Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

PAG-IIMBAK NG BUTO

(Seed Storage)
Kahalagahan ng Pag-iimbak ng Sariling
Buto:
 Napananatili ang gusto nating uri ng buto

 Adapted sa lugar (madaling mabuhay at gumanda sa lugar

 Mayroon kaagad kung kailangan

 Hindi didipende sa commercial na panggagalingan


Mga Dapat Tandaan sa Pag-iimbak ng
Buto:
 Hinog na mabuti ang bunga o naabot na ng bunga ang tamang
gulang nito na siyang pagkukuhanan ng buto na iiimbak

 Tuyo at malamig ang gagamiting imbakan ng buto


 Ligtas sa peste ang imbakan
 Malinis ang pag-iimbakan

 Siguraduhing tama ang pagkatuyo ng buto bago iimbak


Mga Yugto sa Pag-iimbak ng Buto:

 1. Paggulang (Maturity) ng bunga hanggang anihin

 2. Pag-ani ng bunga hanggang sa ilagay sa sisidlan ang buto


(packaging)

 3. Packaging hanggang sa iimbak (storing)

 Storing hanggang sa pag-bebenta (marketing) o pagtatanim


(planting)
Mga Makaka-Apekto sa Pag-iimbak ng
Buto:
A. Internal Factors
 1. Uri ng buto

 2. Barayti ng buto

 3. Kalidad ng buto

 4. Dami ng natitirang tubig sa buto (Moisture Content)


B. External Factors
 1. Halumigmig sa hangin (Relative Humidity)

 2. Temperatura

 3. Lugar (lokasyon) na pinag-mulan (provenance)

 4. Aktibidad ng mga peste at sakit sa buto


Klasipikasyon ng mga Buto base sa Pag-
iimbak:
 A. Orthodox Seeds

 B. Intermediate Seeds

 C. Recalcitrant Seeds
A. Orthodox Seeds

 Ito ang mga buto na matagal ang buhay (long-lived seeds).


Maaari itong iimbak ng matagal. Maari itong patuyuin
hanggang sa 5% moisture content. Nananatili itong viable
o buhay kahit sa sobrang lamig na temperature.
Hal: Palay, Mais, atbp….
B. Intermediate Seeds

 Ang mga buto na ito ay maaari ding iimbak ng matagal.


Ngunit hindi ito tatagal sa napakababang temperature.
Maaari itong patuyuin kahit sobrang baba ng moisture
content.
Hal: Legumbre, Papaya, Citrus, Solanaceous
at iba pang gulay
C. Recalcitrant Seeds

 Ang mga buto na ito ay maaari lamang iimbak sa maikling


panahon. Hindi ito maaaring patuyuin ng mas bababa sa
30% moisture content kaya madali itong masira ng mga
peste at sakit. Hindi ito maaaring patuyuin ng direkta sa
sikat ng araw. Hindi ito nagiging dormant (tulog na buto),
kundi mabilis din itong nagsisitubo.
Hal: Mangga, Langka, atbp….
Mga Dapat Gawing Pag-iingat at
Paghahanda sa Pag-iimbak ng Buto:
 Dapat tuyuin ang buto sa katamtamang pagka-tuyo
Less than 12% MC sa duruging buto (starchy) at less than
9% sa malagkit na buto (oily)
 Alisin ang ibang mga kalat na kasama ng buto

 Ihanda ang mga lalagyan na hindi napapasok ng moisture


Hal: Jar na may lid, envelope na nasisilyado o plastic na nasisilyado
Mga Natural na Gamit sa Pag-control ng Peste sa
Imbakan ng Buto:
 Mga parte ng Neem Tree (Dahon, Neem Oil, Neem Seeds Powder,

 Seed Powder ng Custard Apple

 Mustard oil

 Abo

 Uling
Paano Anihin at I-Save ang mga Buto Mula sa Inyong
Halamang Gulay
TANDAAN:

 Huwag kumuha o mangolekta ng mga buto mula sa mga


hybrid na halaman. Sapagka’t magkaiba ang pinanggalingan
nitong parent lines o barayti kaya ang mga susunod na
henerasyon nito ay magiging magkaka-iba rin.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGKOLEKTA NG BUTO:
A. Responsableng Pagpili (Selection)
 Lagyan ng tanda o marka (ex. Tali) ang mga puno ng halaman na
malalaki at malulusog, walang sakit, na siyang pagkukuhanan ng
gagawing binhi.
 Mula sa mga punong tinandaan ay lagyan din ng tanda ang mga
bunga na malalaki at walang sakit na nasa halos kalagitnaan ng
panahon ng pamumunga ng halaman.
B. Anihin o Kolektahin ang bunga sa panahong tuyo
ang paligid (dry weather)
 Madaling aamagin ang mga bunga kung inani itong mahalumigmig
ang panahon.

C. Biyakin ang prutas at kolektahin ang mga buto

 Ilagay ang mga buto sa tela o pinong screen o kulambo upang ma-
drain ang sobrang tubig nito.
D. Patuyuin lamang sa hangin ang buto at huwag
ibibilad sa araw
 Maaaring mamatay ang buto kung sumobra sa pagkatuyo dahil sa
init ng araw. Maaaring bumaba ng husto ang moisture content nito.

 Maaari rin itong hugasan sa tubig upang madaling maalis ang lagkit
at ibang dumi na kasama nito
E. Kapag na air dry na ang mga buto ay ihiwalay
ang mga dumi nito

 Maaring ibalot sa tuyong basahan at ipa-ikot sa palad ng marahan


hanggang sa humiwalay ang mga dumi nito. Kung mahirap alisin
ang mga duming balok ng buto ay haluan ng kaunting asin o
buhangin sa pagkakabalot at saka ipa-ikot ng marahan sa palad.
F. Linising mabuti at tuyuin ang sisidlang
paglalagyan nito

G. Ilagay sa tamang container ang mga buto


 Maaaring haluan ito sa loob ng container ng mga natural na
pangontrol ng mga peste at sakit
 Lagyan ng marka o sulat kung anong binhi, kalian inimbak at iba
pang maaaring impormasyon
 Maaari din itong lagyan ng silica gel para mapanatiling tuyo ang
kondisyon ng mga buto
H. Ilagay akmang lugar na malayo sa mga peste at
hindi magandang temperatura
Tandaan:
 Maaari rin itong iimbak sa ref ngunit huwag sa freezer.

 Bago buksan ang mga container ng mga buto na galling sa ref ay


hayaan muna ito na makuha ang room temperature bago ito buksan
upang hindi maapektuhan ang viability nito o ang kakayahang
tumubo.

You might also like