Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

MAPANG PISIKAL

MAPANG POLITIKAL
MAPANG PANGKALSADA
MAPANG PANGKLIMA
MAPANG PANGKABUHAYAN
MAPANG PAMPOPULASYON
MGA BAHAGI NG
GLOBO AT MGA
ESPESYAL NA
LINYA NG
LATITUDE
GLOBO
 Ito ay isang bagay na hugis
pabilog na ginagamit upang
gawing modelo ng ating mundo.
Mga Bahagi ng Globo
 Hilaga at Timog Hemispero – ang
globo ay hinati sa hilaga at timog
hemispero ng ekwador upang
maging mas madali ang paggammit
nito.
 Kanluran at Silangang Hemispero
– ang globo ay hinati sa kanluran at
silangang hemispero ng prime meridian
at international dateline upang maging
mas madali ang paggamit nito.
1. EKWADOR – ito ang humahati
sa globo sa dalawang
magkasinlaking bahagi – ang
hilaga at timog hatingglobo.
2. LATITUD – ito ang mga guhit
na paikot sa globo na kahanay ng
ekwador. Ang mga guhit na ito ay
kanluran papuntang silangan.
3. PRIME MERIDIAN –
matatagpuan ang guhit na ito sa
panuntunang 0°. Tinatawag din itong
Greenwich Meridian dahil naglalagos
ito sa Greenwich, England.
4. LONGHITUD – ito ang mga
patayong guhit na nag-uugnay sa
pulong hilaga at pulong timog.
5. INTERNATIONAL DATELINE
– matatagpuan sa 180° meridyano.
Sa bahaging ito nangyayari ang
pagpalit ng petsa at oras.
6. GRID – Ito ay nabubuo kapag
pinagsama o nagkatagpo-tagpo ang
guhit latitud at guhit longhitud.
MGA
ESPESYAL NA
LINYA NG
LATITUDE
Kabilugang Latitud
(Circle of Latitud)
 mga espesyal na guhit
latitud na animo putol-putol na
guhit sa globo o mapa.
1. Tropiko ng Kanser
(Tropic of Cancer)
 guhit sa 23 ½° hilaga ng
Ekwador.
2. Tropiko ng Kaprikornyo
(Tropic of Capricorn)
 guhit sa 23 ½° timog ng
Ekwador.
Mababang Latitud o
Rehiyong Tropikal
 Ang nasasaklaw sa pagitan
ng dalawang espesyal na guhit
na ito.
3. Kabilugang Arktiko
(Arctic Circle)
 guhit sa 66 ½° hilaga ng
Ekwador.
Gitnang Latitud
 o Rehiyong Katamtaman ang
lamig sa hilaga.
4. Kabilugang Antarktiko
(Antarctic Circle)
 guhit sa 66 ½° timog ng
Ekwador.
Rehiyong Polar
 Mataas na Latitud – ang pook
na nasasakop mula sa
Kabilugang Arktiko hanggang
Polong Hilaga at Kabilugang
Antarktiko hanggang Polong
Timog.
SUBUKAN NATIN!
Tukuyin ang tamang sagot sa bawat
bilang.
1. Ito ang humahati sa globo sa
dalawang magkasinlaking bahagi –
ang hilaga at timog hatingglobo.
2. Ito ay nabubuo kapag pinagsama o
nagkatagpo-tagpo ang guhit latitud at
guhit longhitud.
3. Ito ang mga guhit na simula
sa kanluran papuntang
silangan.
4. Sa bahaging ito nangyayari
ang pagpalit ng petsa at oras.
5. Ito ang mga patayong guhit
na nag-uugnay sa pulong
hilaga at pulong timog.
6. Tinatawag din itong Greenwich
Meridian dahil naglalagos ito sa
Greenwich, England.
7. – 10. Apat na uri ng Klima
11. – 15. Espesyal na Linya ng
Latitude

You might also like