas
malinis na kasangkapan .Ilagay ang mga huhugasang
pinagkainan sa dakong kanan ng lababo ayon sa
pagkasunod-sunod:
a. Baso o glassware
b. Kubyertos o silverware
c.Plato o chinaware
d.Sandok at siyansi
e.Kaldero, kaserola,kawali at iba pa.
2. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na
palanggana na may sabon o dishwashing liquid at
espongha.
3. banlawang mabuti.
4. Ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.
5. Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na
pamunas.
6. Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi
lumabo.
 Bakit kailangang sundin ang ganitong
pagkasunod-sunod?
 Pagkatapos mahugasan ang lahat ng
pinagkainan at pinaglutuan, ano ang inyong
gagawin?
 Bakit kailangang malinis at walang amoy ang
lalagyan ng mga kasangkapan?
F. PAGLILINANG SA KABIHASNAN
GAWAIN 1
Isagawa ng bawat pangkat ang wastong pagliligpit at
paghuhugas ng pinagkainan.
 Ilang beses banlawan ang mga pinagkainan?
 Ano sa English ang Baso,Kutsara at tinidor,plato
at iba pa.
GAWAIN 2
Panuto: Kumpletuhin ang mga hakbang sa paglilinis ng mesa at paghuhugas
ng pinagkainan. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa ibaba
Kusina plato lababo pinggan mesa
Dishwashing liquid dish rack malinis kalagyan
Basahan
Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa ______ . Pagsama-samahin ang mga
magkakaparehong ________ at ilagay sa tray. Dalhin ang mga ito sa _______
upang hugasan. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin ang _______.
Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong kanan ng _______. Ayon
sa pagkakasunod-sunod. Sabunin ang mga ito gamit ang _________.
Banlawang mabuti at ilagay sa ______ at pabayaang tumulo.Patuyuin ang mga
ito gamit ang malinis na_______. Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat
_______ . Tiyakin na ang mga lalagyan ay ________ at walang amoy bago
iligpit ang mga kasangkapang ginamit.
GAWAIN 3
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang SA kung ikaw
ay sang-ayon sa pahayag. HAS kung hindi sang-ayon.
____ 1. Ang paghuhugas ng pinggan, simulan sa mga plato o china ware
____ 2. Ang paglilinis ng hugasan ay ginagawa pagkatapos maghugas ng
pinagkainan.
____ 3. Ang paglilinis ng pinagkainan ay ginagawa pagkatapos kumain
____ 4. Kailangang malinis at nakaayos ang hugasan at pinagkainan bago
iwanan.
____ 5. Ang pagliligpit ng kusina ay kinabibilangan ng mga Gawain na
paglilinis ng lutuan at sahig.
____ 6. Kinukuskos ang mga binabanlawan upang maalis ang dumikit na
sabon.
____ 7. Ang pagliligpit ng pinagkainan ay ang pag-aalis ng mga kagamitan
na ginamit sa pagkain.
____ 8. Pupunta at pupunta pa rin ang ipis at daga kahit, walang amoy at
malinis ang lalagyan ng kasangkapan.
____ 9. Sa madaling pagtatapon ng basura, ihagis ito sa likod ng bahay.
____ 10. Itinatago ang natirang pagkain sa refrigerator o sa lalagyang may
takip.
G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG ARAW-ARAW NA BUHAY
(Application/ Valuing)

 Ipaliwanag ang sakuna na hatid kung hindi susundin


ang mga paraan at kung hindi malinis at maayos ang
mga kagamitan o kasangkapan sa kusina?
 Maaaring mahulog ,mabasag o mabagsakan
tayo,maaari rin tayong magkasakit kapag hindi
nasunod ng may sistemang paraan sa paglilinis at
pagaayos sa mga kagamitan at kasangkapan sa kusina.
H. PAGLALAHAT NG ARALIN
(Generalization)

Tingnan natin kung nakinig kayo sa ating talakayan kanina?


1. Ano ang dapat gawin pagkatapos kumain?
• Iligpit at lilinisin ang mga pinagkainan sa mesa.
2. Paano ang wastong paraan ng paghuhugas ng pinagkainan at
pinaglutuan?
• Isagawa ito ng may Sistema ang pagliligpit at paghuhugas na mga
pinagkainan.
3. Ano ang magandang dulot sa pamilya kung palaging malinis at
maayos ang mga kasangkapan o gamit sa kusina?
• Ang ating pamilya ay masaya , malusog at malayo sa sakit.
I. PAGTATAYA NG ARALIN
Ayusin ang wastong pagkasunod-sunog
A. Isulat ang bilang isa(1) hanggang lima (5) sa patlang
ayon sa pagkasunod-sunod
____ a. mga plato, platito, tasa at mangkok o chinaware
____ b. mga kubyertos o silverware
____ c. mga baso o glassware
____ d. palayok, kaldero, kawali at iba pa
____ e. sandok at siyansi
I. PAGTATAYA NG ARALIN
B. Isulat ang bilang isa(1) hanggang lima (5) sa patlang ayon
sa pagkasunod-sunod:
_____ a. Banlawang mabuti
_____ b. Patuyuin sa pamamagitan ng pagpupunas ng malinis
na tela/basahan
_____ c. Sabunin ang mga kasangkapan
_____ d. Ilagay sa patuyuan o dish rack at hayaang tumulo ito
_____ e. Ilagay ang mga hugasan sa kanang bahagi ng
lababo.
J. KARAGDAGANG ARALIN PARA SA TAKDANG ARALIN AT
REMEDIATION
Pumili ng isang iskedyul sa isang araw, maaaring agahan, tanghalian, o
hapunan. Lagyan ng (/) ang hanay kung nagawa mo na maghugas at
magligpit ng pinagkainan at pinaglutuan sa iyong napiling iskedyul.
Papirmahan sa magulang ang kasunduan sa loob ng isang linggo.
Iskedyul Agahan Tanghalian Hapunan
Lunes      
Martes      
Miyerkules      
Huwebes      
Biyernes      
Sabado      
Linggo      
Maraming Salamat

You might also like