Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Ma g an d a ng

Bu ha y !
▪ Maging maagap sa klase
▪ Maging handa para sa klase
▪ Magsuot ng angkop na kasuotan sa klase
▪ Maging magalang
▪ Netiquette
▪ Panatililihing naka-off ang mikropono
▪ Alisin ang mga bagay na makagagambala

BATAS SA ONLINE CLASS


HERARKIYA NG
PAGPAPAHALAGA

BALIK -
ARAL
APAT NA URI NG
PAGPAPAHALAGA

BALIK -
ARAL
HERARKIYA NG PAGPAPAHALAGA

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga

2. Pambuhay na Pagpapahalaga
3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga
4. Banal na Pagpapahalaga
1. PAGPAPAHALAGA SA PAG-AARAL
2. PAGLALAAN NG ORAS SA PAMILYA
3. PALAGIANG PAGDARASAL
4. PAGBIBIGAY HALAGA SA PAGKAIN
5. PAGTULONG SA KAPWA

a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal


HERARKIYA NG
PAGPAPAHALAGA
(EsP 7 Kwarter 3 Modyul 10)
SAWIKAIN, BIGKASIN AT SURIIN
Ang Alamat ng Langgam
at Tipaklong
Pagpapahalaga ko, Patataasin ko!

Ayon kay Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga
kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao ay
nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan. Sa mga gawaing maituturing ng sariling konsensya bilang mabuti,
nakikita na mas pinipili ang mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang pagpapahalaga o positibong
pagpapahalaga kaysa negatibong pagpapahalaga. Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang gawain
kung mas piniling gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga o negatibong pagpapahalaga kaysa
sa positibong pagpapahalaga. Maaaring gamiting halimbawa ang paninigarilyo lalo na sa isang kabataang katulad
mo. Ito ay maaaring nagdudulot ng kasiyahan sa pakiramdam at pagtanggap mula sa iba pang mga kabataan.
Pagpapahalaga ko, Patataasin ko!
Ngunit maituturing bang mas mataas na pagpapahalaga ang kasiya-siyang pakiramdam at pagtanggap kaysa
sa pagpapahalaga sa sariling katawan na itinuturing na templo ng Diyos? Masama ang pandaraya sa
pagsusulit (cheating) dahil pinili ang negatibong pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalagang
katapatan. Sa kabilang dako, may mga taong ibinubuwis ang sariling buhay dahil sa paglilingkod sa kaniyang
kapwa na nangangailangan. Halimbawa nito ang taong sumagip sa buhay ng isang tao katulad ng batang si
Rhona Mahilum na noon ay pitong taong gulang na sinagip ang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay.
Kahit nailagay ang sarili sa panganib ay nananatili pa ring mabuti ang kaniyang gawain dahil mas mataas ang
pagpapahalaga sa pagtulong sa kapwa kaysa sa sarili.  
Pagpapahalaga ko, Patataasin ko!
Ang pananaig ng paggawa ng mabuti, na nangangahulugan ng pagpili ng mas mataas na mga pagpapahalaga, laban
sa masama, ang nakapagpapataas sa pagkatao ng tao. Ayon kay Manuel Dy, hindi dapat kalimutan ang pagiging obhektibo
ng pagpapahalaga. Maaaring hindi magtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang pagpapahalaga; ngunit hindi nito
mababago ang pagpapahalaga lalo na yaong nasa mas mataas na antas. Ngunit sa ganitong mga pagkakataon, hindi
nasisira ang pagpapahalaga kundi ang taong hindi tumugon dito. Katulad na lamang ng halimbawa ng kahalagahan ng
kalusugan. Hindi man ito pahalagahan ng isang kabataang patuloy na naninigarilyo, hindi niya masisira ang kahalagahan
ng kalusugan kundi ang buhay niya ang kanyang sinisira dahil sa kanyang paninigarilyo.
Gabayan mo ang iyong sarili sa pagpili sa mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagtatala ng pagpili mo
sa dalawang pagpapahalaga. Gagawin mo ito araw-araw sa loob ng dalawang linggo. Layon nitong sanayin ka na maging
mapagbantay sa pagpili ng mas mataas na pagpapahalaga. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba:

Petsa/Araw Piniling Pinagpiliang Antas Naging damdamin


Pagpapahalaga Pagpapahalaga Mababa Mataas

LUNES Bantayan ang   Nasiyahan sapagkat


kapatid dahil may Makipaglaro sa nagbonding kami ng kapatid
pinuntahan ang barkada X ko naramdaman kong naging
nanay ko   close kami sa isa’t isa.
 
    Mas naunawaan ko ang aming
Nag-aral ng leksyon Manood ng leksyon kaya’t handa ako sa
  paboritong teleserye X pagsusulit na maaaring ibigay
  ng aming guro
PAGSASABUHAY

❖ Bilang isang nagdadalaga/nagbibinata, paano mo


pinahahalagahan ang buhay na kaloob saiyo ng
Diyos?
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Pagkatapos ay tukuyin kung anong antas ng
pagpapahalaga ang inilalarawan nito. Isulat sa iyong sagutang papel ang PD kung ito ay PANDAMDAM, PB kung
PAMBUHAY, IS kung ISPIRITUWAL at BN kung ito ay BANAL.

_____ 1. Mahalagang maunawaan nang bawat isa sa atin na kailangan natin ngayong kumain ng masustansiyang pagkain
upang matiyak na tayo ay malusog at hindi sakitin upang makaiwas sa COVID 19.
_____ 2. Sa kabila nang pandemyang nararanasan sa buong mundo, may mga tao pa ring hindi maialis sa kanilang sarili ang
pagpapahalaga sa mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho, katulad ng mamahaling alahas at magagarang sasakyan.
_____ 3. Kahit mahirap ang buhay ngayon dulot ng pandemya, pinahahalagahan pa rin ni Rizza ang kaniyang pag-aaral dahil
naniniwala siyang ito ang magsisilbing daan sa maganda niyang kinabukasan.
_____ 4. Ang bawat pamilya sa aming barangay ay sabay sabay na nagdarasal ng Santo Rosaryo tuwing Ika-anim ng gabi
upang mas mapatatag pa namin ang aming pananampalataya.
_____ 5. Si Rhona Mahilum, 7 taong gulang, taga Sagay, Negros Occidental, ay buong tapang na nailigtas sa nasusunog nilang
bahay ang lahat ng kanyang mga kapatid kapalit ng pagkakaroon niya ng 3rd degree burn.
KASUNDUAN

❖ Bigyang kahulugan ang mga sumusunod:


❖ 1. Panaginip
❖ 2. Pangarap
❖ 3. Pantasya
Maraming
Salamat!
☺☺☺

You might also like