Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

LINGGWISTIKA

LINGGWISTIKA
INIHANDA NI : GLECY R. CAPULI
(GURO SA FILIPINO)
Layunin:
• Matukoy ang kahulugan ng lingguwistika at ang kaligiran nito.
• Maipaliwanag ang kahalagahan ng lingguwistika sa edukasyon
at lipunan.
• Dr. Cecillio Lopez - “ Ama ng Linggwistikang
Pilipino” sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya
ang kauna-unahang nagturo ng mga kurso sa
linggwistika sa nasabing unibersidad.
MGA LAYUNIN

• Matukoy ang kahulugan ng lingguwistika at ang


kaligiran nito.
• Maipaliwanag ang kahalagahan ng lingguwistika
sa edukasyon at lipunan.
KAHULUGAN

• Ito ang makaagham na paraan ng pag-aaral


ng wika. Ang isang taong nagsasagawa ng
maagham na paraan ng pag-aaral ng wika ay
tinatawag na linggwista.
•Ang isang linggwista ay hindi laging
nangangahulugang maraming alam na
wika. Maaaring matawag na linggwista ang
isang tao kahit isa, dalawa, o tatlong wika
lamang ang kanyang alam. Iba ang
linggwista sa tinatawaga na polygot .
• Ang polygot ay isang taong maalam o
nakakapagsalita ng iba't ibang wika, nguni't
iyon ay hindi nangangahulugang siya'y isa
nang linggwista.
• Ano ang pagkakaiba ng linggwistika sa anawnser?

Ang isang anawnser ay mahusay magsalita o gumamit


ng wika ngunit nangangahukugang siya'y isa nang
linggwista. Gayundin naman , ang isang linggwista ay
ay mahusay magsagawa ng maagham na pagsusuri sa
mga wika, ngunit hindi dapat laging asahang katukad
siya ng isang ananwser na mahusay magsalita.
KAHALAGAHAN NG LINGGWISTIKA
• Ang isang linggwistika ay karaniwang
natutulad sa doktor. Nagpapakadalubhasa
siya sa larangan ng wika. Maagham ang
kanyang paraan ng pag-aaral at pagsusuri
sa wika.
• Ano ba ang nagagawa ng isang linggwista na hindi
nagagawa ng isang karaniwang guro?

Kung ang pag-uusapan ay ang iba't ibang paraan


ng pagtuturo sa wika, ang linggwista naman ang
siyang magiging arbularyo at ang guro ang siyang
magiging doktor.
ANG LINGGWISTIKA SA PAGLINANG NG
WIKANG FILIPINO

a. Sa pagbubuo at paggawa ng mga


patakarang pangwika.
Ano ang mga sulirang pangwika?
• Kung paanong mapapaunlad ang wikang Filipino
bilang isa sa mga tatak at kasangkapan natin sa
pakikipag-ugnayan bilang malayang lahi.
• Kung paaanong mapapanatili ang Ingles bilang
wikang tulay natin sa pagdukal ng karunungan at
pakikipag-ugnayan sa daigdig.
• Dept. Order NO. 25. Series of 1974

Ang pagpapairal ng bilingguwalismo sa ating


sistema ng edukasyon.
• b. Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo.
Nang pairalin ang patakarang bilingguwalismo
ay lumitaw ang mga suliranin, ang kakulangan sa
kagamitang panturo sa mga asignaturang ituturo sa
Pilipino.
• ( Educational Development Projects
Implementing Task Force ) EDPITAF

Sila ang naghanda ng mga kailangang aklat


at iba pang kagamitang panturo.
Araling Panlipunan - Dibisyong Pangkurikulum ng Kagawaran
ng Edukasyon at Kultura
Edukasyong Panggawain - Philippine College of Arts and Trades
Agham at Matematika - Science Education Center ng Unibersidad
ng Pilipinas
Wika - Language Study Center ng Dalubhasaang Normal ng
Pilipinas.
c. Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na
pananaw sa kalikasan ng wika.

Kapag malawak ang pananaw ng isang guro sa wika,


kung ang lahat ng salik ay patas, magiging higit siyang
mabuting guro kaysa iba na walang gayong uri ng
pananaw.
Nagiging malalim ang pagtuturo ng isang
guro kapag may malalim siyang
pagkakaunawa sa kalikasan at
kakanyahan ng wika.
PAGLALAGOM

Magkaiba ang mga layunin ng guro ng wika at ng linguist. Subalt sila'y may gantihang pakinabang.. ang
mga teknika at pamamaraan ng linguistics ay makatutulong sa pagpapaunlad sa gawain ng guro ng wika...hindi
siya maaaring magkibit-balikat sa hitik na bunga ng linguistics - ang maagham na pag-aaral ng wika

Direktor Pineda
“ Agham Wika sa Filipino”
Surian ng Wikang Pambansa

You might also like