Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pagpoproseso ng

Impormasyon para sa
Komunikasyon
Kasanayan sa Pakikinig
Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
“sensoring pandinig” at pag-iisip. Sinasabing aktibong
proseso ito sapagkat nagbibigay-daan ito sa isang tao
na pag-isipan, tandaan at unawain ang kahulugan at
kabuluhan ng mga tunog na napakinggan.
Napakahalaga ng pakikinig sapagkat
Malaki ang maitutulong nito sa
pamumuhay ng isang indibiduwal. Ito ay
mabisa at mabilis na paraan upang
makauha ng impormasiyon kumpara sa
pagbabasa.
Isa sa napakahalagang sangkap sa pakikinig ay ang
“pakikipag-kapuwa”. Ito kasi ang magsisilbing tulay sa
mabilis na pagkakaunawaan at pagkakaroon ng
mabuting palagayan.
Proseso ng Pakikinig
1. Pagtanggap ng mensahe- Ihanda ang sarili sa pakikinig bago tumanggap ng
mensahe

2. Pagtuon ng atensiyon sa tinatanggap na mensahe- Alisin ang mga bagay na


maaring ikasira ng atensiyon sa pagtanggap ng mensahe.

3. Pagbibigay-kahulugan sa mensahe- Maging positibo sa pagbibigay ng kahulugan


sa mensaheng tinanggap.
Proseso ng Pakikinig
4. Pagtanda sa Mensahe- Mainam ang pagtatala (note-taking) upang matandaan
lahat ng mensahe.
5. Pagtugon sa Mensahe- Batayang sukatan ng kasanayan ng isang indibiduwal sa
pakikinig.
Pagpili ng Batis
(Sources) ng
Impormasyon
Primaryang Batis (Primary Source)
Naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- uusapan
sa kasaysayan.

Sekondaryang Batis (Secondary Source)


Mga aklat, tesis, manwal, artikulo dyornal at iba pa na maaring pagkunan ng
impormasiyon

Hanguang Elektroniko
Mga batayan na halaw sa web. Dulot ito ng pagsasanib ng teknolohiya ,
serbisyong postal, telepono at silid-aklatan.
Pagbabasa at
Pananaliksik ng
Impormasyon
Ang pagbasa ay isang
psycholinguistic guessing
game. Ang isang mambabasa
ay bumubuo muli ng kaisipan o
mensahe hango sa tekstong
kanyang binasa.
Iba’t ibang uri ng pagbabasa
1. Iskaning (Scanning)- pagbasa sa mga susi na salita o key
word, pamagat at sub-titles .

2. Iskiming (Skimming)- Pinaraanang pagbasa at


pinakamabilis na pagbasang magagawa ng isang tao. .

3. Prebyuwing (Previewing)- Sa uring ito, ang mambabasa ay


hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang
kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat.
Iba’t ibang uri ng pagbabasa
4. Kasuwal (Casual)- Pagbasa ng pansamantala o di-palagian.
Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay
o pampalipas ng oras.
5. Pagbasang Pang-impormasiyon (Informative Reading)- Ito’y
pagbasang may layunin malaman ang impormasyon.
Pasadya ang pagbabasa ng impormasiyon rito.
Pagbubuod at Pag-uugnay-
ugnay ng Impormasyon
Ang Pagbubuod
• Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideya o datos.
• Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at
kronolohikal na daloy ng mga ideya ng
binuod na teksto.
• Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto.

• Ang teksto ay maaring nakasulat,


pinanood o pinakinggan.
Mga Hakbang sa Pagbubuod
1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto.

2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan. Tukuyin ang paksang


pangungusap o pinaktema. Tukuyin ang key words.

3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.

4. Isulat ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.

5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.

6. Makakatulong ang transitional devices o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya


gaya ng: gayunpaman, kung gayon at bilang pangwakas .

7. Huwag magsinggit ng mga opinion.


Halimbawa
ng
balangkas
ng
pagbubuod

You might also like