Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

KABANATA 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN

NG REHIYONG MEDITERRANEAN
Layunin/Objectives:
a. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na mitolohiya
b. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay
c. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon,
pinaglalaaanan at kagamitan) 1. sa pagsasaad ng aksyon,
pangyayari at karanasan; 2. sa pagsulat ng paghahambing; 3. sa
pagsulat ng saloobin; 4. sa paghahambing sa sariling kultura at
ng ibang bansa; at 5. isinulat na sariling kuwento
Aralin I
Paksang Tatalakayin:
I. Gramatika: Aspekto At Pokus Ng Pandiwa
II. Pagpapalalim Na Gawain: Pagsulat Ng Sariling
Mitolohiya
Panuto: Basahin at unawain ang isa pang naiibang kuwento ng
pag-ibig, ang kuwento nina “Mang Rommel at Aling Jennie.”

Ang pag-iibigan nina Mang Rommel at Aling Jennie ay


dumaan sa maraming pagsubok dahil nang ipakilala pa
lang ni Jennie ang kasintahan sa kanyang magulang ay
agad nang tumutol ang mga ito. Si Jennie ay isang guro,
maganda, matangkad, mabait, at sinusuyo ng
napakaraming makikisig na binata. Si Rommel naman ay
may taas lang na apat na talampakan, hindi nakatapos ng
pag-aaral, at isang hardinero sa paaralang pinagtuturuan ni
Jennie.
Kapag magkasama sila ay tampulan sila ng tukso at
tawanan. Madalas silang tinatawag na "Beauty and the
Beast" o kaya nama'y sinasabihang sila'y perpektong
halimbawa na bulag nga ang pag-ibig. Subalit hindi naging
hadlang ang lahat ng ito sa pagmamahalan nina Rommel at
Jennie. Nagpakasal sila at bumuo ng sariling pamilya sa
kabila ng pagtutol ng magulang ng dalaga. Tumigil sa
pagiging hardinero si Rommel at nagtayo ng negosyong
halamanan na nakapagtaguyod sa lahat ng kanilang
pangangailangan at sa pag-aaral ng mga anak.
Pinatunayan nila sa mahigit limampung taon nilang
pagsasama na ang tunay na pag-ibig ay nananaig sa
kabila ng itsura, kalagayan sa buhay, at anumang hadlang.
Ang kanilang masayang pamilya ay patunay sa
nagagawa ng tunay at wagas na pag-ibig. Ang apat na
anak ng mag-asawa ay lumaki sa isang tahanang puno ng
pagmamahalan, tawanan, at pagkakaisa. Hindi nila
kailanman naramdaman ang kakulangan dahil lang sa
itsura o kalagayan ng kanilang ama. Sa halip lumaki silang
marunong gumalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao at
hindi naging mapanghusga sa mga bagay na nakikita lang
ng mga mata sapagkat alam nilang ang
pinakamahahalagang bagay ay puso lamang ang
nakadarama.
Dumaan Ipakilala Sinusuyo Nakatapos
Tinatawag Sinasabihang Nagpakasal
Bumuo Tumigil Nakapagtaguyod
Pinatunayan Nananaig Nagagawa
Lumaki Naramdaman Gumalang
Nakikita Nakadarama
“PANDIWA”
(Uri, Aspekto, at Pokus)

Ang pandiwa(verb) ay bahagi ng pananalitang


nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon
ng mga salita. Ito'y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o
higit pang panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa
pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.
Halimbawa: Lumabas ako kanina.
o Lumabas- pandiwa
o Labas- salitang ugat
o -um - panlaping ginamit
Uri ng Pandiwa (Types of Verb)
Ang pandiwa ay maaaring mauri sa dalawa: ang palipat at
ang katawanin.
 Palipat ang pandiwa kung may tuwirang layong
tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod
ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng,
ng mga, sa, sa mga, kay, o kina.
Halimbawa: Pandiwa tuwirang layon

1. Si Pygmalion ay lumilok ng estatwa.


Pandiwa tuwirang layon

2. Ito'y kanyang sinuotan ng damit at mamahaling


alahas.
 Katawanin ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng
tuwirang layong tatanggap ng kilos at nakatatayo na itong mag-
isa.
Halimbawa:
a. pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain o pangyayari
pandiwa
 Nabuhay si Galatea.
pandiwa
 Sina Pygmalion at Galatea ay ikinasal.
b. Mga pandiwang palikas na walang simuno.
 Umuulan!
 Lumilindol!
Aspekto ng Pandiwa (Aspects of Verb)

Ang pandiwa ay may tatlong aspektong


nagpapakita kung kailan naganap,
nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag nito.
Aspekto ng Pandiwa
1. Aspektong Naganap o Perpektibo (Past Tense)
- Ito'y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.

Halimbawa: uminom, lumayo, natuwa, nagsulat, inalis, binasa


Halimbawa sa pangungusap:
Natapos ng binata ang kanyang obra maestra.

 Aspektong Katatapos- bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang


kilos ay katatapos pa lang gawin o mangyari. Sa pagbuo nito'y
idinudugtong ang panlaping “ka” sa inuulit na unang pantig ng salita.
Halimbawa: Natapos
(Natapos-Na)+Ka+ta= Katatapos
Katatapos lang gawin ng binata ang kanyang obra maestra.
Aspekto ng Pandiwa
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo (Present
Tense)- lto'y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang
nangyayari o kaya'y patuloy na nang-yayari.

Halimbawa:
umaawit, tumatakbo, nauubos, nagluluto, inaalis, kinakain

Halimbawa sa pangungusap:
Araw-araw na dinadalaw ni Pygmalion ang minamahal
niyang estatwa.
Aspekto ng Pandiwa
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo (Future Tense)

- Ito'y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o


gagawin pa lang.

Halimbawa:
aalis, maglilingkod, kakainin, tatanggapin, sasabihin, lalakad
Halimbawa sa pangungusap:
Magpapasalamat ang magkasintahan sa butihing diyosa ng
pag-ibig.
Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o
salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap. Makikita ito sa
panlaping ginamit sa pandiwa. Naririto ang iba't ibang pokus ng
pandiwa:
 Tagaganap o Aktor ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o
simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni Pygmalion.
Tagaganap o aktor pandiwa

 Layon o Gol ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang


paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Halimbawa: Pinag-usapan ng mga tao ang estatwang nilikha ni Pygmalion.
pandiwa Layon o Gol
Pokus ng Pandiwa
 Ganapan o Lokatib ang pokus ng pandiwa kung ang lugar
o pinagganapan ng kilos ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Pinagmulan ng mga mitolohiya ang bansang Griyego.
pandiwa Ganapan o Lokatib

 Tagatanggap o Benepaktib ang pokus ng pandiwa kung


ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng
pandiwa ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Ipinagdala nina Pygmalion ng mga alay si Aphrodite.
pandiwa tagatanggap o Benepaktib
Pokus ng Pandiwa
 Gamit o Instrumental ang pokus ng pandiwa kung ang
bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa
ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sa pag-ukit ng estatwa.
pandiwa Gamit o Instrumental

 Sanhi o Kosatib ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng


pangungusap ay ang dahilan o sanhi ng kilos.
Halimbawa: Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ng pamilya ni Pygmalion.
pandiwa Sanhi o Kosatib
Review:
 Uri ng Pandiwa
1. Palipat
2. Katawanin
 Aspekto ng Pandiwa
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
 Aspektong Katatapos
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
 Pokus ng Pandiwa
1. Tagaganap o Aktor
2. Layon o Gol
3. Ganapan o Lokatib
4. Tagatanggap o Benepaktib
5. Gamit o Instrumental
6. Sanhi o Kosatib
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang uri, aspekto, at pokus ng mga
pandiwa sa pangungusap ayon sa salita o pariralang may
salungguhit. Isulat ang pandiwa at ang mga detalye ukol
dito sa angkop na kahon sa talahanayan.
Halimbawa:
1. Ikinatuwa ng mga tao ang pagtatagumpay ng pag-
iibigan nina Pygmalion at Galatea.
Pandiwa Uri Aspekto Pokus
Ikinatuwa Palipat Perpektibo Sanhi o Kosatib
 
2. Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.
Pandiwa Uri Aspekto Pokus
       
Uri: Palipat, Katawanin
  Aspekto: Perpektibo,
3. Ipinansulat nila ang pluma. Imperpektibo, at
Kontemplatibo
Pandiwa Uri Aspekto Pokus Pokus:
        1. Tagaganap o Aktor
2. Layon o Gol
  3. Ganapan o Lokatib
4. Ang paksa ay pinag-iisipan ng mga manunulat. 4. Tagatanggap o
Benepaktib
Pandiwa Uri Aspekto Pokus 5. Gamit o Instrumental
        6. Sanhi o Kosatib
 
5. Pinupuntahan pa rin ng mga turista ang bansang Griyego.
Pandiwa Uri Aspekto Pokus
       
 
Mga sagot:
2. Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.
Pandiwa Uri Aspekto Pokus
 magsusulat katawanin  kontemplatibo   tagaganap o aktor

3. Ipinansulat nila ang pluma.


Pandiwa Uri Aspekto Pokus
Ipinansulat    katawanin  perpektibo  gamit o instrumental
 
4. Ang paksa ay pinag-iisipan ng mga manunulat.
Pandiwa Uri Aspekto Pokus
 pinag-iisipan  palipat  imperpektibo Layon o Gol 

5. Pinupuntahan pa rin ng mga turista ang bansang Griyego.


Pandiwa Uri Aspekto Pokus
 pinupuntahan  palipat imperpektibo  Ganapan o Lokatib 
Gawain 2:
Panuto: Ikaw naman ang bumuo ng ilang
pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at
aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong
karanasang may kaugnayan sa pag-ibig sa
kapamilya, sa kaibigan, at sa kapwa.
Takdang Aralin:
Panoorin ang 4 minutong video ng mga “Diyos At Diyosa Ng Bundok
Olimpus”.
https://
www.youtube.com/watch?v=74GrbvKbaoI&list=PLEYPtizWJimYx0hB
LLB5eD72B5mmHSSMv&index=6&t=73s

Pagkatapos mong panoorin ang video ay pumili ng ilan sa mga


tauhang nakilala mo at bumuo ng sarili mong mitolohiya ukol sa
mga tauhang ito. Maaari mong gawing paksa ang tungkol sa pag-
ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo
sa isang layunin. Salungguhitan ang mga pandiwang iyong ginamit.
Marka Pamantayan
20 Malinaw na malinaw na natalakay sa isinulat na mito ang
paksang tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa
ng mga diyos at diyosa tungo sa isang layunin.
15 Malinaw na natalakay sa isinulat na mito ang paksang tungkol
sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos at
diyosa tungo sa isang layunin.
10 Bahagyang natalakay sa isinulat na mito ang paksang tungkol
sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos at
diyosa tungo sa isang layunin.
5 Hindi natalakay sa isinulat na mito ang paksang tungkol sa pag-
ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos at diyosa
tungo sa isang layunin.

You might also like