Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
DESKRIPTIBO
Ito ay maihahalintulad sa isang
larawang ipininta kung saaan kapag
nakita na ito ng iba ay parang nakita na
rin nila ang orihinal na larawan. Subalit
sa halip na pintura o pangkulay mga
salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa
ang paglalarawan sa tekstong
deskriptibo.
Gamit ng cohesive devices o Kohesiyong
Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
Reperensiya (Reference)
Substitusyon (Substitution)
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesiyong Leksikal
REPERENSIYA
Ito ang paggamit ng mga salitang
maaring tumukoy o maging reperensiya
ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Ito ay nahahati sa dalawa:
Anapora
Katapora
ANAPORA
Kung kailangang bumalik sa teksto
upang malaman kung ano o sino ang
tinutukoy.
Halimbawa:
- Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay
maaring maging mabuting kaibigan.
KATAPORA
Nauuna ang panghalip at malalaman lang kung sino o
ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy na ang
pagbabasa.
Halimbawa:
- Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon
sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis
niyang ngiti at maiinit na yakap sa aking pagdating ay
sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking
katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella,
ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
SUBSTITUSYON
Paggamit ng ibang salita sa halip na
muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
- Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang
kita ng bago.
ELLIPSIS
May binabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makatutulong ang unang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig
ng nawalang salita.
Halimbawa:
- Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama’ y tatlo.
PANG-UGNAY
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at
sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap.
Halimbawa:
- Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo
para sa mga anak at ang mga anak naman
ay dapat magbalik ng pagmamahal sa ka
mga magulang.
KOHESYONG LEKSIKAL
Mabibisang mga salitang ginagamit sa
teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon.
URI
Reiterasyon
Kolokasyon
REITERASYON
Kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit ng ilang beses.
MGA URI
- Pag-uulit o Repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay- kahulugan
PAG-UULIT O REPITISYON
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan.
Ang mga batang ito ay nagtatarabaho na sa
murang gulang pa lamang.
PAG-IISA-ISA
-Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga
gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa at ampalaya.
PAGBBIBIGAY-KAHULUGAN
- Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa
mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-
aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
KOLOKASYON
Mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkapareha o may kaugnayan sa isa’ t
isa kaya’ t kapag nabanggit ang isa ay
naiisip din ang isa. Maaring magkapareha
o maari ring magkasalungat.
Halimbawa:
Nanay-Tatay
Guro-Mag-aaral
Mayaman- Mahirap
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!
Pagsusulit 1.4
Ibigay ang tamang sagot.
1. Paggamit ng ibang salita sa halip na
muling ulitin ang salita.
2. May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang maiintindihan
o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang
pangungusap.
3. Mabibisang mga salitang ginagamit sa
teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
4. Paggamit ng mga salita upang
pagsamahin ang mga sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap.
5. Paggamit ng mga salitang maaring
tumukoy ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Tukuyin kung ang sumusunod na
pangungusap ay Anapora o Katapora.
6. Sina Raha Sulayman at Andres Bonifacio
ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga
dakilang Manileño.
11.
Uri ng Kohesyong Leksikal
12.
13.
15
1. Substitusyon
2. Ellipsis
3. Kohesyong Leksikal
4. Pang-ugnay
5. Reperensiya
6. Anapora
7. Katapora
8. Anapora
9. Katapora
10. Katapora
11. Reiterasyon
12. Kolokasyon
14. Pag-iisa-isa
15 Pagbibigay-kahulugan