Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Dangal ng Pag-asa

ARALIN 2
PANITIKAN: Kapatid (Buod ng Nobela)
NOBELA
Isang makabagong uri ng panitikan na umusbong
mula sa mga naunang genre ng tula at drama.
Ito ay nagmula sa salitang Pranses na “Novella” o
bago.
Ito ay nagsasalaysay ng isang mahabang proseso
ng pagkamulat at pagkahubog ng mga tauhan.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit
ang nobela ay yugto-yugto, mahaba, at
nahahati sa mga kabanata.
Tunggalian ang tumutulong sa karakter
upang mamulat, mahubog, at magbago.
TUNGGALIAN
Ito ay maiuugnay sa konsepto ng conflict sa
ingles.
Ang conflict sa etimolohikong
pagpapakahulugan nito ay nagmumula sa
salitang Latinong CONFLICTUS, na
nangangahulugang labanan o alitan.
• Ito ay pangunahing element ng isang katha
sapagkat ito ay nagpapakilos sa kaganapan
ng isang likhang salaysay.
• Ito rin ay krisis sa kalagitnaan at bibigyan ng
resolusyon sa pagtatapos ng kwento.
URI NG TUNGGALIAN
1. TAO LABAN SA TAO
• Isang karakter laban sa isa pang karakter.

Halimbawa: laban ng klasikong Bida laban sa kontrabida,


mabuting tao laban sa masamang tao.
2. TAO LABAN SA SARILI
• Ang karakter mismo ang sarili niyang suliranin.

Halimbawa: karaniwang pinoproblema ng pangunahing


tauhan kung ano ang pipiliin ang tama o ang mali, ang
mabuti o masama.
• Ito ay tunggaliang kaaway ng
pangunahing tauhan ang
kanyang sarili.

Halimbawa:
1. Ang pagkakaroon ng
tunggalian sa pagkatao
(identity crisis o pagkatao)
2. Ang pagkakaroon ng
tunggalian ng konsensiya
(Guilt feeling o konsensiya)
3. TAO LABAN SA DAIGDIG O LIPUNAN
• Ang lahat ng bagay ay nagiging balakid upang
magawa ng tauhan ang kanyang ninanais na gawin.

Halimbawa: Paglaban sa katiwalian na nangyayari


sa ating pamahalaan sa kasalukuyan- ito ay ay ang
tuwirang pagtunggali sa mga pagnanakaw na
ginagawa ng mga tao sa gobyerno
4. TAO LABAN SA KAPALIGIRAN O KALIKASAN
• Karaniwang nangyayari ito kapag ang tauhan ay
direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan.

Halimbawa: Isang halimbawa nito ay ang biglaang


pag lindol ng malakas, o pagbagyo na naglalagay
sa mga tauhan sa panganib.
Linangin Natin ang Kasaysayan sa Wika
at Gramatika
Nakikilala ang mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinion
• Mga pahayag na Ginagamit sa pagbibigay ng Opinyon.
Ang pagpapahayag ng opinion ay maaaring pasalita o
pasulat.
Sa pagbibigay ng opinyon, kinakailangan ang
kasiguraduhan na mailahad ang mga ideya nang mga
kaayusan kung kaya’t kinakailangan ang sumusunod:

1. KAISAHAN – Ang kaisahan ay nangangahulugang ang


lahat ng mga ideya sa talata ay may iisang
pinatutunguhan. Sa pamamagitan ng kaisahan, ang mga
mambabasa o tagapakinig ay nagkakaroon ng pag-unawa sa
mga ideyang ipinapahayag sapagkat ang hata ng mga ito ay
nakatutulong para sa iisang marking ideya.
2. KAUGNAYAN – Ang pangungusap ay dapat
magkakaugnay upang magpatuloy nang malinaw ang
daloy ng diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng
pahayag. Mahalaga ang papel ng mga salita na
ginagamit bilang mga tagapag-ugnay sa talata. Ito ay
nagsisilbing tulay sapagitan ng mga bahagi ng
pahayag sa pangungusap at pagkakaugnay ng
talataan.
Ang pang-ugnay- ang tawag sa mga salitang nagpapakita
ng relasyon ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
Halimbawa ng mga pang-ugnay:
Pagdaragdag- at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa
Paghahambing – pero, sa kabilang banda, subalit, gayunman
Pagpapatunay- kung saan, dahil sa, para sa, tunay na, sa
katunayan
 Pagpapakita ng oras- kaagad,pagkatapos, sa lalongmadaling
panahon, sa wakas, noon
Pag-uulit- gaya ng sinabi ko, tandan, muli
Pagbibigay-diin- tiyak, labis, talaga, sa katunayan
Pagbibigay-halimbawa- halimbawa, sa ganitong klase, sa
ganitong pagkakataon
Pagbubuod o Pagbibigay ng Kongklusyon- sa madaling
salita, bilang resulta, kaya naman, sa pagbubuod
Samantala, ang bawat opinyon ay nauuri sa
sumusunod:
1. Nagpapabatid- Ito ay nagpapaliwanag tungkol sa
isyu. Nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan
sa kasalukuyang isyu upang matulungan ang mga
mambabasa na magkaroon ng buong kaalaman tungkol
sa tinatalakay na paksa.
2. Nangangatwiran- lohikal na
pinangangatwiranan ang isang panig ng isyu
upang patunayan ang isang paninindigan.
4. Naghihikayat- tuwirang nananawagan sa mga
mambabasa na suportahan ang isang programa, balak,
o kilos. Nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat
susugan ang isang gawain.
4. Nagpapakahulugan o Nagkokomentaryo-
ipinaliliwanag ang kahulagan ng balita kaugnay
ng iba pang pangyayari.
5. Namumuna- ibinibigay ang mga puna at
mungkahi hinggil sa isang isyu.
6. Nagpapahalaga- pinapahalagahan ang nagawa
ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng institusyon
o gawain o pinararangalan ang isang dakilang
adhikain.
7. Nanlilibang- naglalayong libangin ang
mambabasa habang nagmumungkahi ng isang
makatwirang gawain.
8. Nagbabalita- nagpapahayag ng isang
natatanging balita na siyang laman ng usap-usapan
sa buong kapuluan.
9. Sumasalungat- tuwirang pagsalungat sa
opinion ng iba.

You might also like