Professional Documents
Culture Documents
1 - Batayang Kaalaman Sa Pagsulat - Slideshare
1 - Batayang Kaalaman Sa Pagsulat - Slideshare
BATAYANG
KAALAMA
N SA
PAGSULAT
MGA BATAYANG KAALAMAN SA
PAGSULAT
• 7/21/2014
ANO ANG PAGSULAT?
Ang pagsulat ay sining na nagbibigay kulay,
kung saan konektado ang pananalita, pagbasa
at pagsulat sa isa’t isa.- ESER-
Pagsulat, sa pamamagitan ng kamay at utak na
nagtutulungan ay nailalabas ang nasa kaloob-
looban. – CANOVAS-
ANO ANG PAGSULAT?
“Writing is rewriting”.
Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat –
“A good writer is wasteful”.
Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts
away,discarding wood… The writer cannot build a
good strong piece of writing unless he has gathered
an abundance of fine raw materials.
Ayon kay Donald Murray:
• 7/21/2014
Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong
intrapersonal at interpersonal.
Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa
sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na tulad ng:
Pag-i-edit at Pagsulat ng
Pagwawastong-
basa Burador
Pagrerevisa
Final
Editing
Document
Proseso ng Pagsulat
Prewriting
Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng
impormasyon, pag-iisip ng mga ideya, pagtukoy ng
istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga
materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa
yugtong ito.
Mungkahing pre-writing activities
Pagsulat sa Dyornal
Brainstorming
Questioning
Pagbabasa at Pananaliksik
Sounding-out Friends
Pag-iinterbyu
Pagsasarbey
Obserbasyon
Imersyon
Pag-eeksperimento
Proseso ng Pagsulat
Ang Unang Burador/ Writing Stage
Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang
maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na
maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano
mo kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin
mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin
mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
Proseso ng Pagsulat
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng
hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon,
mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita
ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat nang
mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang
pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap,
ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng
pansin matapos maisulat ang buong unang burador.
Proseso ng Pagsulat
Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang
burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit
maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa
pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng
mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay
o pagbabantas kahit paminsan-minsan. Paulit-ulit pa rin
nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt
ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na
mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito
pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.
Proseso ng Pagsulat
Revising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador
nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang
manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at
lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay
nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ding
may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y
kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.
Proseso ng Pagsulat
Editing
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng
pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling,
gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang
pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago
maiprodyus ang pinal na dokumento.
Teknik sa Pagrerebays ng isang
Pag-eedit at Pagrerebays
Sinulatng sariling draft.
-isinasagawa ito isa o ilang araw matapos ang
draft.
Peer Editing
-maaaring ipabasa sa mga kaklase o kaibigan
ang draft.
Professional Editing
-pagpapa-eedit ng draft sa mga propesyunal
tulad ng mga editor at guro
Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga
istatistiks na makikita sa mga libro at
ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report
2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Kilala sa tawag na persuassive writing.
Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon
o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay
ang mambabasa na nais maimpluwensyahan
ng isang awtor.
Halimbawa:
editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng
proposal at konseptong papel
3. MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng
mga akdang pampanitikang tulad ng maikling
katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o
masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin
ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng
kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o
kumbinasyon ng mga ito.
4. PANSARILING PAGPAPAHAYAG
Pagsulat o pagtatala ng mga
bagay na nakita, narinig, nabasa o
naranasan. Sa layuning ito, ginagawa
ang pagsulat bunga ng paniniwalang
ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa
mga halimbawa nito ang pagsulat ng
dyornal, plano ng bahay, mapa at iba
pa.
MGA URI NG PAGSULAT
AKADEMIK
Pagsulat sa paaralan mula sa antas na
primarya hanggang doktoradong pag- aaral.
Itinuturing na isang intelektwal na pagsulat.
Hal:
Kritikal na sanaysay, term paper, lab report,
ekspiremento.
TEKNIKAL
Eksposisyon tungkol sa siyentipikong
disiplina at teknikal na pag-aaral
Pormal, gumagamit ng teknikal na
bokabularyo, graf
Nakatuon sa isang espesipik ng audience o
grupo ng mambabasa
JOURNALISTIK
Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang
journalist.
Makikita sa columnar ng dyaryo, tulad ng
editoryal, balitang sulatin, lathalain.
REPERENSYAL
Sulating bunga ng iba’t ibang pag-aaral,
pananaliksik, at eksperimento
Para sa mas malawak na pag-intindi sa
isang paksa.
Hal: Diksyunaryo, Ensayklopidya,
Literatura mula sa awturidad, Tesis sa
bahaging Mga kaugnay na pag-aaral at
literatura.
Propesyonal
Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa
isang tiyak na propesyon.
Hal:
Police report, Investigative report, Medical
report.
MALIKHAIN
Masining
Pokus ang imahinasyon ng manunulat.
Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.
Piksyunal o di-piksunal
Hal: tula, nobela, maikling kwento,
malikhain sanaysay