Professional Documents
Culture Documents
Ang Pakikipanayam o Interbiyu
Ang Pakikipanayam o Interbiyu
INTERBIYU
Inihanda ni:
ROGER D. SALVADOR
• Ang pakikipanayam o interbiyu ay isang anyo ng
personal na pakikipagtalastasan ng dalawang
panig.
• Sila ay nagkasundong magtagpo para sa
layuning makapagbigay ng impormasyon ang
taong hinihiling na makapanayam at makakuha
naman ng mahahalagang impormasyon kaugnay
ng mga tiyak na katanungan mula sa taong
humihingi ng panayam.
• Ang pakikipanayam ang pinakamabilis na
paraan ng pagkuha ng impormasyon tungkol sa
isang pag-aaral o pagsusuring isinasagawa.
• May dalawang uri ng pakikipanayam batay sa
layunin ng humihingi ng panayam.
a. Panayam na pangkaalaman
b. Panayam na panghanapbuhay
• Ang panayam na pangkaalaman ay dapat na
kasangkutan ng apat na magkakahiwalay na mga
gawain.
1. Pumili at magtakda ng taong kakapanayamin.
Kailangan siya ay may sapat na kaalaman,
karanasan at kinikilalang awtoridad sa paksang
ikinukuha ng impormasyon.
2. Alamin kung saan maaaring matagpuan ang
taong kapapanayamin.
3. Kunin ang pahintulot ng taong kapapanayamin at
magtakda ng araw at oras ng pakikipanayam. Maaari
itong gawin sa pamamagitan ng telepono o liham.