Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MODYUL 1: MGA HAMONG

PANGKAPALIGIRAN
PAUNANG PAGTATAYA
subukin mong sagutin ang paunang
pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang
tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong
na hindi masasagutan ng wasto at alamin
ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa
modyul na ito.
1. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga
nilalang na nagpapanatili ng balanse ng
kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng
ito dahil kung patuloy na masisira ito ay
maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang
produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba
pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng
trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa
sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong
likas na yaman ang tinalakay sa talata?

A. Yamang tubig C. Yamang gubat


B. Yamang lupa D. Yamang mineral
Para sa bilang 2-4, basahin ang ulat ng Senate Economic
Planning Office tungkol sa epekto ng mga kalamidad sa
Pilipinas.

Impact of Natural Disasters Natural disasters can


cause considerable loss of lives, homes, livelihood
and services. They also result in injuries, health
problems, property damage, and social and
economic disruption. From 2000 to 2012, natural
disasters in the Philippines caused the death of
12,899 people and injury to 138,116 persons.
These disasters also affected more than 71
million individuals and rendered almost 375,000
persons homeless. The socio-economic damages
are estimated at US$3.37 billion with average
annual damages of US$251.58 million.
2. Ano-anong mga aspekto ang
naapektuhan ng mga kalamidad na
naranasan sa Pilipinas?

A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan


B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
3. Gumawa ng graphic organizer
na nagpapakita ng epekto ng
kalamidad sa pamumuhay ng tao.

4. Sumulat ng tatlo hanggang


limang pangungusap tungkol sa
iyong mabubuong kaisipan
tungkol sa epekto ng mga
suliranin at hamong
pangkapaligiran sa pamumuhay
ng tao.
5. Anong batas ang ipinatupad upang
magkaroon ng legal na batayan sa
iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa
bansa?

A. Republic Act 9003


B. Republic Act 8742
C. Republic Act 7942
D. Republic Act 7586
7. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t
ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?

A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang


suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung
pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang
sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan
ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa
mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta
sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito.
8. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top
down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM) Plan?

A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government


Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring
maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad
upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang
nasasakupan
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng
estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng
malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa
kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga
first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang
kalamidad. mula sa panganib ng paparating na bagyo.
Basahin ang teksto para sa bilang 9-10
Sa bottom-up approach, nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang
sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at
paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa
kanilang pamayanan. Ito ay taliwas satop-down approach. Ang top-
down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa
situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat
gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa
mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Binigyang-diin
nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan ng top-down
approach ang mga pangangailangan ng pamayanan at napababayaan
ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng
malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo sa disaster
management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga
namumunoang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano. Ang kahinaang
ito ng top-down approach ang nais bigyang katugunan ng bottom-up
approach. Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may
kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at pangagangilangan ng
pamayanan. Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at
pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area.
9. Sa pamamagitan ng Venn diagram, suriin ang
pagkakatulad at pakakaiba ng katangian ng top-
down at bottom-up approach.

Top down Bottom up


approach approach

You might also like