Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

MGA PAHAYAG

NA
NAGBIBIGAY PATUNAY
LAYUNIN ng PAG-AARAL:
•makagagamit ng wastong
mga pahayag sa pagbibigay ng
patunay.
• Ipinapahayag natin ang ating mga ideya,
saloobin, o damdamin sa pamamagitan ng
iba't-ibang pahayag.
• Ang pangangatwiran ay isang paraan ng
pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang
mambabasa o tagapakinig na paniwalaan o pumanig
sa ideya o paniniwala ng nagpapahayag.
• Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalahad ng
mga katibayan o ebidensiya na magpapatunay
sa katotohanan ng pahayag.
1. Mga Dokumentaryong Ebidensya

• ang mga ebidensiyang magpapatunay na


maaaring nakasulat, larawan o video.
2. kapani-paniwala

•Ipinapahayag nito na ang inilahad na


ebidensiya ay nakahihikayat na para
paniwalaang totoo ang pahayag o
pangungusap.
Halimbawa:

Kapani-paniwala ang bisa nang iniinom niyang gamot nang makita kong unti-unti na ngang naghihilom ang kaniyang
mga sugat.
Halimbawa:
Tama ang kaniyang sinabi, kapani-paniwala ang aming narinig na marami ang nasaktan sa lindol na
naganap.
3. Taglay ang matibay na kongklusyon

•isang katunayang pinalalakas ng


ebidensiya, pruweba, o impormasyon
na totoo ang pinatutunayan.
Halimbawa:
Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ang suspek tungkol sa salang pagpatay.
4. nagpapahiwatig

•hindi direktang nagpapatunay ng


pahayag, ngunit nagsasaad na may
kaugnayan pa rin ang ebidensiya sa
katotohanan ng pahayag.
Halimbawa:
Ang hindi niya pagsasalita ay nagpapahiwatig na may kinikimkim siyang sama ng loob.
5. nagpapakita

•Ipinapahayag nito na may pisikal na


katibayan (dokumento, larawan, o
video) para patunayan ang
katotohanan ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Ang nakuhang ID sa kaniyang bag ay nagpapakita na hindi
Anthony ang totoo niyang pangalan, kundi Harold.

Harold
Anthony
Ang tulong mula sa
iba’t-ibang bansa na
umabot sa mahigit 14
bilyong piso ang
nagpapakita sa likas na
kabutihang-loob ng mga
tao anuman ang kulay
ng balat at lahing
pinanggalingan.
6. Pinatutunayan ng mga detalye

•Ipinapahayag nito na ang ebidensiya


ay patunay sa katotohanan ng
pangungusap o pahayag.
Halimbawa:

Si Alice ang nagpapatunay na magkasama sila ni Andrea na pumunta sa bayan para bumili ng gamot kaya
imposibleng si Andrea ang nakita ni Allan sa paaralan.
7. nagpapatunay/katunayan

•Ipinapahayag nito na ang ebidensiya


ay patunay sa katotohanan ng
pangungusap o pahayag.
Ang kusang pagtulong ng
pamilya Cruz sa mga
nasalanta ng bagyo ay
nagpapatunay ng
kanilang mabuting puso
at bukas-palad sa
kanilang kapwa.
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng
patunay o hindi nagbibigay ng patunay.
1. Kitang-kita sa CCTV na tinulungan ng batang Muslim ang isang
pulubi.
2. Hindi tiyak ng marami sa Mindanao kung saan nagmula ang
pangalang “Mindanao”. Mas naniniwala sila sa alamat na ang
pangalan diumano ng isla ay mula sa pinagsamang “Minda” at
"Lanao”.
3. Ang mga dokumentong ipinasa ni Rina ay sapat na para maging
kapanipaniwala ang ipinaglalaban niyang karapatan sa lupang
naiwan ng kaniyang mga magulang.
4. Hindi totoong magkakaroon ng pagbabago sa paraan ng
pamamahala sa paaralan.
5. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Rana subalit madali niya
itong naitago sa kanyang maysakit na ina.

You might also like