Marison Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

Aralin 12

Ganda at Yaman
ng Pilipinas0
Paghawan ng
Balakid

Tuklasi
n Mo
1.Napakaamo ng mga
alagang hayop nina
Maria. Nakipaglaro ang
bawat isa sa lahat ng
taong bumibisita sa
kanilang tahanan.
2.Pumunta si Tatay sa
palengke upang bumili
ng darak para sa aming
alagang baboy.
3. Bumubukal ang
mamahaling bato tulad ng
diyamante, rubi, sapiro,at
esmeralda.
4. Dahil sa hindi pag-ulan,
natuyo ang kanilang palayan
at nagbitak-bitak ito.
5. Ang mga tao ay naging
sakim.Gusto nilang
maangkin ang lahat ng
kayamanan na mayroon sa
kanilang lugar.
Pagganyak

Ano ang
maituturing mong
sariling yaman?
Paano mo ito
pangangalagaan?
Gawin Natin
Ano-ano ang
nais mong
malaman sa
kuwento?
Mariang Sinukuan
Ang Diwatang Tagapag-ingat ng Bundok
Arayat
Eugene Evasco
LG & M
May diwatang tagapag-
ingat ang Bundok Arayat.
Siya’y si Mariang
Sinukuan, ang anak ni
Aring Suku, ang hari ng
araw ng mga
Kapampangan. Nakatira
ang diwata sa ginintuang
palasyo sa tuktok ng
bundok upang matanaw
nang husto ang sariling
kaharian.
Binabantayan niya ang mga alagang
hayop at kulisap sa bundok. Napakaamo ng
mga ito at hindi takot sa tao. Hindi niya
pinahihintulutang mag-away ang mga
alaga. Pinalalaro niya ang mga orkidyas at
pinababango ang mga bulaklak. Tinitiyak
din ng diwata na namumunga sa tamang
panahon ang mga tanim niyang puno.
Pinalulusog sila ng dalawampu’t
limang dalaga na laging bumababa sa
bayan para bumili ng darak na
makakain. Tuwang-tuwa ang taong-
bayan sa mga butil ng ginto na bayad
sa kanila ng mga katuwang. May
dalawampu’t limang katuwang na
dalaga ang diwata. Sila’y mga Ita na
inatasan ng diwata na mag-alaga sa
mga baboy-ramo sa Bundok
Arayat.Tulad ni Mariang Sinukuan,
balot ng mamahaling alahas ang mga
Ita. Ang mga hayop na alaga ay
maligayang-maligaya sa Arayat.
Sinasabing hindi nauubusan ng
ginto sa palasyo ni Mariang
Sinukuan. Bumubukal pa ng mga
mamahaling bato tulad ng
diyamante, rubi, sapiro, at
Esmeralda sa palasyo. Ang mga
ito’y handog ng engkantong
minsang umibig kay Mariang
Sinukuan. Kung bumababa ng
bundok ang diwata at bumibisita sa
bayan, suot niya ang magarang
damit na yari sa lantay na ginto.
Pinagniningning ang
kanyang damit ng mga
mamahalin at makukulay
na bato. Napatitig ang
lahat sa kagandahan ni
Mariang Sinukuan.
“Hayan na ang diwata!
Hayan na ang diwata!”
sigaw ng mga batang
manghang-mangha.
Kapag nalalapit na ang
pista o anumang kasiyahan sa
bayan, nagpapahiram ng mga
kuwintas, singsing at hikaw si
Mariang Sinukuan sa mga
dalaga. Pinahihiram din niya
ng mga kagamitang
pangkusina ang mga ito.Yari
ang mga ito sa ginto. Agad
ding pinahihinog ng diwata ang
mga bunga at mga butil ng
palay para may maihaing
pagkain sa pista.
Nagbibigay din siya ng
mga sako ng asukal, harina,
malagkit, at niyog sa mga
pamilyang hindi nakapag-ani
nang masagana.
Pinahihintulutan din ng
diwata na makapaligo ang
sinumang may karamdaman
sa mga bukal sa Bundok
Arayat. Nakapagpapagaling
ng anumang sakit ang tubig
na nagmumula rito.
Malayang makapamasyal ng
Bundok Arayat ang mga taga-
bayan para masilayan ang
palasyo ng diwata. Doo’y
nakapamahinga sila at
hinahangaan ang paligid.
Nakapaglalaro ang mga bata sa
hardin ni Mariang Sinukuan.
Nakapamimitas sila ng mga
bunga at bulaklak. Ang mga
bisita sa Arayat ay nabubusog
sa meryendang mangga,
kaimito, makopa, at dalandan.
Ngunit
ipinagbabawal ni
Mariang Sinukuan na
mag-uwi ng mga ito sa
bayan. “Bumalik na
lamang kayo rito,” sabi
niya sa mga tao. Laging
bukas ang aking
kaharian sa sinumang
magbabalik.”
Dahil bantog sa kanyang
kabutihan, sinuman ay maaaring
humiling ng makakain sa
diwata.“Mariang Sinukuan, nais naming
makatikim ng sinampalukang manok!
Mariang Sinukuan, gusto namin ng
inihaw na karne! Mariang Sinukuan,
nais namin ng sinigang! Mariang
Sinukuan, nais namin ng
litson!”Pagbalik ng mga humiling sa
kanyang tahanan, magugulat
silang nakahain na sa mesa ang
mga hiniling sa diwata.
Isang tag-araw, parang apoy na
kumalat ang labis na pagkatuyo ng
lupa sa kapatagan. Nalanta ang
lahat ng pananim ng mga tao.
Natuyo ang kanilang palayan at
nagkabitak-bitak ito. Naglaho ang
tubig sa mga ilog at sapa. Nakita
ito ni Mariang Sinukuan kaya
inutusan niya ang dalawampu’t
limang katuwang na Ita na
mamahagi ng makakain sa
taumbayan. “Kaybait ninyo! Kaybuti
ninyo!” sabi ng mga tao habang
naluluha sa biyayang ipinagkaloob
ng diwata ng Bundok Arayat.
Namahagi rin ang diwata ng mga luya sa
bawat tahanan. Lubos na nagtaka ang lahat sa
mga pirasong ito ng luya at muntik na nila itong
itapon. Kinabukasan, nabigla ang taumbayan
nang maging mataas na uri ng ginto ang mga
luya! Agad ding nagpadala si Mariang Sinukuan
ng ulan para manumbalik ang lusog ng lupa sa
bayan. Namahagi din siya ng mga binhi ng palay
at mais na mabilis tumubo at namumunga nang
hitik na hitik.
Lumipas ang panahon at
naging sakim ang mga tao.
Gusto nilang maangkin ang
lahat ng ginto at alahas ni
Mariang Sinukuan. Napapagod
na sila sa pag-akyat at pagbaba
ng bundok kaya hindi na nila
ibinabalik ang mga hiniram na
alahas sa diwata.Pinatutunaw
nila ang kaldero, kawali, sandok
at kutsarang ginto ni Mariang
Sinukuan para ipagbenta sa
mga banyaga.
Dinadaya nila ang
dalawampu’t limang Ita
kapag nagtitinda sila ng
darak. “Kulang pa kayo
ng kalahating sako ng
ginto,” lagi nilang
paratang sa mga
katuwang ni Mariang
Sinukuan.
Humiling din ang lahat ng
kung anu-anong bagong
pagkain kay Mariang
Sinukuan. “Gusto namin ng
adobo! Gusto namin ng
morkon! Gusto namin ng
menudo, pochero, tocino,
longganisa, at kare-kare!”
Nabigla si Mariang
Sinukuan. Hindi niya alam
kung anu-ano ang mga iyon.
Hindi niya kilala ang mga
pagkaing ito dahil pagkain ito
ng mga banyaga.”Hayaan
ninyo at aalamin ko kung
paano ito lulutuin,”
malungkot na sabi ng diwata
sa taumbayan. Galit na galit
ang taumbayan dahil hindi ito
maibigay sa kanila ng diwata
ng Arayat.
Kasama ang mga banyaga,
nilusob ng taumbayan ang
Bundok Arayat. Pinitas nila ang
bawat bunga sa mga puno.
Kinuha nila ang mga bulaklak at
mga orkidyas. Hinukay nila ang
tanim na luya sa pag-aakalang
magiging ginto muli ito.
Inuwi nila ang mga baul ng
mamahaling bato mula sa palasyo
ng diwata. Hinuli nila lahat ng mga
baboy-ramo at dinala sa
kapatagan. Pagkaraan, kinatay
nila ang mga ito at nagdaos ng
maagang kapistahan.
Hindi pa nasiyahan ang
taumbayan kaya sinalakay nila
ang palasyo ni Mariang
Sinukuan. Kinuha nila ang
dingding na ginto. Pinag-
agawan nila maging ang pintong
ginto, kurtinang ginto, sahig na
ginto, bubong na ginto. Nag-
away pa ang ilan sa pagsalakay
sa palasyo. Iniuwi nila ang mga
ito at ipinagbenta sa ibang
bayan.
“Bakit kayo nagkaganyan?” Galit
na galit si Mariang Sinukuan sa
ginawa ng taumbayan. Nilabag ng
mga ito ang kanyang utos na huwag
mag-uuwi ng anuman mula sa
bundok. Labis itong nagdamdam
dahil hindi na nagsasauli ng
kagamitan ang mga tao. Nalungkot
ang diwata dahil naubos ang
kanyang mga alagang bulaklak,
orkidyas, at baboy-ramo. Pinutol ang
kanyang mga puno. Pinalayas pa ng
taumbayan ang dalawampu’t limang
Ita na katuwang ng diwata.
Sa tulong ng mga higante
at engkanto ng ibang bundok,
itinago ni Mariang Sinukuan
ang kanyang palasyong ginto
sa pinakailalim ng Bundok
Arayat. Ang mga sako-sakong
luya na ninakaw ng
taumbayan ay ginawa niyang
mga balang. Dumami ang
mga ito at sinalakay ang mga
taniman.
Naging kalawangin ang mga
kagamitan pangkusina at alahas na
hindi ibinalik ng mga dalaga sa diwata
ng Arayat. Ang mga mamahaling bato
sa mga baul ay naging buhangin. At
naging bato ang mga nakaw na ginto.
Hindi na nagpakita pang
muli sa taumbayan ang
butihing diwata ng Bundok
Arayat. Sinumang pipitas ng
bulaklak at bunga mula sa
bundok ay maliligaw sa
gubat at hindi na
matatagpuan ninuman.
Sinasabi ring ang sinumang
magtatangkang bumungkal
at tumapyas ng Bundok
Arayat para tuklasin ang
ginintuang palasyo ay
magiging bato.
Ngunit ayon sa ilang sabi-
sabi, kapag minsan, may isang
marikit na binibini sa Bundok
Arayat na masayang kinakausap
ang mga hayop, bulaklak, at puno
sa gubat, umaawit-awit pa. Hindi
takot ang mga usa, baboy-ramo,
at mga pambihirang ibon na
lumapit sa kanya.Sumasayaw ang
mga halaman at namumukadkad
ang mga bulaklak kapag lumilitaw
ang misteryosang dalaga. Siya
kaya ang diwatang si Mariang
Sinukuan?
Pagtatapos

Dapat bang
tularan ng mga
tao sa paligid si
Maria?
Balikan

Ano ang Ano ang


pang- pang-
uri? abay?
Tukuyin ang mga
pangngalan at kilos na
ipinakikita ng larawan.
Ilarawan ang bawat isa
upang makabuo ng parirala.
Tsart ng Pag-uulat
Pang-uri Pang-abay
Gawin Natin

Pangkat Pangkat 2
1
Pangkat 3 Pangkat 5

Pangkat 4
Ang pang-abay ay mga
salitang nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri o kapwa
pang-abay.
Habang ang pang-uri ay
nagbibigay ng turing sa isang
pangngalan o panghalip.
Paglalahat

Isaisip Mo
Gamit ang tsart na nasa
ibaba sabihin ang
pagkakaiba at pagkakatulad
ng pang-uri at pang-abay.
Pagkakatula
d
Pagkakaiba Pagkakaib
a

Pang-uri Pang-
abay
Subukin
Natin
Tukuyin kung pang-abay o pang-uri ang salitang
naglalarawan sa bawat pangungusap.
1. Ang mga mag-aaral ay tahimik.
2. Ang mga mag-aaral ay tahimik na
naghihintay sa kanilang mga magulang.
3. Ang anak ni Rafael ay magalang.
4. Magalang sumagot ang mag-aaral na
napagtanungan ko.
5. Si Ruby ay masipag mag-aral.

You might also like