Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Group 10

El Filibusterismo
Kabanata 39 :
Ang Katapusan
Pamagat : Ang Katapusan
TAGPUAN: Sa Bahay ni Padre
Florentino
TAUHAN:
Padre Florentino – Ang amain
ni Isagani
Simoun – Ang mag-aalahas
Buod:
 Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay
Padre Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama:
“Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.
 Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang
dumating doon si Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya
inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng
nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan
Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niya’y
buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari
sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay
tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama.
Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera.
Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang
mga sugat ni Simoun.
Tumigil sa pagtugtog si Padre Bognot. Iniisip ng pari ang kahulugan
ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa
telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni
Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati’y
makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag. Nguni’t bakit sa kanya
pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na lamang nang patay o
buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre
Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si
Simoun gayong noong kapanahunan nito ay humamak sa kanyang
pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.
Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may
dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang makalaya si
Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang
mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na
ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao.
Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang
pagliligtas kay Simoun. Nguni’t parang walang pagnanasang
mailigtas ni Simoun ang sarili.
Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang
mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang lihim na
sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas.
Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang
pari.
Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala
nang mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun.
Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng
mag-aalahas.
Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun.
Nabaghan ang pari.
Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si
Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag
na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay
siyang dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay
lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa
pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni
Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang
kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at
tumalagang makinig.
Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan
Nagulat ang pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit.
Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang
makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay.
Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng
pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa
kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang
payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa
kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay
nawala sa kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan,
kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng
isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti
Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan
ng kanyang magulang at siya’y nangangalakal.
Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya
roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa
lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil
sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang
nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang
maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-
sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan
niya ang kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan.
Mahaba ang pagtatapat ni sy at gabi na nang matapos.
Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng tawad ng
pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay
Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong
nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng
Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama
ang kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at
kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan.Ang
poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay
mga salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa
ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang
kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.
THANKS FOR WATCHING!

You might also like