Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAGSUSURING PANG-

GRAMATIKA NI CHOMSKY

ULAT NI:
REYSHELLE ANN D. PEREZ
Med-Filipino
PAGSUSURI NG DALAWANG MODELO
Structure 1957

Sa pananaw ni Chomsky, ang wika ay isang paraang


matematika na tinawag na probalistic theory, set theory,
finite state theory, concentration algebra, graph theory,
at iba pa. Ginamit niya dito ang kaalaman sa computer
language at symbolic logic. Ayon kay Chomsky, ang
kanyang modelo sa gramatika ay tulad ng isang
automation na magpapalabas ng lahat ng maaaring
palabasing tamang pangungusap sa isang particular na
wika.
Ang Structure 1957 ay ginamit ang
mga sumusunod:
• Initial Element (S)
• Phrase Structure Component
• Transformational Element
• Morphophonemic Component
• Phonological Representation
Aspects 1965
➢ Ang modelong 1965 ay pinasimulan niya ang paggamit ng
‘subcategorization rules’ at ‘selectional restriction rules’ sa
leksikon.
➢ Ipinakita dito ang relasyon ng tunog at ng kahulugan
➢ Nakatuon sa konsepto ng ‘deep structures’ na itinuturing
niyang nasa pagitan ng‘base component’ at ng ‘semantic
component’ gaya ng halimabawa:
KASAYSAYAN NG DALAWANG
MODELO
STRUCTURES 1957.

1951 – 1955
Nag aral sa Harvard University bilang isang fellow si Chomsky at nagka
-ideya na ang pag-aaral ng sintaks o palaugnayan ng isang wika ay maaaring
isagawa sa paraang autonomous o hiwalay sa ibang antas ng wika. Ang
interes ni Chomsky ay tungkol sa tinatawag sa Ingles na “ Mathematical
theory of formal language”.

1957
Nagpalabas si Chomsky ng isang monograp na may pamagat na SYNTACTIC
STRUCTURES, isang kaganapan ng kanyang matibay na paniniwala na ang
gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan. Hindi naman niya
lubusang isinantabi ang semantika sapagkat tinanggap naman niya na ang
relasyon ng sintaksis at semantika ay maaaring pag-aaralan pagkatapos pag
aralan ang hiwalay ang sintaksis.
Ang pangalawang component ng modelo ni Chomsky ay
binubuo ng mga tuntuning transpormasyonal. Ito ang mga
sumusunod:
(1) permutasyon – pagbabagong ayos ng mga salita sa
pangungusap , e.g. ang pangungusap na tahas (active) ay
gagawing balintiyak(passive)
(2) pagdaragdag (adjunction) – pagdaragdag ng mga salita sa
pangungusap,
(3) pag-ugnay(conjoing)-pagsasama ng dalawang pangungusap,
(4) pagbabawas (deletion) – pagkaltas ng mga salita sa
pangungusap,
(5) pagpapalit (substitution) – pagpapalit sa isang salita o
parirala ng ibang salita o parirala.
PAGHAHAMBING NG DALAWANG
MODELO
A. Ang tinatawag na ‘tripartie component’ ng wika –
‘syntacticcomponent, phonological component, semantic
component’ – na matatagpuan sa modelong 1957 ni
Chomsky ay matatagpuan din sa kanyang modelong 1965

B. Kapwa sinasabi sa dalawang modelo na ang sintaks at


semantika ay magkahiwalay, bagamat masasabi nating
higit na pinag-ukulan ng pansin ni Chomsky ang
semantika sa kanyang modelong 1965upang
meremedyuhan ang kahinaan ng kanyang
modelong 1957
C. Ang ‘base component’ sa modelong 1965 ay binubuo
ng dalawang ‘subcomponent’- ‘categorical
subcomponent at leksikon’. Ang ‘categorical
subcomponent’ ay
nagtataglay ng set ng mga tuntunin na masasabing
katulad ng mga ‘phrase-structure rules’ sa modelong
1957
D. Sa modelong 1965 ay hindi na rin binabanggit ni
Chomsky ang‘singularity’ at ‘generalized
transformations’. Sa halip, ang ibinigay niya ay mga
‘phrase markers’ na kinilala rin sa tawag na
‘structural stress’.
E. Samodelong 1957 ay may binabanggit si Chomsky na
sapilitan (obligatory) at di sapilitan (optional) na mga
transpormasyon. Sa
modelong 1965, ang mga ito’y naging sapilitan lahat
sapagkat ang ‘base structure’ na resulta ng ‘deep
structures’ ay
nagbibigay ng instruksyon kung anong transpormasyon
ang gagawin.
F. Tulad ng sinabi ni Chomsky sa kanyang modelong
1965 ay pinanindigan din niyang ang transpormasyon
ay hindi makapagpabago sa kahulugan ng orihinal na
pangungusap.

G. Ang’deep structures’ na pinasimulan ni Chomsky sa


kanyang modelong 1965 ay tumatanggap din ng
napakaraming puna mula sa mga semanttista. Ang
‘deep structure’ diumano ay hindi na kailangan. Ang
modelong 1957 ni Chomsky na walang ‘deep structure’
ay hindi tumatanggap ng gayong karaming puna.

You might also like