GR. 10 - Week 4 (Kabanata 7-12)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

TANONG-SAGOT

🙢
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
🙢
1. Sinu-sino ang mga pinag-
alayan ni Simoun ng kaniyang
paghihiganti?
Sagot:
🙢
� Si Don Rafael
� Si Maria Clara
� Si Elias
🙢
2. Si Elias at Ibarra ay kapwa di
kilala ni Basilio noong siya ay isa
pang sakristan. Paano natiyak ni
Basilio na si Simoun ay si Ibarra
nang magkita sila sa gubat?
Sagot:
🙢
� Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga pangyayari:
a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang
darating sa gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa
puno ng balite. Ang dumating ay isang mestiso na ngayon’y siyang
humukay sa lugar na pinagbaunan ng kayamanan.
b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael, ang namatay sa gubat
ay kayumanggi.
c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitaang napatay
sa lawa si Ibarra. Ngunit ang mestiso ay walang sugat. Samakatwid,
iyong kayumanggi ang hinabol at binaril sa lawa, hindi si Ibarra.
🙢
3. Bakit hindi hinukay ni Basilio
ang kayamanan sa puno ng
balite gayong lagi siyang nasa
libingan ng kanyang ina sa loob
ng 13 taon?
Sagot:
🙢
� Bilin ni Elias na hukayin ni Basilio ang kayamanan at ariing kanya kung
walang darating na iba. May dumating- si Ibarra. Nakalimutan na ito ni
Basilio. Bukod pa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing
ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio.
🙢
4. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa
ngunit sinigaan ang bangkay ni
Elias?
Sagot:
🙢
� Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Ibig naman ni Elias na sunugin ang
kaniyang bangkay.
🙢
5. Ani Simoun ay nakabatid si
Basilio ng dalawang lihim
na ukol sa kanya na maaaring
makapahamak sa kanya kung
ibubunyag ng estudyante.
Ano ang mga lihim na ito?
Sagot:
🙢
� Na si Ibarra ay buhay pa.
� Na si Ibarra at Simoun ay iisa.
🙢
6. Bakit di pinatay ni Simoun si
Basilio upang pangalagaan ang
kaniyang lihim?
Sagot:
🙢
� Si Basilio ay katulad niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan.
� Si Basilio ay di makapasusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga
sibil.
� May mga utang na loob si Basilio kay Simoun gaya ng panggagamot ni
Ibarra kay Sisa at paghukay ng pinaglibingan nito.
� Higit na pinaniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.
� Kailangan ni Simoun ang tulad ni Basilio sa balak niyang
paghihimagsik.
🙢
7. Sinu-sino ang mga pinuna ni
Rizal na inilarawan niyang mga
tauhang ayaw magsalita ng
tagalog at pangangastila ang
pinag-iigi?
Sagot:
🙢
� Sina Donya Victorina at Donya Consolacion.
🙢
8. Paano nakatulong na malaki
ang mga prayle sa matagal na
pagkakaalipin ng Pilipinas?
Sagot:
🙢
� Itinuro ng mga kura na isa sa mga mabubuting katangian ng mga
katoliko ay ang pagtitiis at pag-asa sa mga milagro ng Santo (o lilok na
mga larawan)
� Si Huli hal. Ay umaasa o nagbabakasakali sa pagmimilagro ng Mahal
na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap
ng katwiran ang kanyang kasawian.
🙢
9. Bakit sa halip na hintayin ng
mga bata na may tuwa ang araw
ng pasko ay kinatatakutan pa
nila ito?
Sagot:
🙢
a. Maaga silang ginigising para magsimba;
b. Binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na
damit dahil sa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa);
c. Isinisimba sila sa misa mayor na matagal;
d. Pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.
PANAPOS
🙢
Ang isang mabuting pinuno ay ginagawa ang lahat para sa
kapakanan ng marami at hindi ng iilan lamang. Ginagawa ng
pamahalaan ang lahat upang ,atugunan ang mga
pangangailangan ng maralita.
TANONG-SAGOT
🙢
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
🙢

1. Bakit kina Kabesang Tales


nanuluyan si Simoun?
Sagot:
🙢
� Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamalaki at pinakamasinop
na bahay sa pook na iyon.
� Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang
Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong
akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik.
🙢

2. Bakit natuwa si Simoun sa


ginawa ni Kabesang Tales na
pagkuha sa kaniyang baril?
Sagot:
🙢
� Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales.
Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil
walang pahintulot ang anak.
� Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng
kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kaniyang
paghihimagsik.
🙢

3. Bakit natuwa pa si Simoun ng


dakpin ng mga guwardiya sibil
si Tandang Selo?
Sagot:
🙢
� Dahil lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong
mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik.
🙢
4. Bakit hindi nakabaril ng usa o
ibon sa gubat ang Kapitan
Heneral?
Sagot:
🙢
� Dahil may kasama siyang banda ng musiko na tumugtog saan man siya
paroon.
🙢

5. Bakit nagagalit si Padre Camorra


sa pakikipagsugal sa dalawang
kura at sa Heneral?
Sagot:
🙢
� Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay
sa pagiging masaya ang heneral sa panalo nito para maging madali ang
kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng
kabataan.
Sagot:
🙢
� Ang sabong… Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara’t
malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa
kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta
ng malaki ngunit ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang
pagkumpuni sa sariling tahanan, atbp. Ay hindi mahirap.
� Kung minsa’y maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay
nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang napakaraming
pangangailangan.
🙢
7. Bakit sang-ayon si Padre
Fernandez, isang Dominikano,
sa paaralang binabalak ng
kabataan?
Sagot:
🙢
� Si Padre Fernandez ay naiiba sapagka’t siya’y matalino.
� Sa kaniyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga
estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng
maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan.
TULONG SA PAG-AARAL
🙢
� Ang Unibersidad ng Sto. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa
Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran
sa ngayon.
� Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya,
Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa Intramuros- LETRAN
AT ATENEO.
TULONG SA PAG-AARAL
🙢
MGA PAGKAKAKIALANLAN SA MGA ESTUDYANTE NA NAG-
AARAL SA TATLONG KOLEHIYO:

ATENEO- Nakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat.


LETRAN- Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat.
UST- Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala.
PAARALANG NORMAL- Mga tahimik, makukulay ang damit, sinusundan ng mga
utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat.
🙢

8. Bakit nais nang tumigil ni


Placido sa pag-aaral?
Sagot:
🙢
� Apat na taon na siyang nag-aaral ngunit di pa siya nakilala at
napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon.
Hindi sana ganoong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad
kundi ang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ag
idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.
🙢

9. Ano ang kahulugan ng


pangalang Placido Penitente?
Sagot:
🙢
� PLACIDO: Kalmante o mapayapa
� PENITENTE: Nagdurusa
🙢

10. Bakit daw na si Huli ay


babagsak din?
Sagot:
🙢
� Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang
di magtatagal at makagagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig
kay Huli.
🙢
11. Anu-ano ang puna ni Rizal sa
pag-aaral ng karaniwang
kabataan noon?
Sagot:
🙢
� Karamihan noo’y walang natutuhan dahil:
a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST.
b. Napakalaki ng bilang ng mga estudyante
c. Madalas walang pasok.

You might also like